CHAPTER 21: Run Away

1.4K 38 6
                                    

Chapter 21

Ilang araw na ba ang nakalipas simula nang magpasukan na ulit? Simula noon ay naging busy na ang lahat lalong lalo na ang SC.

"Bakit parang hindi ko kayo nakikitang magkasama ni Kuya?" Tiningnan sandali ni Micca si Lance.

Nandito sila ngayon sa booth ng Science Club. Namamasyal sila ngayong Club Festival. Isa ito sa mga naging dahilan kung bakit naging busy ang lahat.

"Wala naman. Iniwan ko lang muna siya sandali para alam mo na . . makapag-isip?"

"Nag-away kayo?" Natawa nang bahagya si Micca sa narinig. Hindi niya alam kung inosente ba talaga ang kakambal ng boyfriend niya o hinuhuli lang siya.

"Parang hindi naman," ani niya saka isinubo ang waffle na binili niya.

"Ah, akala ko kasi. Napapansin ko kay Kuya na masyado yata siyang nas-stress kaya parang pagod siya."

"Talaga? Pinagtatanggol mo ba siya sa'kin o ano?" Sinundan niya ito ng nakakalokong tawa.

Tama si Micca. Bakit ko ba ipinagtatanggol si Kuya? Kung pwede namang ako na lang ang kasama niya. Naisip ni Lance. Hindi niya gustong samantalahin ang pagkakataong magkaaway ang dalawa pero wala eh. Mahal niya.

"Halika. Do'n naman tayo sa club ko.." yaya niya dito na mabilis sinang-ayunan ng dalaga.

Naglakad silang magkasama habang nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Simula nang hindi na nagkikita sina Micca at Lawrence ay si Lance ang sumusuporta o lagi ng kasama ni Micca. Wala naman iyon para kay Micca dahil parang kapatid na ang binata para sa kanya.

"Gusto mo bang kumain?" Samantala tanong ni Farrah kay Lawrence.

Hindi sumagot si Lawrence bagkus ay hindi inialis ang tingin sa girlfriend at sa kakambal niya. Naikuyom niya ang kamao nang maalala na naman niya ang sinabi ni Lance sa kaniya. Isang banta.

"Kilala mo ako Kuya, I'll find my ways to get her from you and if that happens . . sorry Kuya, walang kapatid o kakambal sa'kin."

Sa simula pa lang naman ay si Lance ang nauna kay Micca pero kasalanan ba niyang siya ang minahal ni Micca at hindi si Lance? Maaaring mahal niya si Micca pero isa lang naman ang pinanghahawakan ni Lawrence sa ngayon eh. Ang tiwala niya sa girlfriend pagdating sa pagmamahal nila sa isa't isa. Matagal na silang magkasama kaya't kilalang kilala niya na 'to.

"Ian!" Inis na napapadyak si Farrah nang hindi man lang siya pansinin ni Lawrence at umalis na agad 'to.

Nakakainis! Hindi pa rin siya nagbabago! Inis na naisip niya. Ang tagal na nitong sinasamahan si Lawrence at halos pagsilbihan niya ito pero ni minsan hindi siya nito pinansin. Kung hindi lang sana sa kapatid niya, hindi niya 'to gagawin.

"What do you think are you doing?" Napairap siya nang lingunin niya si Ven. Nakapameywang ito na akala mo babae sa harapan niya.

"Ano? Wala akong ginagawa dito 'no!" Depensa niya.

Napailing na lang si Ven at inakbayan si Farrah.

"Alam mo, hindi ko alam kung tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan lang."

Sinamaan niya ng tingin si Ven.

"Alam mo rin, kung wala kang sasabihing matino, pwede ba tigil-tigilan mo ako?"

"Habol ka nang habol sa isang taong humahabol na sa iba," agad na natigilan ang dalaga. "Ang tanga, 'di ba?"

"Hindi ko hinahabol si Ian.."

"Eh talaga? Obvious nga eh. Ikaw ang hinahabol niya, 'no?" Puno ng sarkastikong pahayag ni Ven. Napayuko si Farrah dahil sa narinig.

Sa kabilang banda ay napangiti naman nang mapait si Ven. Hindi niya naman balak gawing malungkot si Farrah. Ang gusto niya ay magising 'to sa katotohanang hindi lahat ng hindi mo nakukuha ay hahabulin mo na. Isa 'yung katangahan para sa kan'ya.

"Gano'n na ba talaga ako katanga?" Maya-maya ay tanong ni Farrah.

"Oo, gano'n na nga!" Ginulo ni Ven ang buhok nito. "Halika na at tayo naman ang mag-i-enjoy."

Hindi na nagawang magprotesta ni Farrah dahil sa kabaliwan nito. Naglibot sila sa iba't ibang booth at halos pumutok na ang tyan niya dahil pagkain ang lagi nilang binibili.

Anak ng tokwa! Agad na hinila ni Ven si Farrah paalis sa lugar na 'yun. Hindi 'yun pwedeng makita ni Farrah.

"Ano ba! Sa'n ba tayo pupunta?"

"Basta. Daming reklamo ah!" Pasasalamatan mo din ako balang araw kung bakit ko 'to ginawa. Nagtitimping naisip niya.

Ano nga ba ang nakita ni Ven? Si Micca, Lance at Lawrence. Seryoso ang mukha nilang lahat lalo na si Lawrence. Wala siyang oras sa biruan ngayon.

"O Kuya! Nandito ka pala, may kailangan ka ba?"

"I'm getting my girlfriend back.." mabilis na hinila ni Lawrence si Micca mula kay Lance.

Walang nagawa si Lance nang makaalis ang dalawang 'to. Girlfriend 'yun ng kakambal kaya talagang wala siyang magagawa.

"Sandali Lawrence! Ano ba?" Nabigla si Lawrence sa ginawa ni Micca at napayuko.

"Sorry.." mahinang bulong niya.

"Ano ba naman kasi sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" Tumakbo si Micca palayo sa kan'ya.

Napangiti na lang siya ng mapait habang pinapanood ang pagtakbo ng girlfriend palayo sa kanya. Tumalikod na siya kasabay nang paglandas ng kanyang mga luha. I love you, Micca. He murmured.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now