CHAPTER 33: The Decision

1.3K 36 5
                                    

Chapter 33

Micca

Napangiti ako nang makita si Lance sa sala namin. Nakaupo siya at matamang naghihintay. Hindi niya ako napapansin kaya naman pinanood ko lang siya mula sa taas ng hagdan.

Bigla tuloy pumasok sa utak ko na bakit hindi na lang si Lance? Gwapo si Lance. Kamukhang-kamukha niya nga si Lawrence eh. Bakit hindi na lang siya? Kilala ko siya kaya alam kong siya 'yung tipong basta ginusto niya ay gagawin niya ang lahat makuha lang ang bagay na 'yun. Si Lawrence din kasi ang laging nagpaparaya eh. Siya din naman 'yung unang nagtanong sa akin para manligaw. Bakit hindi na lang siya? Tama, he's not Lawrence.

"Lance.." bati ko sa kan'ya. Tumayo siya saka ako niyakap.

"Kumusta ka na?" Nakangiti niyang tanong pero sa tyan ko siya nakatingin.

"So, I guess you already know right?" I smiled. "Okay lang ako. Hindi naman kasi ako si Bella na pwedeng ikamatay ang pagbubuntis eh. Saka, masaya ako."

"Natutuwa akong marinig 'yan.." lumapit pa siya sa akin at inayos ang medyo messy kong buhok. "Sana kasi ako na lang."

"Bakit?" Natawa ako. "Hindi mo ba ako bubuntisin kung sakaling ikaw ang pinili ko?"

"Hindi rin siguro," seryosong niyang saad. "Baka mas maaga pa nga."

"Perv!" Hinampas ko siya sa braso kaya parehas kaming natawa. "Nagtatampo ka pa rin ba kasi hindi ikaw ang pinili ko?"

"Gano'n na nga. Pero wala naman akong magagawa, 'di ba?"

"Wala nga.."

"Pero sigurado ka bang hindi mo muna ipapaalam kay Kuya? Matutuwa 'yun."

"Sa tingin mo?"

"Oo naman! Mahal ka no'n. Parang ako lang.." ibinulong niya ang last part pero hindi ko na lang pinansin.

Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan kaya lumapit ako sa kanya at yumakap. Na-miss ko din ang boy best friend ko.

"Micca.."

"Hm?"

"Pwede bang humingi ng pabor?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Sige. Ano ba 'yun?"

"Kahit ano?"

"Susubukan ko.."

"Can I kiss you?" Nahihiya niyang tanong na ikinabigla ko.

Nag-iwas siya ng tingin pero tumango na din ako. Natatawa ako sa panlalaki ng mata niya dahil hindi makapaniwala. Baliw.

"Sigurado ka?" Nanlalaki pa rin ang mata niya kaya hindi ko napigilang hindi matawa.

"Oo nga.." Lumapit ako sa kan'ya at nag-pout. "Ayaw mo?"

"Gustong-gusto," pagkasabi noon ay napatingin siya sa labi ko saka dahan-dahang bumaba ang mukha niya.

Pumikit ako at hinintay na maglapat ang labi namin pero ilang segundo din yata akong nakapikit pero wala akong maramdaman ni gatiting na labi niya. Mumulat na ako at tiningnan ng masama si Lance.

"Akala ko ba gusto mo!?" Naiiritang tanong ko.

Mas lalo akong nairita nang mapansin ng takot na ekspresyon niya. Lumingon ako sa tinitingnan niya at kusang lumaglag ang panga ko!

Tumikhim ako habang pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Huminga rin ako ng malalim dahil feeling ko unti-unti akong naso-suffocate. Napapikit ako ng mariin at kinagat ang ibabang labi ko. Umayos rin ako ng upo.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now