CHAPTER 26: Is This The Goodbye?

1.4K 43 1
                                    

Chapter 26

Farrah

Hindi ko alam kung anong nangyayari. I feel awkwardness the whole time na para bang ang bigat-bigat ng ambiance dito sa loob ng kusina. Napatingin ako kay Ven ng bigla siyang tumikhim. Siniko ko nga.

Napatingin naman ako kay Dad nang siya naman ang tumikhim. "May away ba kayo mga bata?"

"Po?" Patanong na tugon ko. Bakit ba naman kasi sa akin si Dad nakatingin? Hindi porke maldita ako ay ako na lagi ang may kasalanan sa mga awkwardness na nangyayari sa bahay na ito kaya umiling ako. "Wala po akong kinalaman d'yan."

"Lawrence, hijo?" Nilingon ko si Ian na ngayon ay natigilan sa pagkain. Ano ba talagang mayro'n?

Hindi siya nakasagot at muntik ko nang mabangasan si Ven na katabi ko nang tumawa siya.

"Grabe!" I arched my brow to him. "Sorry po. May naalala lang ako."

"It's okay," Dad said. Tiningnan ko din si Tita at tahimik lang siya. Nakatingin lang siya sa amin na para bang naghihintay lang din ng sagot galing sa isa sa mga nasa hapag.

"Okay lang kaming lahat," Micca smiled. "Walang problema. Everything's okay. Don't worry."

"Sigurado ba kayo?"

"Mukha po ba akong nagsisinungaling?"

"Micca.." Tita warned Micca. Tumango lang naman si Micca.

Natapos ang hapunan ng walang nangyayari ulit na imikan. It was new. Sanay kasi kami na ang pinakamaingay sa hapag kapag kumpleto kami ay sina Ian at Micca. Asungot lang talaga si Ven. Nakikain lang ang loko.

"May problema ba kayo?" I asked Micca. Nasa loob na kami ng kwarto namin at kanina pa nakauwi ang dalawang lalaki. "Huwag mo ng i-deny dahil lahat kami pansin na 'yun."

"Alam na kasi niya.."

"Ang?"

"Ang lahat! Ang pagkabalik ng alaala ko nang mas maaga sa alam niya. Maybe, he felt dumb. Hindi ko din alam," paliwanag niya. Napatango ako. Oo, matagal ko nang alam ang tungkol sa alaala niyang 'yun.

Nagulat din ako no'ng una, but I chose to understand her instead kaysa magalit sa kan'ya dahil buong akala ko wala pa rin siya noong naaalala.

"Baka naman kasi sinisink-in pa niya. Alam mo na, mahirap din namang tanggapin lalo na at siya ang pinakamaaapektuhan talaga."

Napailing siya. "Hindi ba pwedeng tingnan na lang niya 'yung brighter side?"

"Huh?"

"Na kahit alam ko na lahat simula pa lang ay hindi ako nagalit sa kan'ya," she started. "Ako pa nga itong gumawa ng paraan, 'di ba? Oo nga't paghihiganti ang nasa isip ko noon pero I chose to fall in love with him again and again!"

"Bakit mo kasi sinabi pa?"

"Bakit hindi!" She exclaimed. "Ayoko naman na puro sikreto na lang sa pagitan naming dalawa ano! Kahit ganito ako ay marunong naman akong mag-isip ng mga magagandang bagay tungkol sa isang relasyon."

"Sinabi mo eh," I grinned. Gusto ko lang siyang asarin.

"Nakakainis kaya!" Humalikipkip pa siya kaya natawa na lang ako habang naiiling.

Lumabas din siya ng kwarto ko kaya kinuha ko agad ang phone ko nang tumunog 'to. Napangiwi ako nang makita ang pangalan ng bwisit na si Ven.

"Halloo Antonette!" Bati niya sa kabilang linya kaya napangiwi na naman ako.

"Bwisit ka," I murmured. "Ano na naman bang kailangan mo ha?"

"Wala lang. Baka kasi namiss mo ako kaya tumawag na agad ako."

"Nananaginip ka yata?" I blurted out. "Ikaw, mamimiss ko? Teka, ano bang petsa ngayon at binubuwan ka yata ha?"

"Ay gano'n? Kaya ka pala kasama sa panaginip ko. Gano'n daw kasi 'yun eh. Kapag daw napanaginipan mo ang isang tao, ibig sabihin pinapangarap mo siya."

"Hindi totoo 'yun." Pagtaliwas ko sa iniisip niya. "Kung saan mo 'yun naisip ay pasabing mag-research muna siya, okay?"

"Nile-lecture-an mo ba ako, Ms. De Torres?"

"Hindi. Masyado ka lang kasing nagpapaniwala sa mga sabi-sabi kaya naman kung anu-ano din ang pumapasok sa isip mo. Ayan, nabobobo ka tuloy."

"Ang sama mo..."

"Tangina!" Hindi ko maiwasang mapamura dahil sa sigaw ni Tita galing sa kabilang kwarto.

Nabitawan ko na ang phone ko at dali-daling tumakbo papuntang kabilang kwarto, sa kwarto ni Micca.

"Anong nangyari?" Nakita ko si Tita na umiiyak. "Tita, anong nangyari?"

"Si Micca.." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Micca pero wala na siya do'n. Saka ko lang napansin si Dad na pabababa ng hagdan. Buhat niya si Micca. Tumakbo ako palapit sa kanila.

"Micca!" Sumakay kami sa ambulansya at gano'n na lang ang awa ko kay Micca dahil sa sitwasyon niya.

Naririnig ko ang mahinang pagmumura ni Dad na nasa tabi ko. Nakahawak siya sa kamay ni Micca habang ako naman ay ang may hawak ng oxygen niya. She's breathing heavily na parang bang pagod na pagod na siya. Halatang nahihirapan siya.

"Micca.." I called her. Tiningnan niya ako at pakiramdam ko nginitian niya ako kahit na puro luha na ang mga mata niya at taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng hininga niya. "Everything's going to be alright."

Tumango lang siya at napapikit na lang ako ng mariin. Hanggang makarating kami sa hospital ay wala pa ring nangyayaring pagbabago sa paghinga ni Micca. Lumalala pa nga.

Ano bang nangyayari na? Napakagat ako sa ilalim ng labi ko saka ko napansin si Dad na nakaupo sa bench sa labas ng emergency room. Kahit ako hindi na mapakali. Parang kanina lang pinag-uusapan namin 'yong tungkol sa kanila ni Ian tapos ngayon nando'n na siya sa loob ng emergency room.

"Micca!" Napalingon ako sa kakadating lang. Hindi ko alam kung paano uminit ang dugo ko nang makita ko siya. "Tito, where's Micca?"

Lumapit ako sa kan'ya at agad na sinampal siya. "Tangina Ian!"

"Farrah.."

"Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, hindi lang 'yan ang matatanggap mo!" I shouted to his face.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now