Chapter 24: Avoiding Secrets

1.3K 34 3
                                    

Chapter 24

Magkatitigan ang dalawa. Para bang kapag may nagsalita sa kanila ay papatayin agad. Kanina pa silang ganito, nasa loob sila ng SC Office. Nakalipas na rin ang dalawang araw nang matapos ang Club Fest, nakapag-isip na rin sila.

Hindi na natagalan pa ni Lawrence at napabuntong-hininga na lang siya na unang nag-iwas ng tingin.

"Magsalita ka na," ani ni Micca na para bang nasa intorregation room silang dalawa.

"Why me? I'm not the one who started this!"

"Pero ikaw itong may mga sikreto!" Depensa ni Micca. "Kung hindi ka nagsikreto, hindi kita bibigyan ng space para makapag-isip!"

"What do you mean?"

"What do I mean?" Puno ng sarkastikong balik tanong ni Micca. "What I mean here is you should tell me your secrets o mas magkakagulo tayong dalawa."

Hindi nakasagot si Lawrence. Nag-iwas din siya ng tingin dahil hindi niya kayang tingnan ang girlfriend.

"That's it!" Napatayo si Micca. "We are here to talk about your fucking secret, ano ba!"

"Don't cussed," sinamaan niya ng tingin si Lawrence dahil tinampal nito ang kanyang bibig.

"Eh 'di hindi na!" Umupo siya pero hindi maalis sa mukha ang simangot. "Sabihin mo na kasi."

"I love you."

"I love you too.." ulit, sinamaan niya ito ng tingin. Gano'n kasi siya, automatic na ang I love you too niya kapag nagsabi na ito ng I love you. "Alam ko na 'yun eh! Wala ng iba?"

"Mahal kita," seryoso si Lawrence kaya muntik na siyang matawa.

"Mahal rin kita. Mahal na mahal.." hindi alam ni Micca pero para sa kanya, mahal kita is most sincere. Wala, para kasing tagos 'to sa puso kapag sinasabi.

"Can I?"

"Go!" Ngumiti si Micca dahil ganito na naman sila ni Lawrence. Madalas talaga silang mag-away noon pero naaayos din kapag nag-uusap na sila nang seryoso.

"I was your childhood friend and sweetheart," simula nito. "We care for each other before. Lance and Farrah are with us also. Lance asked you if he can court you, but. "

"Wait," pagpapatigil sa kanya ni Micca. "Hindi mo na kailangang ikwento. I want the story why I had my amnesia and why the hell I might hate you by you telling the whole story."

"I hurt you," he sighed. "We were in Korea that day. I thought you texted me that you need me urgently, so I did my way to go to your place. When I came, I knew that the one who texted me was Farrah and not you. She did that because she loves me."

"She loved you," pagtatama ni Micca sa kanya. Tumango na lamang si Lawrence.

"She kissed me. I pushed her away, and I saw how she smiled devilishly so I turned around. I found you crying looking at us with your broken heart," huminga muna ito ng malalim. "You ran, so I followed you. The moment I was about to hold your hand, a truck came and you.."

"Nabundol na ako.." pagtutuloy ni Micca. Walang kahit na anong bahid ng emosyon ang pagkakasabi niya no'n. Just plain and ordinary. "So, sa tingin mo, magagalit ako sa'yo dahil do'n?"

Tumango agad si Lawrence. "Why not? I was the one who hurt you. I was the reason why.."

"Am I that shallow?" Nakangisi si Micca at napayuko naman si Lawrence dahil sa tinuran nito. Hindi kailanman siya naging mababaw. Yes, she's maybe a bipolar, but not a shallow one!

"No. I just thought the possiblities. That was the first one in my list, so.."

"Mahal kita," natigilan si Lawrence saka napatunghay. "Mahal kita, mahal na mahal."

"Mahal rin kita."

"Oh eh bakit nabubulol ka?" Ngumisi ito ng nakakaloko. "Nagsisinungaling ka na sa'kin ganyan.."

Nanlaki ang mga mata niya nang hawakan ni Lawrence ang magkabilang pisngi niya saka siya hinalikan nang mariin. Nakapikit ito at nakakunot ang noo.

"Mahal kita," wika nito nang maghiwalay sila. Pinagdikit ang noo nila. "Mahal na mahal."

"Wala na ba tayong ibang alam na salita kundi mahal?" Pang-aasar ni Micca dito. Nagkibit-balikat lang naman ito bilang sagot. "May secret din ako."

"What?" Umayos ito ng upo.

"Bukod sa maganda ako na lantaran na naman ay mayro'n pa!" Ngumisi na naman ito ng nakakaloko. "Alam ko."

"Alam mong?"

"Alam ko lahat. Lahat-lahat."

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now