CHAPTER 32: Unexpected

1.3K 37 4
                                    

Chapter 32

Micca

"Kumusta ka na?" Biglang tanong sa akin ni Farrah habang kumakain kami ng agahan. Sabagay, ngayon na lang ulit siya nakabisita kaya gano'n.

Isang buwan na rin ang nakalipas at marami na ang nangyari. Naka-graduate na kami ng high school at niregaluhan ni Dad si Farrah ng condo. Anong regalo nila sa akin? Well, kotse. Ayos na rin, ayoko naman kasing humiwalay sa kanila kahit na college na ako.

Minsan na lang makabisita si Farrah pero lagi pa rin naman kaming magka-text at chat kaya updated pa rin ako sa nangyayari sa kan'ya. Ang balita ko kasi ay nililigawan na siya ni Ven. Natatawa nga ako kapag naaalala ko kung paano nagtapat sa kanya si Ven noong graduation. Ang ingay nila na parang aso at pusa. Tapos, bigla na lang tumakbo si Ven sa stage at kinuha na ang mic sabay sabing Tangina naman Farrah! Mahal kita, ang manhid mo! Bwisit. At 'yun. Napahiya ang kapatid ko ng bongga. Ilang araw ding hindi sila nagpansinan hanggang sa ligawan na nga.

"Okay lang," tipid na sagot ko.

Si Lawrence naman ay hindi ko na alam. Pagkatapos ng graduation, nabalitaan kong nag-break sila ni Yoona. Then the next day, may nakita akong picture niya sa facebook na nasa Korea siya kasama ang Mommy niya. Okay lang naman sa akin na nasa Korea na ulit siya pero there's the part of me felt pain dahil hindi man lang kami nakapagpaalam ng maayos sa isa't isa. I sighed.

"Ah, wala ka bang nararamdaman na iba?" Natigilan ako sa tanong ni Farrah. Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Huh? Wala.."

"Wala. Kung ano man ang nasa isip mo ngayon. Okay lang ako. Wala akong nararamdamang kakaiba dahil okay ako," sagot ko na lang. Tumango siya.

Hindi ko naman kasi siya maintindihan kaya nagpatuloy na ako sa pagkain. Nagtatanong sa kanya si Dad at Mommy ng kung anu-ano at hindi ko na sila inintindi dahil feel na feel ko pa ang pagkain ko dito. Masarap pala si Mommy magluto ng sinigang ngayon ko lang napagtanto.

"Oh my.." napatayo ako sa kinauupuan ko at tumakbo papuntang banyo. Nasusuka ako!

Farrah

Natigilan kaming tatlo sa pag-uusap nang biglang tumakbo si Micca. Sinundan namin siya at nakitang nagsusuka na pala siya. Hindi pa man ako sure ay kinuha ko ang cell phone ko.

Micca is vomiting!

I sent it to Cecille. Natawa ako sa isip ko. Katatanong ko lang kasi kay Tita kung may extra silang napkin dahil nagkaroon ako. Saka ko napansin na ang dami pa nilang stock. Hindi pa daw kasi nagkakaroon si Micca kaya kinutuban na ako. Kung irregular man siya ay wala na akong paki doon. Basta, aabangan ko ang mga susunod na mangyayari.

"Micca, are you okay?" Tita asked Micca. Napangisi tuloy ako lalo.

"Bakit ka nagsusuka?" Mariin ang pagkakatanong ni Dad kaya napatingin ako sa kanya. "Are you pregnant?"

"Dad!" Parehas na sigaw ni Tita at Micca. This is gonna be exciting..

"Oh, bakit?" Maang na tanong ni Dad. "Malay ko ba kung nasalasihan ako ng mga manliligaw mo?"

I bit my lower lip to suppress my laughter. Ang balita ko nga nitong mga nakaraang araw ay dumami ang mga manliligaw ni Micca. Dumagsa kumbaga! Nabalitaan na siguro na wala ng bantay dahil nasa Korea na si Ian. Ang bali-balita pa kasi dati ay binabakuran daw ni Ian si Micca sa pamamagitan ng pagbabanta nito sa mga lumalapit kay Micca. Wala eh, markado na ang kapatid ko.

"Dad, hindi po.."sabi ni Micca pagkatapos maka-recover. "Saka, ano ba naman po 'yang pinag-iisip niyo eh hindi nga po ako nailalabas ng mga iyon. Paano po ako mabubuntis kung.."

