CHAPTER 19: Piece of Secret

1.5K 45 5
                                    

Chapter 19

Micca

Nakakatamad. Yup, super duper dahil na rin sa nasa airplane kami ngayon at papunta ng Korea. Kahahatid lang sa akin, sa amin ni Lawrence. Napanguso ako. Ayaw kasi niya akong umalis kanina.

Paano ba naman? Sana daw hindi na lang niya pinauwi sina Tito at Tita sa Pinas kung alam lang daw niyang sa Korea naman daw pala kami magse-celebrate ng Christmas.

Samantalang ako, heto excited! Sobra! Gandang pabagong taon sa akin ito ni Mommy dahil makikita ko si D.O sa Korea! Oh my! Naiimagine ko pa lang, gusto ko nang mahimatay! Siguro titili ako kapag nakita ko siya, sana hindi ako mahimatay dahil hindi ko mai-enjoy ang pagkikita namin.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Napalingon ako kay Farrah nang bigla siyang nagsalita. Katatapos niya lang uminom ng tubig.

"Wala, may nai-imagine lang.." pagdadahilan ko. Nagkibit-balikat lang siya.

"Gustong-gusto mong bumalik sa Korea ah?"

"Oo. Bakit naman hindi, 'di ba? Bukod sa makikita ko pa ang mga crush kong boyband eh gusto kong makapunta sa Jeju."

"I see," tumango-tango siya. "Alam mo ba doon ka naaksidente?"

"Ano ka ba? Teka, huh?" Natigilan ako.

"Yup. Doon ka naaksidente, saka wala noon si . . nevermind," kumunot ang noo ko dahil hindi niya maituloy.

"Sino?"

"Wala.." mukhang ayaw niya talagang sabihin kaya nagkibit-balikat na lang ulit ako.

"He wanted to save you," nilingon ko ulit siya. Kani-kanina lang eh ayaw niyang sabihin, ngayon naman todo kwento siya. "Noong masasagasaan ka na ng sasakyan noon, tumakbo siya pero 'yun nga lang, nahuli na siya. Nasagasaan ka. Dinala ka niya agad sa hospital pero na-coma ka. At paggising mo, you can't remember him already."

Natawa ako na ikinakunot ng noo nya.

"Kung mahal ko talaga siya, I won't forget him!"

"Yeah. Definitely.." tumango-tango siya na para bang miski siya ay pinaniniwala ang sarili niya sa sinabi ko.

"Teka, sino bang 'he' ang pinag-uusapan natin dito ha?"

"Huh?" Nag-iwas siya ng tingin.

"Si first love ko ba 'to?" Tanong ko nang nakangiti. Tiningnan niya ako saka tumango. "Bakit naman ayaw mong sabihin sa akin kung anong pangalan niya?"

"Huh? A-Ayaw ko kasing pangunahan siya."

"Oh? Bakit? Nasa paligid ko pa ba siya at may posibilidad bang magalit pa siya sa'yo?" Nakita ko ang paglunok niya kaya pilit akong natawa. "Kahit naman kasi sino pa siya, gusto ko pa ring magpapakilala ulit siya sa akin. Pero, hindi ko maipapangako na makikita ko pa siya as my first love."

"WWhat do you mean?"

"Ano ka ba!" Medyo hinampas ko pa ang braso niya. "May Lawrence na ako!"

Tumawa pa ako para lang maipakitang hindi ako apektado sa pinagsasabi ko.

Nakita ko ang alanganing pagtango at ngiti niya. Matapos ang ilang oras pa ng byahe ay nakarating na rin kami sa Seoul, South Korea. Gusto kong tumili, kaso baka isipin ng mga tao dito sa airport ay isa akong baliw ngayon kaya pinili kong tumahimik na lang habang impit na napapatili.

May sumundo sa aming van na kasama yata sa employees nina Dad dito sa Korea na inihatid kami sa hotel.

Pagpasok ko pa lang sa hotel ay humiga agad ako sa kama saka dali-daling kinuha ang bagong biling cell phone ko mula mismo dito para makakonek sa internet.

A Perfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon