CHAPTER 31: Recovery

1.5K 37 6
                                    

Chapter 31

"Anong nangyari sa'yo?" Napalingon ako kay Farrah. Kararating niya lang at kasama niya si Cecille. Ngumiti lang ako. "May pilay ka ba?"

"Parang gano'n na nga.." mahinang sagot ko.

Paano, iika-ika pa ako sa paglalakad ko. Ikaw ba naman ang ulit-ulitin 'yun na akala mo naman hindi mo first time. Kaya napagtanto kong manyakis si Lawrence, grabe. Napailing na lang ako sa naisip ko at umupo sa kama ko. Pinapalitan ko na rin 'to ng kobre kama. Ako pa nga ang naglaba para lang hindi mahalata eh. Eport!

"So ano? Ready ka na ba sa operation bukas?" Napatingin ako kay Cecille sa tinanong niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Operation ko na nga pala bukas. Paano na kaya 'yun? Sa bagay, hindi naman ako nakatayo sa operation kaya hindi siguro ako masyadong mahihirapan.

"Siguro?" Tumabi si Farrah sa tabi ko samantalang si Cecille ay naglibot sa kwarto ko habang tumitingin ng mga libro.

"Teka," humarap ako kay Farrah. "Magsabi ka nga sa akin ng totoo, ano ba talagang nangyari sa pag-uusap niyo ni Ian kahapon ha?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Napalunok ako.

"Hindi ka naman niya siguro itinulak sa hagdanan ano?"

"Syempre hindi!" Sigaw ko agad. Ang akala ko nahalata na niya. "Paano mo naman naisip 'yun?"

"Wala. Iika-ika ka kasing maglakad eh. Malay ko ba kung nagtalo kayo tapos naitulak ka niya sa hagdanan."

"Walang nagyaring tulakan," sabi ko saka humiga sa kama ko.

"Ah, okay. Sinabi mo eh. Hindi naman kita pinipilit.." sabi pa niya. "Wow! Bago na ang kobre kama mo! Ang ganda na, in fairness. Bakit ka nagpalit?"

"Bakit naman pati pagpapalit ko ng kobre kama dapat may dahilan? 'Di ba pwedeng gusto ko lang ha?" Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lang ako.

"Unless na lang.." lumapit siya. "May dahilan."

"Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Sus. Don't deny it sis. Ano nga? Ano ngang nangyari sa inyo kahapon? C'mon. MOMOL?"

"Farrah!" Saway ko sa kanya. Biglang tumabi sa kan'ya si Cecille.

"May nangyari na sa inyo?" Tanong ni Cecille dahilan para mapaupo ako.

"Ano? Wala." Umiwas ako ng tingin. "Parang gano'n na nga.."

"May nangyari nga?" Magkasabay nilang tanong. Tiningnan ko sila saka nahihiyang tumango. Ngumisi sila saka sabay na umirit.

"'Wag kayong maingay. Baka marinig kayo ni Mommy."

"Oh my!" Lumapit pa sila sa akin. "Anong feeling? Masakit sa una pero masarap?"

"Huh?" Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. "Parang gano'n na nga."

Umirit na naman sila saka nag-diskusyon ng kanila. Tuwang-tuwa silang dalawa kahit wala naman talagang katuwa-tuwa. Kung anu-ano din pinag-uusapan nila. Na kung paano kung first time din nila. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Malaki ba?" Nanlaki ang mata ko sa biglang tanong ni Cecille.

"Oo nga!" Lumapit sa akin si Farrah. "Malaki ba?"

"Huh? Ang mga bibig niyo naman!" Saway ko sa kanila pero nanatili silang akala mo naghihintay ng sagot. I sighed. "Parang gano'n na nga.."

Sabay na naman silang umirit kaya hindi na ako magugulat kung biglang pumasok dito si Mommy at itanong kung anong nangyayari.

"Sandali nga! Bakit naman puro parang gano'n na nga ang sagot mo sa amin ha?" Biglang tanong ni Farrah kaya nagkibit-balikat na lang ako. "Pero, gumamit ba kayo ng proteksyon?"

"Proteksyon?" Naguguluhan kong tanong. "Ano na naman 'yun?"