"Kung ano?" Natigilan si Micca. Nanlaki ang mata niya at biglang tumingin sa phone niya.

"What happened Micca?" Tita asked her concernly. Napatitig ako sa kanya nang magsimula na siyang umiyak.

"Mommy, sorry po.." niyakap niya si Tita. Napailing ako. Ang OA kasi niya. Okay, kasalanan nga naman ang premarital sex pero kahit na. Mahal naman nila ang isa't isa.

"Okay lang, Micca. Ano ba 'yun?"

"I think I'm pregnant.." humihikbing sabi niya.

"Ano?" Napaatras ako nang sumigaw bigla si Dad sa tabi ko. Galit na galit ang itsura niya. "Sinong ama? Tangina, magka-college ka pa lang tapos anak agad? Anong tingin mo sa sarili mo? Kailangan may anak pagtuntong ng college ha? Mga pinaggagawa mo sa buhay mo! Sinong ama ha? Ng mapatay ko na ang hayop na 'yun!"

"Dad!" I snapped. "Kung makapag-react naman po kayo dyan parang hindi mo nabuntis si Tita noong 3rd year siya."

"Ano?" Sigaw niya sa akin. "Magkaiba 'yun! At least, alam kong mabubuhay ko ang Tita mo. Eh 'yang ama niyan ha? Gaano tayo kasigurado? Sino ba ang ama niyan?"

"Si Lawrence po.."

"Ano?" Sigaw na naman ni Dad kaya napailing na lang ako. Kung maka-Ano naman kasi si Dad eh. OA na. Sino bang inaasahan niya?

Hindi ko alam kung paano ko mapipigilan ang tawa ko dahil sa mga pinaggagawa ni Dad. Paano ba naman, limang pregnancy test ang ipinagamit kay Micca bago maniwala na buntis ang anak niya. Kaya ayon, halos mag-Novena na si Tita. Natatawa na lang ako.

Kinabusan ay tinawagan agad ni Dad ang mga magulang ni Ian. Hindi ko alam kung bakit naisip ni Dad na tatakbuhan ni Ian si Micca dahil hindi niya sinabi agad na buntis nga ang kapatid ko. Basta, may importante daw sasabihin. Kahit si Lance ay tinanong na kung anong nangyayari at syempre hindi ko sinabi! Alam na rin ni Cecille at tuwang-tuwa ang luka!

"Anong gagawin ko?" Napailing na lang ako. Nakailang tanong na kasi si Micca ng ganyan habang wala siyang tigil sa paglalakad paikot sa loob ng kwarto niya.

Yup, hindi siya pinalabas ni Dad ng bahay kahit isang beses dahil baka daw kung mapaano sila ng baby niya. Kung makapag-react noong una, concern din pala!

"Umupo ka na lang," sabi ko sabay kuha ng isang selfie. "Kapag nakita ka na naman ni Dad na pauli-uli ay igagapos ka na no'n."

"Eh Farrah naman!" Inis na wika niya. "Ano na lang sasabihin ni Lawrence sa akin? Na nagpabuntis pa ako, eh break na kaya kami!"

Tiningnan ko siya. "Baliw ka ba? Natural alam kong break na kayo isang buwan na ang nakalipas. Pero hindi mo ba naisip na hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit ka nabuntis? Hindi naman kasi ikaw 'yung dapat na mag-withdraw ano! Siya 'yun. So ginusto rin niya."

"Pero.."

"Manahimik ka na. Kapag-Ay peste! Nakita ng nagseselfie dito. Ibigay mo nga sa akin 'yan!"

"May number ka pa ni Lawrence?"

"Oo. Bakit ba? Magkikita din naman kayo bukas eh."

"Pero.."

"Akin na nga 'yan!" Kinuha ko sa kanya ang phone ko. "Ano bang gagawin mo?"

"Hindi ko na siya papupuntahin!" Giit niya. "Okay lang naman sa akin na maging single mother basta maging tahimik lang ang buhay niya."

"Pwede manahimik at huminahon ka?" Hinawakan ko siya sa balikat. "Kumalma ka. Makinig ka ha? Magkasama niyo 'yang ginawa kaya magkasama din kayong magpapalaki. Manahimik ka na dahil maglalaro pa ako ng COC. Kung ayaw mong makunan ngayon pa lang, naiintindihan mo?"

Tumango siya kaya tumango na din ako. Kumalma rin.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now