CHAPTER 7: Bad Trip

2.3K 51 1
                                    

CHAPTER SEVEN

Bad Trip

"Are you done?" Tumango ako sa tanong ni Lawrence at magkasabay na kaming lumabas ng SC Office habang dala-dala niya ang mga gamit ko, syempre pati ang bag ko.

He looked really cute while carrying my bag. Parang baklang ewan.

"Attend your whole afternoon class and don't escape, understood?" He asked me. Para naman siyang tatay kung magsalita.

"Okay," sagot ko na lang at kinuha ko na ang mga gamit ko sa kanya. "Bye!"

Ngumiti lang siya, at lumarga na siya kaya pumasok na ako sa loob ng room namin. Naabutan ko si Cecille na busy sa pag-aaral sa Physics dahil sa quiz namin mamaya.

"Cecille!" I screamed her name.

Napatingin naman sa akin lahat ng nasa loob maliban sa mga naka-earphones. Hindi naman sila nakapagreklamo. Dapat lang.

"Oh, nag-aral ka na ba? At nambubulabog ka d'yan ng mga nag-aaral ha?" I nodded my head happily.

Kanina pa ako nag-aral at si Lawrence pa ang nag-review sa akin. Ang nakakainis lang naman talaga kasi kapag tinuturuan niya ako ay parang hindi niya ako girlfriend kundi estudyante at siya ang istriktong professor.

"Buti ka pa.."

"Tell me, hindi ka nakapag-aral dahil kay-"

"Teka nga!" Pagputol niya sa sinasabi ko. "'Di ba dapat don't tell me 'yun, 'di ba? Eh bakit naging tell me? Parang sure na sure ka na ah!"

Binatukan ko nga siya dahil do'n. Aba! Pati ba naman pag-construct ko ng sarili kong sentence pinakikialaman pa niya.

"Wala kang pakialam!" Mariing wika ko. Ngumuso ang gaga kaya naman napailing na lang ako. Muntanga na naman siya.

Maya-maya lang dumating na si Mr. Quintos at dinistribute na ang mga test papers. Grabe talaga itong si Sir kakaiba din. Wala man lang good luck sermon sa mga estudyante niya ngayong araw. Dati-rati kasi eh gano'n siya. Sermon before the exam.

Baka naman nag-break si Sir at ang boyfriend nya! Oo, tama, boyfriend nga! Bakla kasi si Sir, gano'n talaga ang buhay. May mga kabilang sa third sex.

"Okay, you may start answering," makapagsagot na nga lang kaysa iniintindi ko ang pagpunta ni Sir sa third sex.

In all fairness nga naman! Natutuwa talaga ako kapag niri-review ako ni Lawrence, nasasali kasi talaga sa exam ang mga tinatanong niya sa akin.

Mga ilang minuto ko lang siya nasagutan. Mga 45mins kaya ibig sabihin eh may 15mins pa ako para mag-cafeteria.

Nagpasa na agad ako at nagpuntang cafeteria.  Natapos na ang test namin ngayong araw na ito. Nag-order na lang ako ng chocolate cake at milk tea dahil dapat yung 10mins ko ay para sa pagkain ko at 5mins sa paglalakad ko.

"Hi," umangat ang tingin ko dahil baka ako ang binabati ng narinig ko.

I looked at the girl. She looked simple and sweet, yet I was not the kind of a person who thought that you were kind just because of your looks.

"Hello," I greeted her back kahit na iba yung nasa isip ko. "May kailangan ka?"

"Pwede bang makiupo?" Napatingin ako sa paligid, sa loob ng cafetria namin. Wala na ngang vacant seat dahil maraming klase ang vacant din ngayon kaya tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Hm, pwede magtanong.." grabe naman itong babaeng ito, may pagka-feeling close siya ha.

"Micca, call me Micca.." pagpapakilala ko dahil ayoko na may tumatawag sa akin ng Miss, Ate, Ale, Manang at kung ano-ano pang kagagahan!

A Perfect BoyfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora