CHAPTER 10: Bitch

1.9K 48 3
                                    

Chapter 10

Farrah

Maaga akong nagising ngayon dahil hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil na rin sa naninibago ako sa bago kong kwarto. I actually don't like to transfer to Micca's school, but my Dad told me to. I need to know who's Lawrence the managed to change Micca's mind about studying in London.

Ang akala ko pabor na sa akin ang hindi niya paglipat sa London pero 'yun pala ako pa 'yung lilipat. Bumuntong hininga ako at lumabas na ng kwarto ko. Pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko si Micca. She's typing something on her phone. Naramdaman niya yata ang tingin ko sa kanya dahilan para lingunan niya ako.

"Good morning, Ate," I greeted her with a fake smile plastered on my face.

"Good morning your face," she said rolling her eyes.

Napangisi ako nang lampasan niya ako. Mukhang masyado na siyang ilang sa akin ah. Noon, super close kami. Tanggap niya ako bilang kapatid sa labas pero simula nang ginawa ko 'yun. Naging aware na siya sa kaya kong gawin. Bakit ba? Nagmahal lang ako. It's not my fault anyways.

Sumunod na ako sa kanya sa kusina. Umupo ako sa harap niya at alam kong nasusura siya sa presence ko, and the feeling is mutual. Nagsimula na kaming kumain.

"Salamat sa pagkain," sabi niya at tumayo.

Agad akong tumayo at naabutan ko siya sa sala na naglalakad.

"Ate!" I called her. Tumigil naman siya agad at asar akong nilingon. "Sasabay na ako sa'yo."

"May sundo ako," she borely said.

"Edi sasabay ako sa inyo," I smiled widely and noticed how her eyebrows frowned.

"Ano 'to Farrah?" Hindi na ako nagulat sa tanong niya.

"What?" I innocently asked.

"Bakit mo 'to ginagawa?" Kumunot ang noo ko na para bang hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. "Bakit kailangan mong magpanggap?"

"Ate.." napailing siya.

"Nevermind. Hindi ka pwedeng sumabay," umalis na kaagad siya sa harapan ko at lumabas na ng bahay pero sinundan ko ulit siya. Malapit na kami ng gate nang tinawag ko ulit siya.

"Hindi mo pa rin ba 'yun nakakalimutan?" Tanong ko at nahalata ko agad ang pag-stiff ng balikat niya.

"Nakakalimutan?" Nilingon niya ako. "I can forgive you, but I will never forget how selfish you are! You are the reason behind of all my failures! You are the reason of all that!"

"You need to move on, Ate.."

"Yeah. I already moved on. Don't worry," pagkasabi niya no'n ay may narinig kaming busina mula sa labas ng bahay.

Agad siyang lumabas at sinundan ko siya. Natigilan ako nang may makitang lalaki na sa sumalubong sa kanya na agad namang niyakap siya. What the hell?

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Siya na ba si Lawrence?

"Are you okay?" I heard him asked Micca. His voice..

"Yeah, don't worry about me. Tara na nga!" Ngumiti ang lalaki sa kanya. His smile.

Pinagbuksan siya nito ng pinto at sumunod na rin ang lalaki. Pinaandar na ng driver nila ang sasakyan at wala akong nagawa kundi ang tumayo dito sa palabas ng gate. Paanong nangyari 'yun? Iniling ko ang ulo ko at huminga ng malalim. Hindi siya 'yun! Ano ka ba naman Farrah? Imposibleng siya 'yun.

Matapos kong mag-isip ng matino kanina ay sumakay na agad ako ng taxi at sumunod dito sa AA. Hindi ko maikakaila na maganda ang school na ito. Inilibot ko ang paningin at napansin kung gaano kadisiplinado ang mga estudyante dito. Mukhang mali yata ako ng desisyong lumipat dito ah? I'm a bitch. Hindi ako bagay dito.

A Perfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon