CHAPTER 4: Flashback 3/4

2K 56 2
                                    

CHAPTER
FOUR

Flashback 3/4

Lumipas ang mga buwan at hindi man lang ako pinapansin ni Lawrence. Ang huli na talaga ay 'yung nasa cafeteria kami.

Habang hindi niya ako pinapansin. Ako naman itong todo effort para mapansin niya. Naaalala ko pa nga 'yung pagsali ko sa beauty pageant ek-ek na 'yan ng SC, eh. Oo, napilitan na akong sumali do'n. Special thank you to my best friend Cecille Dimaano.

Pinilit niya talaga ako. Hindi ko tuloy alam kung dapat akong magpasalamat sa kanya o ano dahil overflowing support niya. Sa huli, hindi na lang nagpasalamat.

"Micca, si Pres. oh!" Kahit nagdalawang-isip ako kung lilingon ako o hindi ay lumingon pa rin. Ilang araw na rin kasi akong niloloko nitong kaibigan ko, eh. Nakakasawa na kayang magpaloko.

Busangot pa ang mukha ko dahil sa inis. Baka kasi niloloko na naman ako ng babaeng 'to. Pero nang matanaw ko nga si Lawrence ay halos mapatalon ako sa tuwa.

"Lalapitan ko ba?" Tanong ko bigla.

Bakit gano'n? Dati-rati, go lang ako nang go! Ngayon naman, think before anything else. Parang unti-unting numipis na ang mukha oo, ah.

"Go! Sabihin mo na sa kanya." Natigilan ako sa pag-iisip at tumingin kay Cecille.

"Sasabihin ko na agad?" Kumunot ang noo ko. Bigla akong kinabahan. Agad-agad?

"Oo naman! Kailan mo pa planong sabihin aber?"

"Mamaya na lang.." sabi ko na lang, kahit ang totoo eh wala na naman talaga akong balak sabihin kay Lawrence.

Ano bang sasabihin ko dapat kay Lawrence? Simple lang, na sa hindi niya pagpansin sa akin ng ilang buwan ay hindi rin ako naliligo..

Pero syempre, joke lang 'yun! Ang bango-bango ko kaya.

Ang sasabihin ko talaga sa kanya ay-

"Mahal mo na 'no?" Napalingon agad ako kay Cecille dahil sa tanong niya.

Mahal? Ano 'to comedy show? Anong connect? Bakit kailangang mag-pull out ng gano'n klase ng tanong?

"Ewan ko," shit. Ang tanga ng sagot ko!

Alam ko naman kasing ang ibig sabihin ng salitang 'ewan' ay literal na 'oo'. Pero 'yun na lang ang lumabas sa bibig ko eh.

Tumayo na lang ako at baka ma-chicka pa ako nitong si Cecille.

"Saan ka pupunta?"

"D'yan lang," sagot ko na lang at nagpatuloy na ako sa pag-alis ko na hindi na pinakinggan ang follow-up questions niya.

Habang naglalakad ay nag-iisip na ako ng kung anong sasabihin ko kay Lawrence. Hm, wala bang call a friend d'yan? Paano ko ba sasabihin sa kanyang aalis na ako? Oo, aalis nga ako at lilipat na naman ako ng school.

Alam ko namang wala siyang pakialam kung aalis na ako 'di ba? Pero malay ko naman 'di ba? Konting kembot lang at drama ko lang sa Kwago na 'yun eh bumigay na rin?

Promise, kapag pinigilan niya talaga akong umalis ay susuwayin ko for the very first time ang kagustuhan ng Dad ko.

Kakausapin ko na lang siya. Siguro mamaya. Oo, tama! Tutal last day na ngayong school year ay sasabihin ko na lang sa kanya. Kaya ko 'to! Fighting!

Pumunta na lang ako sa ilalim ng isang puno at dito na lang muna ako magpa-practice ng mga lines ko para sa pag-uusap namin ni Lawrence.

Unti-unti kong iminulat ang gorgeous eyes ko dahil nakatulog pala ako . . pero teka! May anghel, namatay na yata ako habang natutulog ako kaya may anghel dito.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now