CHAPTER 14: Untitled

1.6K 42 1
                                    

Chapter 14

Cecille

Muli akong napabuntong hininga. Sabado ngayon at heto naman ako, nakatulala. Nakanganga lang dito sa loob ng kwarto ko. Sports fest na sa Monday at super napagod ako dahil sa dami ng gawain.

Narinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

"Miss Cecille, si Miss Micca po nasa baba," narinig kong sabi ng isa sa mga katulong namin.

Si Micca? Ano na naman kayang problema ng isang 'yun dito?

"Sige po. Paakyatin niyo dito.." pagkasabi ko noon ay wala pang ilang minutong nakaakyat na si Micca.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Okay pa naman siya, buo pa ang katawan at walang kahit anong gasgas, nagbabakasakali lang ako na kung ano na nangyari sa kanya dahil nasa bahay nila ngayon si Farrah walang kwenta.

"Naligaw ka yata?" Nagtatakang tanong ko sa kanya at saka humiga sa kama ko.

"Shopping tayo," nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya. Shopping?

Sounds tempting..

"Bakit 'di ka magpasama kay Lawrence?"

"Ha? Ewan. Gusto ko ikaw ang kasama ko eh.." she shrugged. Sabagay, mas maganda nga kung mags-shopping ka eh babae rin ang kasama mo.

"Ah, sige. Ay, sht! May pupuntahan pa pala ako!" Napabalikwas ako ng bangon. Dali-dali akong pumasok sa banyo. "Si Lawrence na lang ang isama mo!"

"Oo na! Ito talaga kahit kailan! Siguro may date ka 'no! Makaalis na nga. Bye!" Narinig kong sigaw niya pabalik kaya natawa na lang ako.

Date. Date ba 'to?

Micca

Napailing na lang ako at saka tuluyang lumabas ng bahay nina Cecille. May date siguro 'yung impaktang 'yun. Hay naku. Kanino na ako nito magpapasama?

|To: Monster Daddy

Ui. Busy ka ba? Samahan mo naman ako sa mall. I love you.|

Ibinalik ko na sa bulsa ko ang cell phone ko hanggang sa tuluyan na ako makalabas ng village. Pupunta na ba ako kina Lawrence?

"Taxi!" Tawag ko dito saka sumakay. Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko.

|From: Monster Daddy

Okay. Go here. I'll wait for you. I love you too. |

Napangiti ako nang wala sa oras nang makita ang reply niya. Wala pang ilang minuto ay narating ko na ang bahay nina Lawrence. Nag-doorbell ako at nakapasok naman agad ako. Wala dito ang mga magulang ni Lawrence at nasa Korea sila.

Pinaupo muna ako ng katulong nila sa sofa sa sala. Maya-maya pa ay may narinig akong pababa, tumayo ako para batiin siya.

"Woah. Micca! What are you doing here?" Si Lance. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at pagkatuwa.

"Hi," Bati ko na lang sa kanya nang hindi sinasagot ang tanong niya. Maya-maya pa ay kasunod na niya si Lawrence.

"Oh? Aalis ka Kuya?" Parang gulat na naman na expression ni Lance.

"Yeah. I'll be back later.."

"Okay.." Nagpaalam na ako kay Lance nang umalis kami ni Lawrence.

Sumakay kami sa jeep kahit ayaw ni Lawrence dahil ang init-init daw, eh pwede naman daw kaming magpahatid kay Manong Robert, ang driver nila pero tumanggi ako dahil abala pa 'yun.

"Why are you wearing that?" Napatingin ako sa suot ko pabalik sa kanya. Nasa loob na kami ng mall. At hindi ko alam kung anong problema niya sa suot ko.

"Huh? Alin?"

"That jacket.." napatango ako. Heto? Naka-violet ako na jacket ngayon dahil malamig na. Hindi ko naman alam na magja-jacket siya.

"Malamig eh," he rolled his eyes on me. Aba! Hindi ko naman kasalanan na destiny kami parehas naming suot ang couple jacket namin.

Ayaw kasi ni Lawrence na naka-couple thing chuchu kami pwera na lang kung may okasyon. He finds it . . ridiculous.

Una naming pinuntahan ay Department Store bago kami pumunta sa arcaide. Grabe, super na-miss kong pumunta sa arcaide. Bumili rin kasi ako kanina sa DepS ng gagamitin ko sa Sports Fest eh.

"Thanks," ang dami. Binilhan kasi ako ni Lawrence ng tokens.

Pumunta agad ako sa basketball. Heto kasi ang pinakapaborito ko sa lahat pero napatigil ako sa naabutan ko.

"Why did you stop?" Natigilan rin si Lawrence na nasa likod ko na ngayon.

"Ano ba naman 'yan? Varsity ka ba talaga? Bakit ang bulok mo?" Si Farrah. Kasama niya si Ven at naglalaro sila ng basketball.

"Ang galing ko kaya Ms. De Torres!" Tawa nang tawa si Ven habang sinasadya niya talagang hindi mashoot ang bola.

"Tara na," nilingon ko si Lawrence. "Next time na lang tayo maglaro."

Sumang-ayon naman siya kaya umalis na kami do'n.

Paglabas namin ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Shit. Bakit na naman?

"Hey. Are you okay?" Tiningnan ko si Lawrence pero nanlalabo talaga ang paningin ko.

Pilit akong tumango pero unti-unti na lamang nagdilim ang paningin ko kasabay ng panghihina ng katawan ko. Narinig ko pang sigaw ni Lawrence pero huli na.

A Perfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon