CHAPTER 11: "Hi, Micca."

1.9K 43 1
                                    

Chapter 11

Micca

Umalis na agad si Lawrence pagkatapos niya akong sermunan. Hindi ko naman kasi sinasadyang maiwan 'yung phone ko sa bahay eh. Pinadala pa tuloy ni Mommy at 'yun ang pinakaayaw ni Lawrence eh, ang may naaabalang iba.

"Good morning class," bati sa amin ng lalaki sa unahan. Actually, bago siya. Kasi naman nasa hospital 'yung prof namin sa Social Studies at siya muna daw ang sub.

"I am Sir Enrico Delgado, but you can call me Sir Rico. By the way, I heard a news na may new classmate kayo. Why don't you introduce yourself to us?" Pagsasabi niya. Sa tingin ko kasama siya sa federation. Huntangs eh! Ang conyo pa!

"I'm Farrah Anttonete De Torres.." pagpapakilala niya at umalis agad sa unahan. Dumiretso siya sa tabi ni Sica.

Ewan ko nga do'n kay Sica, babantayan niya daw ang kapatid ko eh wala naman akong sinasabi. Bahala siya.

"So that's it?" Dismayadong tanong ni Sir. "By the way, who's Micca El De Torres?"

"Yes Sir?" I asked as I stood up. Mukhang nagulat pa si Sir dahil nanlaki pa ang mga mata niya. Anong problema nito?

"Woah! Are you twins?" Parang amaze si Sir na ewan. Sabi na nga ba eh.

"No Sir.." chismosong bakla ito ah!

"Gano'n?" Parang dismayado na naman sya. "So, I called you because I heard a lot of news that you.."

"Sir, don't worry. Good girl ako sa Social Studies," natameme si Sir sandali. Sadya naman akong good girl dito eh. Alam ko namang sasabihin niyang ganito ganyan ako sa mga klase ko. Yeah, amabadgirl kaya. Palitan ko kaya sa Facebook alternate name ko. (amabadghurl) 'Di ba? Ang jeje lang.

"Okay. You may take you're seat.." umupo naman agad ako dahil sa totoo lang kahit 'di naman niya sabihin uupo talaga ako.

"Bakla si Sir 'no?" Napatingin ako kay Cecille nang bumulong siya.

"Oo yata?" Ayoko namang husgahan si Sir eh. Parang 'di ko sinabi kanina na bakla si Sir ah?

May kung anu-ano pang sinasabi si Cecille sa akin at hindi ko iniintindi 'yun. Bahala siya. Nagsimula na si Sir mag-lecture at swear naman! Nakaantok rin si Sir magturo. Akala ko pa naman iba siya.

Nang matapos ang aming morning class ay lumabas agad ako sa room kasama si Cecille. Pupunta kasi kami sa SC office eh.

"Bakit nga pala tayo pupunta sa SC?" Tanong niya. Napabuntong hininga ako dahil nabanggit ko na kasi sa kanya 'yun kanina. Paulit-ulit na lang!

"'Di ba nga, sabay-sabay tayong magla-lunch nina Lawrence.."

"Sino bang kasama pang iba?" Tanong na naman niya.

"Si Vince," mabilis na sagot ko. "Oh bakit?"

Bigla kasi siyang tumigil kung kailan malapit na kami.

"Sige na! Ikaw na lang pala. May assignment pa pala akong gagawin!" Naging malikot ang mga mata niya. Anong problema nito?

"Ano? Nandito na tayo, ngayon ka pa. Tsaka paano ka magkaka-assignment kung makaklase lang tayo ha?" Nakita kong parang nabigla siya na ewan sa sinabi ko. Nakahithit yata 'to eh?

"Ah, eh, uhm, ano.." dahil sa inip ko ay hinila ko na siya sa kamay nang hindi pinakikinggan ang reklamo niya.

"Hi!" Bati ko agad pagbukas ko ng pinto.

Napatingin sa amin ang dalawang freshmen na nakaupo ngayon. Teka. Uma-attend pa ba ng klase itong si Lawrence?

"Where's Vince?"

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now