CHAPTER 29: Her Heart

1.4K 39 14
                                    

Chapter 29

Micca

Napabuntong hininga ako bago ko kinagat ang slice ng mansanas na ibinigay sa akin ni Farrah. Nandito pa rin ako sa hospital at pakiramdam ko habang nagtatagal ako dito lalo lang akong nagkakasakit. Nakakainis.

Napatingin ako sa mansanas na hawak ko. Parang noon, si Lawrence ang gumagawa nito para sa akin pero ngayon. Marahas akong napailing. Dapat hindi ko na siya iniisip!

Tama si Farrah kung talagang mahal niya ako, hindi siya matatakot na manatili sa tabi ko. Hindi siya aalis sa mga panahong kailangang-kailangan ko siya. Kailanman, hindi naging malakas si Lawrence para sa akin dahil sarili lamang niya ang iniisip niya. Siguro isa lang siya sa mga taong dadaan lang sa buhay ko talaga. Nanatili sandali pero aalis rin.

Siguro dumaan siya sa buhay ko para iparamdam sa akin ang saya na mismong babawiin din niya. Hindi ko siya masisisi. Baka sadyang hindi ako 'yung babaeng pinaglalaban at minamahal ng sobra. Hindi ako 'yun.

"Hoy!" Nabalik ako sa realidad nang hagisan ni Farrah ang mukha ko ng panyo. "Umiiyak ka na naman? Ilang araw ka pang mababaliw? Sabihin mo na."

Napahawak ako sa pisngi ko saka napagtantong umiiyak na naman pala ako. Napasimangot ako saka kinuha ang panyo at ipinunas sa basang pisngi ko.

"Gaano ba kasarap ang umiyak at talagang hindi mo lang inaaraw-araw, oras-oras pa?" Sarkastikong tanong niya. Lalo akong napasimangot.

"Gano'n ba talaga ako katanga, Farrah?"

"Oo," natawa ako ng mapait dahil ang bilis ng sagot niya at hindi man lang siya nagdalawang-isip. "Hindi ka lang tanga, kundi baliw pa. Ang akala ko noon, si Ian 'yung laging nagpapaka-martyr sa inyo. Hindi pala."

"So na-disappoint kita?" Pabirong tanong ko pero tinaasan niya lamang ako ng kilay. Nagkibit-balikat ako. "Hindi siya martyr. Hindi rin ako. Hindi naman kasi namin natitiis ang isa't isa. Sino ba sa amin ang kahit nasasaktan na ay tumutuloy pa rin?"

"Ikaw.." sagot niya. "Ikaw 'yung martyr. Mahina siya. 'Yun. Gano'n kayo, kayong dalawa na lang ang nagkakasakitan sa mga sarili niyo."

"Kailan ka pa naging gan'yan kaseryoso?" I joked again.

"Simula nang nawalan na ng kwenta ang isang Lawrence Ian Do."

"Joke ba 'yun? Kailangan ko na din bang tumawa? Sabihin mo na, bilis."

"Flip top 'yun gaga ka!" Bahagya niyang hinila ang buhok ko. "Kung bakit ba naman kasi gan'yan ka eh. Kapag kailangan seryoso, tumatawa ka. Kung kailan naman sobrang saya na dapat ay daig mo pa ang namatayan."

"Baka kasi mabaliw na lang ako bigla" I smiled. "Baka kapag inisip ko ang lahat ng problema ko ay bigla na lamang akong mabaliw sa sobrang daming dapat isipin."

"Baliw ka naman talga, ano.." she remarked, and I softly chuckled. "Kung bakit ba naman kasi sa dami ng pwede mong mahalin ay si Ian pa ang napili mo? May sayad na nga, duwag pa. Ano bang kagusto-gusto do'n? 'Yung mga mata niyang sobrang laking parang pang-kwago? O 'yung labi niyang makapal na kapag ngumingiti ay nakakabuo ng heart shape? Ha! Pwede ba. Pandak naman."

"Oo na.."

"O baka naman 'yung boses niyang mala-anghel sa ganda at husky na sobrang gwapo naman talagang pakinggan? Ah, siguro nakuha ka niya sa mga luto niyang makapagdamdamin sa sarap. Pwede ba, Micca! Oo na ang perfect-perfect na niya! Siya na talaga!" She said in frustration, and I laughed.

