CHAPTER 35: Plans For The Future

1.4K 36 13
                                    

Chapter 35

I was so tempted to help Lawrence in cooking our lunch. Nasaan kami? Well, nasa condo ni Farrah. Pinahiram niya muna sa amin dahil nagbabakasyon siya sa Singapore kasama ang pamilya ni Ven. See? Ang sosyal ng kapatid ko, kasama agad ang pamilya ni Ven. 'Di pa naman boyfriend. Pero ang sabi niya sa akin sasagutin na nga daw niya 'yun. I am just a supporting my sister here.

"Matatapos na 'to. Just sit there," utos na naman sa akin ni Lawrence.

Kanina pa niya ako sinasabihan na umupo na ako dahil baka mangangalay lang ako habang nasa tabi niya ako habang siya ay nagluluto. I just love watching him cooking. Parang ang expert kasi! Magaling magluto si Lawrence, parang sa lahat naman ng bagay!

"Dito muna ako.." I said saka sumubo ng isang piraso ng grapes. Ibinigay niya 'to sa akin para daw hindi ako ma-bored.

"Okay, but don't try to hold a knife again," giit niya. Gusto ko lang naman siyang tulungan kanina eh kaya ko hinawakan 'yung kutsilyo. Ang kaso, nagulat niya ako kaya nabitawan ko 'yun at nahiwa ang daliri ko.

"Yes, Monster Daddy," I smiled. He looked at me before shaking his head.

Maya-maya pa nga ay tapos na siya. Kare-kare, fried tilapia, sinigang at pakbet ang niluto niya para sa aming dalawa. Marami nga. Para daw iba't ibang nutrients ang makuha ko.

"Are you going to enroll this semester?" Natigilan ako sa tanong niya kasabay ng pagtaas ng kilay ko.

"Seriously tinatanong mo 'yan? Syempre hindi! Malaki na siguro ang tyan ko sa pasukan ano."

"Pwede rin. We can look for university where pregnant women are allowed to study, what do you think?"

"'Wag na. Not that kinahihiya ko ang pagbubuntis ko ha? Proud pa nga ako pero alam mo namang maselan ang pagbubuntis ko. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa baby natin."

"Hm, you have your point," he commented, and I rolled my eyes.

"I always have my point.." I beamed, and he smiled.

"By the way, before I forgot. Where do you want to have vacation this summer?"

"Ah.." napaisip ako. "I don't know. Ikaw, saan mo ba gusto?"

"Anywhere. As long as you are with me, there's no problem about those places we're going to go."

"Sus. Bumabanat ka na naman!" I commented, and we laughed along. "You should ask Dad first about your plans before asking me."

"Wae?" He asked. "Aren't you going if he doesn't want?"

"Syempre, pupunta pa rin," sagot ko agad. "Pero syempre, mas maganda na 'yung alam ni Dad. Lagi naman kasing okay kay Mommy eh. Alam mo naman si Dad ngayon, masyadong protective."

"But, is it okay for you to travel?"

"Huh? What do you mean?"

"I remember what the doctor told me that you shouldn't be stressed and get tired. I also asked her if is it okay for you to travel and she said that it's okay as long as you travel at 2-3 hours only, but airplane travelling is another thing. You can be so tired if you travel through airplane."

"So, no to out of country and out of region?"

"Absolutely.." napanguso ako. What a summer vacation! Geez.

"Fine! Alam ko namang wala akong magagawa regarding that," ininom ko ang orange juice ko. "Ano nga palang kukunin mong course?"

"Business."

"Nyek!" Napangiwi ako. "Bakit naman business? Oo nga't may kumpanya kayo pero hindi ba nasa Korea pa 'yun? Eh 'di ibig sabihin kailangan mo pang lumipat sa Korea ha?"

"Huh?"

"Oh ngayon kung maka-huh ka naman d'yan parang hindi mo alam."

"No. No.." he shook his head after he put down his spoon and fork. "This month, Mom and Dad are planning to have another branch of our company here. We're still unsure if the netizens will support our company's kind of service."

"Sus. Papatok 'yun!" Pangungumbinsi ko sa kanya. "Marami na sa mga Pilipino ngayon ang mga nagpi-feeling Korean kaya I'm sure kerie lang."

"Yeah. We also planned this for our angel."

"Huh?"

"If he or she is in the right age, I'll allow him or her to handle our company."

"Ekshayrada lang anek?" I rolled my eyes. "Ayokong pipilitin mo ang mga anak natin sa mga ayaw nilang gawin, ano."

"Mga?" He grinned. "So, gano'n? You're already planning to have children without even informing me? What are you going to do? Seduce me?"

"Woah! Yabang ha. Nagkamali lang ako ng banggit, ano ka ba. Echoserang kwago ka!" I beamed and he laughed.

Nag-usap lang kami tungkol sa mga ka-echosan namin sa future. Hindi ko nga alam kung bakit kami nag-uusap ng ganito na para bang mag-asawa kami kahit na hindi pa naman. Alam ko naman siya na talaga ang para sa akin mula pa noong una kaya kampante ako sa usapan namin. Panalangin ko lang na sana ay matupad namin lahat ng pinlano namin.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now