CHAPTER 2: Flashback 1/4

3K 57 0
                                    

CHAPTER
TWO

Flashback 1/4

Naglalakad ako ngayon sa hallway dahil kailangan ko daw magpunta ng  Student Council (SC) Office. Malay ko kung bakit kailangan kong pumunta do'n! Nakakainis lang. Eh, sinampal at sinabunutan ko lang naman 'yung babaeng sumugod sa akin habang nanahimik ako sa classroom namin. Ano naman kayang problema doon?

Nasa tapat na ako ng office at bubuksan ko na sana ang pinto nang may nauna na sa aking magbukas noon. Isang lalaki ang inunahan ako sa pagpasok. Natigilan ako. Papasok na rin ba ako? O huwag na lang kaya muna?

Huwag na lang muna. Baka mamaya mas importante 'yung kanya. Kaya umupo muna ako sa isa sa mga benches sa tapat ng office para doon maghintay.

Maya-maya pa nga ay lumipas na ang ilang minuto ngunit wala pa rin. Nagsisimula na akong mainip. Ang tagal namang lumabas no'n! Dahil sa hindi na ako makapaghintay ay tumayo na ako at bubuksan ko na sana ulit ang pinto nang may nauna na naman sa aking magbukas pero ngayon, nasa loob na siya nanggaling.

Ano bang problema ng isang 'to? Tadyakan ko kaya 'to, o kaya ibili ko ng malaking pintuan na walang lock para hindi na siya nangunguna na magbukas ng pinto. Imbyerna, eh.

"Ah, ikaw ba si Micca El De Torres?" Aba! Kilala ako.

"Ako nga." The one and only.

"Kanina ka pang hinihintay ni Kuya eh.." kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Magtatanong pa sana ako kaso lumabas na siya nang tuluyan kaya pumasok na lang ako. Pero teka, Kuya? Ano 'to Pinoy Big Brother? Bakit 'di man lang ako na-inform na mag-o-audition pala ako ngayon? Hindi kaya ako ready 'no!

Bahala na nga.

Pumasok na ako sa loob at napaatras pa ako with matching hawak pa sa kaliwang dibdib ko dahil sa gulat ko. 'Yung kasing lalaki kanina, kamukhang-kamukha nitong nasa harapan ko ngayon. Namamaligno na yata ako?

"Sit down," utos niya. Mahinahon lang naman at ang papagkakasabi niya, at dahil sa masunurin akong bata ay sumunod naman ako. "What took you so long?"

Ang gwapo naman nito! Kaso ang laki ng mata, pero ang cute pa rin. Crush ko na 'to!

"Kuya, anong pangalan mo?" Tanong ko.

"You don't know me?" Tiningnan niya ako sa mga mata kaya napangiti ako. Eye contact talaga. Tumango na lang ako. Hanuba, baka kiligin na ako niyan.

"I'm the president of the Student Council," pagpapaalam niya sa akin habang nakakunot ang noo.

Ay, mas lalong gumagwapo!

"The name?"

"Lawrence Ian Do.." parang asar na sagot niya kaya napangiti ulit ako.

"Ay ang galing! Kaapelyido mo si Do Kyungsoo ng EXO, tapos kamukha mo pa! Ang galing talaga!" Napapalakpak ako.

Shit. Bias ko pa naman 'yun!

Tiningnan niya lang ako nang masama kaya naman ngumiti na lang ulit ako sa kanya. Kahit anong gawin niya, ang gwapo pa rin! Magalit kaya siya kapag binulsa ko siya? Iuwi ko na siya!

"Uy, Lawrence." Tumingin siya sa akin. "Crush kita. May girlfriend ka na?"

Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko dahil mas nanlaki pa lalo ang mga mata niya. Kyeopta! Nagbuntong-hininga muna siya bago nagsalita.

"Why did you slap and pull the hair of Carla Tiara Salvador?" He asked. 'Yung tono niya, flat.

"Eh, kasi naman Crush, sinugod niya ako sa classroom ko at basta na lang siya nagbintang ng mga kaechosan! 'Di pa nakuntento, ha? Sinabunutan pa niya ako tapos tinadyakan pa. Ang sakit kaya!" Paliwanag ko.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now