CHAPTER 6: Exciting

2.4K 63 0
                                    

CHAPTER SIX

Exciting

Mommy, thank you po for my beautiful name ha? I love you.

Napangiti ako nang nakapag-sent na ang text ko kay Mommy. Remember? Magpapasalamat ako for my name na nagiging special kapag si Lawrence na ang tumatawag.

Hindi ko na hinintay ang reply ni Mommy at inilibot ko na lang ang tingin ko dito sa office ng SC. Nakaupo ako ngayon sa swivel chair at nagpapaikot-ikot lang ako.

"Lawrence.." I called him. Busy kasi siya ngayon sa pag-aayos para sa gaganaping Sports Festival next week kaya super inip na inip na ako.

"Hm?"

"I want some pizza.." nakita kong tumunghay siya sandali pero agad ding ibinalik ang tingin sa screen ng computer niya.

"Why are you craving?" Napatigil ako sa pag-ikot.

Bakit daw ako nagke-crave? Hello? Matinong tanong ba 'yun? Natural tao ako 'no! Normal lang ang mag-crave sa tao.

"Akala ko ba matalino ka?" Pambabara ko habang naiiling pa at siya naman ngayon ang napatunghay at umupo na siya nang ayos.

"Yup, I'm intelligent. Pero, hindi ako isang manghuhula para malaman kung bakit ka nagki-crave ng hindi mo sinasabi sa akin," malumanay na paliwanag niya.

Nakipagtitigan kami sa isa't isa. Sinusubukan mo talaga ako? Lawrence Ian Do..

"Ugh!" Ako na ang sumuko at bumalik sa pagpapaikot sa kawawang swivel chair na ito. "Gusto ko lang naman ng pizza! Tapos, 'di man lang ako mapagbigyan ng boyfriend ko! Ang saklap naman ng buhay kong ito!"

Suminghap ako at nagkunwaring may napagtanto.

"Paano kung 'di ako makakain ng pizza? Eh 'di magugutom na ako. Kapag nagutom ako, may tendency na mahimatay ako. Kapag nahimatay ako, dadalhin ako sa clinic. Kapag dinala ako sa clinic at hindi pa rin 'yun effective, dadalhin na ako sa hospital. Kapag dinala nila ako sa hospital, malalaman na lang na may appendicitis na pala ako-" pagpapatuloy ko pero agad na siyang nagsalita. Halos mapatili ako sa tuwa.

"Fine! Cut the drama, Micca!" Ngumiti ako sa kanya. "I'll buy you later."

"Later pa?" Laglag pangang tanong ko. "Gutom na gutom na talaga ako! Kapag hindi pa ako nakakain ng pizza-"

Ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis. Gusto kong matawa. "Tyrone!"

I smiled when Tyrone, the Vice President of SC hurriedly entered the room. Ganito kasi dito sa Autumn Academy, kapag SC President ka kailangan ikaw ang masunod.

Wait.

Ikaw na talaga Micca!

And the Most Beautiful and Best Actress Award goes to..

Micca El De Torres!

"I don't care if you're busy with something or with your girlfriend . . just buy me three boxes of fucking pizza! Be here, as fast as you can. Now, leave," agad namang lumabas si Tyrone at naiwan akong nakangiting parang baliw at si Lawrence naman ay iiling-iling na lang.

"Ah, saranghaeyo!" I said and he looked at me.

Nakangiting naiiling na lang siyang pinagpapatuloy ang ginagawa niya.

Habang naghihintay sa pagbalik ni Tyrone ay nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan. Nagpaalam lang ako kay Lawrence at nagpuntang girls' restroom.

"Anong sasalihan mo sa Sports Fest?" Narinig kong tanong ng isang babae, alangan namang lalaki 'di ba? Eh girl's restroom nga! Basta 'yun, babae na nag-uusap sa labas nitong cubicle kung saan ako naihi.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now