CHAPTER 9: Is That It?

2K 52 0
                                    

Chapter 9

Katahimikan ang bumabalot sa loob ng dining room. Walang sinuman ang nangahas na magsalita. Nalipat ang tingin ko kay Daddy, bakit pa siya bumalik?

Pinutol na ni Mommy ang katahimikan nang tumikhim siya pero wala akong oras na lingunin siya.

"Kumain muna tayo ng dinner," pagyayaya ni Mommy pero agad akong umiling.

"Kayo na lang po. Busog pa ako," tinalikuran ko na sila matapos kong sabihin 'yun.

Hindi ko yata maaatim na makasama sa isang hapag ang taong kinasusuklaman ko.

"Micca El," napatigil ako sa dapat pag-akyat sa hagdan nang marinig ko ang nagbabantang boses ni Mommy.

"Okay," nagpatiuna na ako papuntang kusina at hindi na sila hinintay. Tutal ito naman ang gusto ni Mommy eh. Sige, pagbigyan na.

"How's your studies?" Natigilan ako sa pagnguya nang marinig ko siyang magsalita.

"Okay lang," I answered politely without gazing at him.

Naiinis ako sa itsura niya kaya mas gugustuhin ko pang 'wag na lang tumingin sa kanya.

"Hm, Farrah is transferring to your school.." at doon na kusang naagaw ang atensyon ko. Tumingin muna ako sa kanya, Farrah Antonnete De Torres, my half-sister.

"Bakit?" Maikli pero puno ng inis kong tanong. Marami namang school d'yan! Bakit sa school pa namin?

"Para naman magkaroon tayo ng bonding time. Don't you want that?" Maarte niyang tugon. Kung ako lang ang masusunod ay pipilipitin ko ang dila niya para hindi na siya makapagsalita.

"Sa ibang school ka na lang," tumayo na ako kahit hindi pa ako nangangalahati sa aking haphnan. "Salamat sa pagkain."

Naglakad na ako palabas ng kusina at hindi ininda ang mga sinasabi nila.

May kapatid ako sa labas. Yes, si Farrah 'yun. Simula eight years old ako ay alam ko na ang bagay na 'yun. Well, I actually don't care pero hindi maalis sa akin ang magalit, mainis at magtanong. Ano pa bang kulang sa amin ni Mommy 'di ba? All this time, I wanted to ask Daddy, but I'm afraid. Takot akong malaman ang totoo na baka kulang pa nga kami.

"Ate.." tumigil ako sa paglalakad na dapat sa kwarto ko. Nilingon ko siya na inis na inis.

"Ano na naman ba? At pwede ba, Stop calling me Ate!" Inis na sigaw ko sa kanya. "Oo, magkapatid tayo pero hindi sa pagkakataong ito Farrah. Marami ka ng ginawa sa buhay ko na kinasusuklaman ko kaya huwag mo akong susubukan."

"You still don't forget it?" May arte pa rin sa pagsasalita niya.

"Hindi. Hinding-hindi ko 'yun makakalimutan. You're the reason behind of all my failures. Lahat na lang.." Tinalikuran ko na siya. "Inagaw mo."

Bumaba na ulit ako ng hagdan diretso labas ng bahay. Kailangan ko munang huminga. Kahit kaunting hangin lang.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat ng bahay niya. Hindi ko dala ang cell phone ko at hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito.

"Damn! Where the hell is that girl!" Napangiti ako nang lumabas siya sa gate nila. He's wearing a simple shirt and shorts habang hawak ang cellphone niya. Kunot na kunot rin ang noo niya.

Hindi na ako nakatiis pa at tumakbo na ako sa kinatatayuan niya at niyakap agad siya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya agad nakapag-react.

"Micca.." may halong pagtataka ang boses niya pero mas pinili niya ang hindi magtanong.

"Lawrence, ang sakit-sakit na naman.." hindi ko na mapigilan ang umiyak.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now