CHAPTER 8: What?

2.1K 52 0
                                    

CHAPTER EIGHT

What?

Inayos ko ang pagkakaupo ko at bahagyang umismid sa lalaking kaharap ko. Kapag talaga ako napahamak na naman dito, I swear itatali ko siya tapos ibibitin ko nang patiwarik! Kainis!

"Alam mo, humanda ka talaga sa akin!" Sigaw ko sa kanya. He smirked. Mukhang tanga talaga 'tong bwisit na 'to.

"Kung sana pumayag ka lang na makipag-date sa akin, edi sana wala tayo dito ngayon.." slow motion pa niyang ipinatong sa magkabilang side ng sofa ang mga braso niya. Muntanga lang!

"Alam mo, tigilan mo 'yan! Mukha ka kasing-" natigilan ako pagkarinig namin parehas ng pagbukas ng pinto. Napalingon kaming dalawa ni Rey.

Yes, kasama ko din dito itong Rey na ito. Kung magkaka-record lang din naman ako, edi sige! Mandadamay na rin lang ako.

"I'm sorry, I'm late . . Micca El?" Agad ang pagkunot ng noo niya. Umiwas na lang ako ng tingin dahil lagot na naman ako nito eh!

Masama niya akong tinitingnan habang papunta siya sa kanyang upuan dito sa SC Office. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Wala naman kasi para kay Lawrence kung nandito ako pero yun nga lang, kasama ko itong gagong ito!

"Why are you here?" He asked looking at me intently. Agad akong umiwas ng tingin dahil hindi ko matagalan ang klase ng mga titig niya. "Mr. Ramos?"

"Huh?" Parang nabangag din naman si Rey tulad ko dahil kay Lawrence. Tiningnan niya ako saka umismid kaya naman masama ko siyang tiningnan. Para naman siyang asong ngumiti-ngiti kaya lalo lang akong nainis.

"A.." Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang magsalita ang Monster Daddy ko.

"Ms. De  Torres, any explanation?" I sighed. Kinuha ko ang papel kung saan nakasulat ang 'conversation' kuno namin ni Rey mung-aso.

Ang hirap mag-explain eh. Ipapakita ko na lang ang dahilan kung bakit napunta kami ngayon sa ganitong klase ng sitwasyon.

Wala akong kasalanan.

Pinagmasdan ko lang ang ekspresyon niya habang binabasa ito. Sa halatang bored hanggang sa unti-unti ng kumukunot ang noo niya at saka niya marahas na ginusot ang papel. He glared at Rey 'mung-aso' lie he wanted to kill him, literally.

"Mr. Ramos," tawag niya dito nang mahinahon ngunit mariin. "I'm warning you! Don't, I repeat don't you dare to ask my girlfriend again for a fucking date."

Napangiti ako sa galit na ekspresyon ni Lawrence. Napakaseloso niya talaga, hindi nga lang halata. Ang cute!

"Woah!" Mabilis na iwinagayway ni Rey ang mga kamay niya sa harapan niya. "Mahal ko siya, bro.."

"Really? If you really love my girlfriend, you shouldn't let this to happen. She, here in the SC Office is not good for her records in this academy. Always remember that Mr. Ramos," nagulat ako nang bigla na lang tumayo si Lawrence at lumabas ng office niya.

Ha? Anyare do'n? Walkout?

Masama kong ibinaling kay Rey 'mung-aso' ang tingin ko. Ngumiti siya nang painosente. "What? I didn't do anything."

"Shut up!" I stood up. "I hate you!"

Naglakad na ako palayo sa kanya at aktong bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa na itong bumukas. Iniluwa nito ang napakagwapo at mahal na mahal kong si Lawrence Ian Do.

"Get out!" Kusang nanlaki ang mga mata ko saka napayuko. Mukhang galit na talaga siya sa akin. "Mr. Ramos! I said get out!"

Para namang asong nakanguso si Rey na lumabas ng office. Kasabay ng pagsara ng pinto ang pagbuntong-hininga ko. Akala ko pa naman galit na sa akin si Lawrence.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now