Chapter 1

67 9 0
                                    

WARNING: You may encounter incorrect grammars, spellings, punctuations, capitalizations, events and so on. But as long as you understand the story then we're good. I have warned you. ENJOY.

(Pasensya na sa Typos at talaga namang nakakaduleng HAHAHAHA)

Chapter 1: Fan sign event

Yuna's Point of View

Bumaba ako ng hagdan habang naghihikab. Kakagising ko lang kasi napuyat ako kagabi. Pagbaba ko, nadatnan ko 'yung anim na nasa baba na. Ako nalang pala ang tulog kanina.

"Oh, buti gumising ka pa." Biro ni Andrew na nakahiga sa couch habang nakataas pa ang mga paa at nakapatong sa likod ni Syme na nakaupo lang sa dulo at busy sa cellphone.

Syempre hindi rin mawawala sa kamay n'ya ang tasa ng kape.

"Manahimik ka. Ayokong marinig ang boses mo sa umaga." Sambit ko habang naglalakad palapit sa kanila.

"Anong umaga? Tanghali na."

"Eh?" Tumingin ako sa wall clock. Tama s'ya. Alas dose na. "Bakit naman hindi nyo ako ginising?"

Tumabi ako kay Chloe na kumakain ng sandwich tsaka iyon kinuha sa kanya at ako ang kumain. Hindi naman s'ya umangal.

"Dapat nga hindi ka na nagising."

Nginiwian ko si Andrew na nagbabasa na ngayon ng isang libro. "Kahit kailan talaga ang baho ng ugali mo."

Hindi s'ya umimik kaya palihim ko s'yang tinarayan. Oh. Ngangayon ko lang napansin na lilima pala silang nandito. Wala si Jasmine.

"Si Jasmine? Nasaan?"

"Bumibili yata ng pagkain para sa pusa n'ya." Tugon ni Bryan.

"Ahh...I see."

Tumayo ako at pumunta sa fridge para kumuha ng tubig.

"Kailan daw ang next comeback?" Pakinig kong tanong ni Yvonne.

"Katatapos lang nating mag comeback sis wala pang update kay Sir Jazz." Pakinig ko namang tugon ni Chloe.

Humarap ako sa kanila habang umiinom ng tubig sa baso.

"Okay. Sana naman more than a year. Balak kong umuwi sa bahay."

"Hindi rin. Baka mamaya tawagan tayo sa gitna ng bakasyon."

Oo nga. May point si Syme kasi baka mamaya may importanteng event edi no choice kami kundi umuwi?

"Buti nga hindi ako napaos. Bakit naman kasi kailangang nasa akin lahat ng high notes? Nakakasakit ng lalamunan." Reklamo ni Chloe.

Pfft. That's true. Halos lahat ng mga bagong kanta namin ang tataas. Malas n'ya at sa kanya napunta lahat ng matataas na nota.

"Ano pa ba ang aasahan mo eh main singer ka?" Wika ni Bryan.

"Eh 'di ba lead naman sina Yvonne at Jas? Dapat hati kaming tatlo."

"Hayaan mo na. Successful naman ang kanta huwag ka nang magreklamo." Sambit ko at umalis na para maligo.

Being a main singer is not easy. Kahit wala ako sa posisyong iyon, nararamdaman ko 'yung hirap dahil ni Chloe. S'ya ang malimit na maraming lines at madalas puro matataas pa. Ako, dahil hindi ako marunong kumanta noon, wala ako sa position ng pagiging vocalist kaya kadalasan kakaunti ang lines na nakukuha ko. Pero bawi naman ako pagdating sa choreography kasi ako ang kadalasang nasa gitna. Well, that's the power of being the center. At isa pa, hindi na expected sa akin ang linya dahil gitarista ako.

__**__

"Guys!"

Lahat kami ay dito nakahilata sa living room. Nakahiga ako sa sahig habang ang mga paa ay nakapatong sa likod ni Chloe na nakadapa naman sa sahig. Tanging si Andrew lang ang nasa couch pero ang kanyang higa ay hindi normal dahil ang higa n'ya ay pa-cross sa hinihigaan n'ya. Then his feet were resting on the backrest while his head was hanging on the edge of the couch. Si Jasmine naman ay nakaupo sa sahig habang nilalaro ang kanyang alagang pusa na si Cotton.

Tale of Coast (Season 1) Kde žijí příběhy. Začni objevovat