CHAPTER 15: Breaking News

1.6K 37 2
                                    

Chapter 15

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pero feeling ko hindi ako makahinga. Puro puti. Malamang nasa hospital ako dahil amoy pa lang, ayoko na.

"Micca.." nilingon ko ang tumawag sa akin. Agad na kumunot ang noo ko nang makilala ko kung sino siya. He's not Lawrence.

"Lance," Anong ginagawa niya dito? "Where's Lawrence?"

Tumayo siya at pumunta sa side table.

"May gusto ka bang kaninin? O baka nauuhaw ka?" Magkasunod na tanong niya na tila ba ina-assume niya na madi-distract ako doon.

"Si Lawrence, ang gusto ko.." tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Nasaan si Lawrence, Lance?"

Bakit hindi siya ang nandito? Bakit si Lance? Hindi ba nagseselos siya kay Lance. Eh nasaan siya ngayon? Hinayaan niya ako dito kung ganoon?

Magsasalita pa sana ako nang magbukas ang pinto. Agad kong naramdaman ang pagtalon ng puso ko sa sobrang tuwa.

"Here's your order," tiningnan ko si Lance pero nginitian niya lang ako saka siya nag-wave ng kamay niya.

"Saan ka galing?" Tanong ko agad sa kanya. Umupo lang siya sa upuan sa gilid ng hospital bed at seryoso akong tiningnan. "Oh bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?"

"Kailan pa?"

"Ha?" Ano daw? "Ang alin?"

"Kailan mo planong sabihin sa akin ang tungkol sa kalagayan mo?" Natigilan ako saka napayuko. Alam na pala niya. "Kailan? Kapag nahimatay ko na lang ulit dyan?"

"Sorry.."

"Sorry! Yeah! Sorry . . that's the fucking word that you can say because you kept it from me! Wala akong kaalam-alam Micca!" Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang sinasabunutan ang sarili niya.

"Sorry," I said it again. Oo, wala nga akong masasabing iba. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya kung natatakot akong kaawaan niya ako? Natatakot akong magbago ang pakikitungo niya sa akin?

"Now, tell me. Let us assume that I don't know anything yet."

"Lawrence.." huminga ako ng malalim. "May sakit ako sa puso."

Narinig ko ang malulutong niyang nura pero nagpatuloy ako.

"Simula pagkapanganak ko pa lang, may butas na ang puso ko. Hindi ko sinabi sa'yong may sakit ako kasi ayokong makaramdam ka sa akin ng awa. But don't worry, tanggap ko na naman sa sarili kong.."

"Stop," tumayo siya sa kinauupuan niya at mabilis na niyakap ako. "We'll find a donor."

Natawa naman ako sa suwestiyon at sa kaimposiblehan noon.

"Hindi na!" Humiwalay siya ng pagkakayap sa akin at tiningnan ako ng mataman. "I don't need a donor. Saka matagal ko na naman kasing tanggap sa sarili kong I need to leave this world kapag.."

"Me?" Natigilan ako. "How about me, Micca? Are you going to leave me? Kaya mo bang iwan ako?"

Hindi ako nakasagot. Anong isasagot ko? Na handa na ako. Na sa simula pa lang, alam kong dadating kami sa puntong iiwan at iiwan ko din siya. Oo, selfish na kung selfish pero sa simula pa lang na hinabol ko siya ang tanging gusto ko lang ay maging masaya dahil alam kong 'di na rin ako magtatagal. At oo, nahihirapan na ako ngayon dahil mahal na mahal ko na siya. Pero mahal ko rin ang pamilya ko higit sa kanya at tanggap ko ring iiwan ko rin sila balang araw.

Alam kong masasaktan siya pero kaunting sakit lang 'yun, makaka-move on rin siya. Kapag nawala ako, alam kong may dadating sa buhay niyang mas pa kaysa sa akin at sa pagkakataong 'yun, makakalimutan niyang may nakilala siyang Micca El De Torres.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now