Chapter 11

37 10 0
                                    

Chapter 11: Lost

Ash's Point of View

Nakakapanibago talaga. Hindi ako sanay. Simula palang noon hindi na s'ya marunong tumingin sa mga babae. Ni hindi nga n'ya mahawakan kahit damit nila. Ang pinakamatagal na yata n'yang tingin sa isang babae ay 5 seconds. Simula noong napadpad kami dito sa lugar na ito, ang daming patay na patay sa kanya pero ni isa hindi n'ya binigyan ng pansin but then suddenly, that person named Yueina suddenly came.

Like...how? Unang-una hinayaan n'yang pumasok si Yuna doon sa kubo eh iyon nga ang pinakaayaw n'yang pinakikielaman ng ibang tao. At s'ya pa talaga ang pinag-alaga sa mga isda n'ya huh? Noong una hindi ko pinansin dahil sinabi n'ya sa akin ang dahilan kung bakit pero habang tumatagal parang nag-iiba na 'yung dahilan. Ngayon naman ay ang tungkol sa nangyari kanina. Lahat ng mga nangyari maghapon kakaiba. Tulad na lamang ng sa motor n'ya pinasakay si Yuna tapos isinama pa yata sa bayan. And what I really didn't expect was that he would bring her here. Like, seriously?

Almost 5 years na kaming nandito at kahit kailan ay hindi s'ya nagdala sa bahay ng ibang tao lalaki man o babae at maging ako ay ayaw n'ya tapos makikita ko nalang na kasama n'ya si Yuna? Sino ang hindi magugulat? Marami pa. The one I saw in the kitchen too. How he behaved in front of her. Ngangayon ko nakitang ginawa n'ya iyon sa isang babae. Maging ang pagluluto ng paborito ni Yuna tsaka ang mga reaksyon n'ya kapag kinakausap s'ya nito.

"Is there something you're not telling me?" bulong ko habang nakaupo sa sofa.

Napansin ko rin na hindi manlang ito kumokontra sa mga sinasabi at ginagawa ni Yuna sa kanya na alam kong kapag ibang babae ang gumawa, may kalalagyan agad.

Malamang may tinatago nga ang lalaking iyon sa akin. At halatang wala s'yang balak sabihin iyon.

NAGTIMPLA ako ng kape at pumunta sa kwarto n'ya dahil alam kong busy nanaman ang doctor. At pagpasok ko sa kanyang kwarto, tama nga ako dahil nadatnan ko siyang tutok na tutok sa laptop habang nakaupo sa harap ng kanyang lamesa. Ni hindi manlang napansin ang presensya ko.

"Oh. Kape mo señorito." Inilapag ko ang kape sa kanyang lamesa at umupo sa dulo ng kanyang kama.

"Salamat."

I took a pillow and placed it on my lap. Tumingin akong muli sa kanya na talagang sa laptop pa rin nakatingin. Hmm...matanong ko nga s'ya para makumpirma kung tama nga ba ang iniisip ko.

"Hoy Auxcel. Umamin ka nga sa akin. Gusto kong sagutin mo ako ng totoo. Don't you dare lie to your one and only friend."

"Just straight to the point and leave. I'm busy."

"Okay. May gusto ka ba kay Yuna?" Diretso kong tanong na nakapagpatigil sa kanya sa pagtatype sa keyboard at tumingin sa akin.

"What kind of question is that?"

"Meron o wala lang. Ano? May gusto ka ba sa kanya?"

"Wala." At muli itong bumalik sa ginagawa.

Syempre hindi ako naniwala. "Huwag ako dude. Kung wala kang gusto bakit ganoon ang kinikilos mo kapag kasama s'ya? Akala ko ba hindi ka interesado sa mga babae? Natuldukan na ba ang pagiging manhid mo? Natututo ka na bang magmahal?"

"Tsk. Bakit naman ako magkakagusto doon?"

In denial pa ayaw pang aminin ang totoo. Hay nako Auxcel.

"Oh? Bakit? Maganda naman si Yuna. Mabait pa. Masaya ring kasama. Posible kang mahulog sa kanya kaya aminin mo na tayo lang namang dalawa ang makakaalam."

"Kanina ko pang sinagot ang tanong mo kaya makakaalis ka na."

Napakamot ako ng ulo. "Napakadaya mo. Kapag nagkakagusto ako sa isang babae sinasabi ko sa 'yo agad. Wala nga akong ex na hindi mo kilala tapos ikaw hindi mo sasabihin sa akin? Sige F.O na tayo."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now