"Seriously hindi mo alam 'yun?" Si Cecille nagtanong. "'Yung condom, 'day!"

"Huh?" Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"Hindi kayo gumamit!?" Gulat na tanong ni Farrah. Umiling ako. "Siguro naman nag-withdraw siya 'no?"

"Hindi rin.."

"Ano?" Magkasabay nilang tanong, sigaw.

"Balak ka ba niyang buntisin?" Gulat na tanong ni Cecille. "Grabe. Hindi man lang siya nagpaligoy-ligoy. Susko! Magiging batang ina ka na, Micca!"

"Hindi naman siguro.."

"Pero paano kung?" Si Farrah naman.

"Kawawa ka naman." Sabi pa ni Cecille na pinagkibit-balikat ko na lang.

Umalis na din sila kaagad dahil naiinis lang ako sa ingay nila. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa sakit ng katawan ko pero nagsisimula na naman ako mag-move on kay Lawrence dahil nakita ko kanina sa facebook na dine-date na nga niya si Yoona, isa sa mga nagkakagusto sa kanya. Napangiti na lang ako at napadasal na sana may mga bagay si Yoona na kayang ibigay kay Lawrence na hindi ko kayang ibigay.

Cecille

Kinakabahan ako para kay Micca. Nasa ER na kasi siya at isinasagawa na ang operasyon sa puso niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa nalaman ko. Nalaman ko kasing may bago ng girlfriend si Lawrence. Hindi pa naman ako sure kung sila na talaga. Basta nakita ko lang na sa Facebook ang picture nila na magkasama at may caption na heart shape. 'Yun namang babae ang nag-post pero wala man lang naging salita tungkol do'n si Micca. Ewan ko din.

Hindi rin ako makapaniwala na ginawa na nila 'yun. Despite of the fact na maghihiwalay na sila, they still did. Para silang baliw. Kung totoo man ang maging hinala namin ni Farrah na mabubuntis siya ay isang malakas na batok ang gagawin ko sa kanya. Siya ba naman 'yung magpagalaw bago makipag-break. Bahala siya!

"Ang tagal," kinuha ko ang cellphone ko at napangiti ng wala sa oras.

What happened to Micca? Is the operation successful?

Kahit papaano pa rin naman pala ay may paki pa siya kay Micca. It was came from Lawrence. Hindi ko siya ni-reply-an dahil wala akong load. Bakit ba? Sigurado naman akong si Farrah ang iti-text niya at may load naman ang babaeng 'yun for sure. I heaved out a sigh.

"Hoy!" Saway sa akin bigla ni Lance pero hindi ako nagpatinag sa kanya at ininom ang kapeng binili niya. "Cecille naman!"

"Ano ka ba," inubos ko 'yun. "Inom ka nang inom ng kape, kaya lalo kang ninerbyos eh. Relax lang, okay?"

"Paano ako hindi nenerbyusin? Eh wala dito si Kuya. Paano kung hanapin siya ni Micca? Anong gagawin natin? Buti sana kung hindi niya mahalata na ako 'to!"

"Alam mo, manahimik ka na lang okay?" Inismiran ko siya. "Kung makapagsalita ka naman parang sila pa.."

"Break na sila?" Gulat na gulat at nanlalaki pa ang mga niyang tanong sa akin. Tumango ako. "Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Paanong.."

"No'ng isang araw lang. Kung bakit ba naman kasi kung saan-saan ka nagpupunta eh, nahuhuli ka tuloy sa balita.." umiling-iling pa ako.

"Break na pala sila," sabi niya sa sarili. Tumayo ako nang makitang ngumiti siya. Creepy. Napailing na lang ako at nagsimulang umalis do'n. Nagugutom na ako.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay napatakbo ako palapit nang marinig ang boses ng doctor.

"Ano pong nangyari?" Sabay-sabay naming tanong. Kinakabahan ako.

Ngumiti si Doc. "The operation is successful."

"Yes!" Sabay-sabay ulit naming sabi na may kasama pang aja movement.

Ililipat na lamang siya ng private room niya. Hindi pa daw ito agad magigising at oobserbahan pa. Sana successful talaga.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now