CHAPTER 36: Surprise

1.3K 32 9
                                    

Chapter 36

"Are we going to come back?" Napalingon ako kay Lawrence sa tanong niya. Nakahiga ako ngayon sa sofa habang siya naman ang ginagawa kong unan.

"Mamaya na.." sagot ko na lang saka nag-concentrate sa pagbuburda nitong panyo. Ibibigay ko kasi 'to kay Lawrence para sa lumampas naming anniversary. Yup, lumampas na siya. Remember? Dapat before graduation 'yun ang kaso 'yun nga. Maraming nangyari. Ipagpalagay na nating cool-off lang 'yung nangyari sa amin last month.

"What are you doing? Hindi ka ba matutusok niyan?"

"'Wag ka ngang OA. Simpleng karayom lang 'to. Mapapano naman ako kung matusok ako ng gatiting? Bakit, bampira ka ba at kapag nakaamoy ng dugo pwede mo akong mapatay? Hindi naman. 'Wag assuming."

Natawa na lang ako sa naging pag-iling-iling niya.

Feel na feel ko na ang pagbuburda nang may maalala ako. Kinuha ko ang phone ko kay Lawrence saka dinial ang number ni Mommy. Sabi kasi ni Mommy, lagi ko siyang tawagan habang nandito kami sa condo ni Farrah. Nagulat pa ako nang makitang ang daming missed calls ni Dad.

"Hello, Mommy?" Bati ko agad pagsagot pa lang.

"Micca!" Parang gulat na gulat si Mommy kaya kinabahan na agad ako. "Ang Dad mo.."

"Ano pong meron kay Dad? May nangyari po ba sa kan'ya?" Napaupo na ako sa tabi ni Lawrence.

"Ang Dad mo, papunta siya dyan ngayon."

"Po? Bakit daw po? May problema po ba?"

"Nalaman niyang kasama mo si Lawrence at galit na galit siya," sabi pa ni Mommy. "Umuwi ka na dito. Unahan mo na ang Dad mo. Baka lalo lang kayong magkaaway kapag naabutan ka dyan ng Dad mo."

"Bakit naman po? Wala naman po kaming ginagawang masama ni Lawrence eh," I said.

"Kahit na. Kilala mo ang ama mo, 'nak. Hindi siya basta-basta maniniwala sa mga bagay kung hindi pa mismo nakikita ng mata niya.."

"Mommy naman.." bapalingon kami parehas ni Lawrence nang marinig namin ang pagtunog ng doorbell.

"Ano 'yun, anak?"

"Si Dad na po yata 'to.." ibinaba ko na ang tawag bago pa makapagprotesta si Mommy. Tumayo ako at ready ng buksan ang pinto nang maramdaman ko ang kamay ni Lawrence sa braso ko.

"Who's that?"

"Baka si Dad," alanganin ang sagot ko. Bigla siyang tumayo at pinaupo ako.

"Ako na," pagkasabi niya no'n ay umalis na siya at naglakad papuntang pinto.

At dahil matigas ang ulo ko at hindi ako mapakali ay tumayo ako at sinundan siya. Pagbukas niya ay pigil ang hininga ko nang makitang kinakausap pa niya ito.

"Micca!" Napakagat ako sa ilalim ng labi ko dahil sa suspense! Si Cecille lang pala. Bwisit.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at hindi na ako nagulat nang makita si Lance na kasama niya. These past few days ay napapansin kong lagi silang magkasama.

Lumapit siya sa akin saka bumulong. "Si Lance kasi eh. Sabi niya pumunta daw kami."

"Weh?" Hindi naniniwalang tanong ko. "Hoy. Ikaw ha? May something na ba kayo ni Lance? Grabe ka."

"Ano? Of course not!" Mariing pagtanggi niya. "Hindi ako sumasalo ng ni-reject na ng best friend ko. Haller? Mukha ba akong naturalist na bonggang-bongga ang pagre-recycle?"

"Talaga lang ha?" She made a face. "Sige. Kunwari na lang naniwala na ako para magulat ako kung saka-sakaling may something na pala talaga sa inyo."

"Nye. Nye. Ikaw, ang chismosa mo. Ganyan ba talaga 'pag buntis?"

"Eh 'di araw-araw pala buntis ka?" Nakangising tanong ko kaya nabatukan pa ako ng loka.

"Mga ka-okrayan mo ah.." nag-aasaran pa kaming dalawa kaya hindi ko napansing may nagdo-doorbell na pala ulit kung hindi ko lang nakita na binubuksan na naman 'yun ni Lawrence.

"Oh Tito!" I heard Cecille said kaya muntik na akomg masamid sa sarili kong laway.

Lumingon ako kay Dad. Nakatingin siya sa amin ni Lawrence. Si Lawrence na bangag naman, imbis na bitawan na ang pagkakahawak sa baiwang ko ay lalo pang hinigpitan.

"Micca."

"Dad," tumayo ako para sana mag-bless sa kanya pero laking gulat ko nang sampalin niya ako. Pakiramdam ko nayanig ang mundo ko.

A Perfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon