CHAPTER 20: Revealed

1.5K 46 1
                                    

Chapter 20

"Oh gosh!" Malakas na tili ko nang may yumakap sa akin bigla. Tiningnan ko ito at hindi na nagulat nang makita si Cecille. Ang luka-luka kong best friend ever.

"Oy! Namiss kita!" Masayang-masaya siya habang nakayakap pa rin sa akin. Tumango ako dahil hindi na ako makahinga sa pagkakayakap niya.

"Hoy! Hindi na ako makahinga eh!" Agad naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka ngumisi at nag-peace sign pa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano? Kumusta ang Korea? Alam mo ba, super naiinis ako sa parents ko kasi seriously? Bakit kasi sa New York pa naisipan ni Papa mag-celebrate ng Pasko hanggang bagong taon!"

"Hep! Hep!" Itinapat ko pa ang kamay ko sa bibig niya. "Shut up, okay?"

Huminga ako ng malalim saka umayos ng upo.

"Maayos naman ang Korea. Still Korea, magkahiwalay pa rin ang South at North. Malamig pa rin at hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makita si D.O, kainis 'no! At hoy! Ang saya kaya sa New York 'no!"

"Pero seryoso, Micca? Hindi kaya kita nadalaw noong nahospital ka dahil lang nasa New York kami noon!" Napa-oh ako. Naalala ko nga, ni hindi nga niya ako natawagan man lang noon.

"Hayaan mo na! Wala pa naman akong isang linggo doon eh," nagkibit-balikat siya. "Anyways, kumusta na kayo ni Vince?"

"Wala naman kaming kami," nauutal pa siya na sinundan niya ng pinaka-awkward niyang tawa. Baliw. "Eh kayo ni Lawrence, kumusta kayo?"

Napangisi ako nang mag-segwey siya bigla.

Binigyan ko muna siya ng meaningful look bago sumagot. Bumuntong hininga ako.

"'Yung secrets.."

"Oh? Nasabi na niya?" Nakwento ko na kasi minsan noong magkachat kami na hindi pa rin sa akin sinasabi ni Lawrence ang mga secrets niya.

"Hindi pa," umiling pa ako.

"Pangunahan mo na!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya saka madaliang umiling.

"Ayoko. Ayokong tanungin siya tungkol sa mga . . 'yun! Ano kasi.."

"Natatakot ka sa pwede niyang isagot?" Tumango ako. Kilala rin naman niya kasi ako. Siya ang best friend ko at kahit labag man sa kalooban ko pero aaminin kong mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko.

"Paano kung ano.."

"Itanong mo na!" Napapikit ako nang mariin sa sinabi niya. Itatanong ko na ba? Pero paano kung itanggi niya? Am I going to be straightforward to him? Ano?

Urong-sulong. 'Yan ang kanina ko pang ginagawa dito sa tapat ng pintuan ng SC Office ni Lawrence. It's now, or never! Hawak ko na ang doorknob namg bigla itong bumukas. Iniluwa nito si Lance. Nginitian niya ako kaya ganoon rin ang ginawa ko.

"Kanina ka pa hinihintay ni Kuya.."

"Huh?" Natameme ako. Hindi ko alam pero parang nangyari na ito. Imbes na sagutin niya ako ay ngumiti lang siya sa akin saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

Napailing na lang ako at humarap ulit sa pintuan. Huminga ako nang malalim. Nag-aja pa ako para mas feel.

---

Hindi na mapakali si Lawrence. Kanina pa niya tsine-check ang wrist watch na suot niya. Hindi niya maintindihan pero kinakabahan siya. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng ganito.

Hindi sila nakapagkita ni Micca pagbalik nito galing Korea kaya naman miss na miss niya na ang girlfriend. Agad naman kumunot ang noo niya kung bakit wala pa ito. Nag-text kasi siya sa kanya na mag-uusap sila.

Kakalabas lang din ni Lance at kinausap siya. Napayukom siya ng kamao dahil sa naalala niya. Inis na inis siya sa kakambal.

"Ehem!" Nag-angat siya ng tingin at nakita ang girlfriend nya. Kumaway pa ito sa kanya kaya't napangiti agad siya at tumayo.

"I missed you.." Blbulong n7ya dito saka hinalikan ang buhok nito.

"I missed you more!" Napangiti siya ulit dahil sobrang hyper kasi lagi ng girlfriend niya

Umupo na ito sa sofa sa loob ng SC Office saka umupo na rin siya sa upuan sa swivel chair niya.

"What?" Agad na tanong ni Lawrence. Nahalata na kasi niya na sobrang kinakabahan ang girlfriend niya. Hindi niya alam kung anong pwedeng makabahala dito maliban na lang sa isang bagay.

"Lawrence.."

"What? Don't be scared to say anything."

"'Yung secrets.." napalunok siya nang mag-angat ng tingin si Micca sa kanya. "Alam mo bang . . naaksidente ako noon?"

"Yes.." tumango pa siya.

"Alam mo rin bang nagkaroon ako ng . . amnesia?"

"Yes," mukhang hindi naman nagulat si Micca sa naging sagot niya, at sa tantya niya alam niyang hinuhuli na lang siya nito kaya't hindi na siya magsisinungaling pa. "I know everything about you.."

"Paano?" Walang bakas ng kahit na anong emosyon ang mukha ni Micca kaya't nagtaka na si Lawrence.

Naisip niyang baka naman alam na nito ang lahat. Maaaring bumalik na ang mga alaala ng girlfriend pero alam niyang hindi pwedeng mangyari 'yun dahil alam niyang magagalit ito sa kanya kung sakaling mangyari man 'yun.

"I am totally in love with you. Words can't define my love for you. I can sacrifice whatever it is para lang sa'yo. I can face all people just for you. I can do anything, but not everything that's why you had your amnesia. You had amnesia which made you suffer for years.

"I'm not telling these to you for your pity. I want you to know that if ever your memory came back. Please, tell it to me. Please, let me explain my side first. Please, believe me.. " nag-iwas siya ng tingin sa girlfriend at tumayo.

Naglakad na siya papuntang pintuan dahil hindi na niya maintindihan ang nararamdaman. Baka mag-break down siya sa harap mismo ng girlfriend.

"Someday, you'll understand what I am saying. Think first, Monster Baby. Bye.." pinihit na niya ang doorknob at hindi makapaniwalang napabuntong hininga siya.

Hindi siya makapaniwalang kaya niyang sabihin sa girlfriend niya ang mga ganoong bagay dahil una at huli sa lahat, siya naman talaga ang may kasalanan pero siya pa ang may ganang mag-walk out. Napailing siya sa kalokohan niya.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now