"Kita mo na? Parang kanina lang nilalait mo siya tapos bigla mong pinuri at sa huli ay tinawag mo na siyang perfect. Nakakatawa ka naman," I laughed again.

"Alam mo ikaw, dapat sa'yo tinatali ng patiwarik eh," marami pa yata siyang sasabihin nang biglang tumunog ang phone niya. "Hay naku, may lakad nga pala kami ni Ven ngayon. Bale, papunta na dito si Cecille. Siya na muna ang magbabantay sa'yo."

I nodded. "Anong meron sa inyo ni Ven ha?"

"Meron?" She frowned. Sinukbit niya na ang bag niya. "Walang meron sa amin at hello? Walang kami, ano."

"May sinabi ba akong kayo?"

"Ang sabi mo Anong meron sa inyo! Mga trip mo, Micca. Huwag mo akong dalihan."

"Sus," I laughed. "Ingat sa date niyo."

"Sige mang-asar ka pa.." she rolled her eyes. "Uuna na ako, 'wag kang mababaliw dito at papunta na si Cecille."

"'Kay," lumabas na siya pagkatapos.

I suddenly felt so alone kaya sinimulan kong inumin ang gatas na iniwan ni Farrah sa'kin saka ko naalala ang sinabi nila kahapon.

"Next day will be your heart transplant, Micca," Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Dad. "You don't have to choose regarding this 'cause I already made my decision."

"'Yan na naman ba kayo?" I asked him. "Magdedesisyon kayo para sa akin without asking my possible feeling I may feel."

"This is for your sake.."

"Lagi naman. Kailan ba hindi para sa kapakanan ko? 'Yun na lang lagi ang dahilan niyo. Nakakapagod ding marinig."

"Gusto naming mabuhay ka pa," he started and I was taken aback. "Hindi lang si Lawrence ang dapat dahilan mo habang nabubuhay ka. Ngayon na umalis na siya, sino? Sino ang magiging dahilan mo para mabuhay? Nandito pa kami."

"Nandyan pa si Lawrence!" Giit ko

"Nandyan pa siya? Oo, buhay siya pero nasaan siya ngayon? Nasaan? Alam mo kung anong totoo ha? Alam mo ba, Micca El?" Hindi ako nakasagot bagkus ay naiyak na lang ako. Galit sa akin ang Dad ko. "Nasa bahay nila siya. Hindi siya pumuntang Korea kasi gusto niya 'yung putres na puso niya ang i-donate para sa'yo.."

"Hindi niyo pwedeng gawin 'yun!" I cried more. "Mamamatay siya, Dad. Mamamatay siya! Hindi ko kaya."

"Alam ko! Hindi kami pumayag pero Micca El, sana naman makita mo pa kami," halata sa boses ni Dad ang lungkot. "Paano kung si Lawrence na nga lamang ang makakapagbigay sa'yo ng puso? Syempre, hindi ka papayag dahil mamamatay siya. Malulungkot ka. Eh kami? Kami, Micca. Malulungkot kami kapag nawala ka kaya pumayag kang mag-undergo ng operation, please."

Sa huli, pumayag ako sa isang kondisyon. Before my operation, gusto kong makausap si Lawrence. Kahit sa pagkakataon lang na iyon. Gusto kong makausap siya. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng hinanakit ko. Gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano niya ako nasasaktan sa simpleng pag-alis niya.

"Tulaley na naman.." nagulat ako nang makita na si Cecille pala 'yun. Nakapasok na pala siya nang hindi ko man lang napapansin.

"Nakapasok ka na pala, hindi ka man lang kumatok."

"Kumatok kaya ako. Ang kaso, walang sumagot kaya akala ko tulog ka. Pumasok na ako," she smiled. "Kumusta ka na?"

"Okay lang. Bakit?" Tanong ko dahil nakakakilabot ang mga ngiting ibinibigay niya sa akin.

"Anong bakit?"

"Bakit ganyan ka makangiti? Parang ewan. Kinikilabutan ako sa'yo. 'Nyeta ka."

"May kasama ako.." matigilan ako at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Sino?" Biglang bumukas ang pinto at parang gusto ko ng magtago sa ilalim ng kama ko.

Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Ang bilis ng tibok nito. Nagwala ang buong sistema ko at kahit ang mga mata ko ay nanlabo dahil sa mga luha. God knows how I miss this man.

"Hi my Monster Baby.." he smiled like there were no days we didn't see each other.

A Perfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon