Chapter 34

49 9 0
                                    

Chapter 34: Date 2

Ash's Point of View

"Okay. Remind me about the meeting later." I commanded my secretary.

She bowed her head and left. Tumingin ako kay Auxcel na nakaupo dito sa opesina ko.

"Aren't you going to date your girlfriend?" I asked.

Tumingin naman ito sa akin na badtrip ang muka. "Muka bang alam ko ang daan pauwi?"

Ang laki na n'yang tao pero hindi pa rin marunong magcommute mag-isa. Sabay kasi kaming pumunta dito bago kami umuwi at kotse ko ang ginamit namin.

I have my own company medyo may kalayuan sa golden coast at ito ang dahilan kung bakit ako malimit umalis. I am an engineer and also a CEO. Hindi naman talaga ako nakatira sa coast. That is just his property or one of his home and business at the same time kaya pinili n'ya na doon muna manatili at dahil kaibigan n'ya ako, gusto akong isama. Hindi na ako tumanggi dahil hindi ko rin naman magagawa iyon sa kanya tsaka ayos lang dahil nakakapunta naman ako dito kahit papaano at iyon ang mahalaga.

"By the way, your father called you, right? Wala ka bang balak umuwi?" Pagbubukas ko ng topic.

"Why would I?"

Pinagcross ko ang mga braso at sumandal. "AJ, this is not your main home you know that."

"You know the reason why I can't."

Ah, about her again.

"Are you kidding me? Aalis din s'ya."

"Then I'll wait for her."

I sighed. Wala akong magagawa kung iyon ang gusto n'ya. "Okay. That's your life."

Umayos ako ng upo at tiningnan ang design plates na nasa lamesa. Tsk. Mukang may itatapon nanaman ako.

"Kailan tayo uuwi? I badly want to see her."

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nakita ko naman itong mukang inip na inip na. "I still have a meeting later. You can go home alone."

Muli kong binalik ang mga mata sa design.

"I told you, I can't."

Bahala nga s'ya. Sinabi ko na sa kanya na gamitin ang kotse ko kung gusto na n'yang umuwi pero pinili n'yang hintayin ako kaya bahala s'yang magdusa ngayon.

Maya-maya pa ay tumayo ito at pumunta sa harapan ng lamesa ko kaya muling umangat ang tingin ko sa kanya.

"Oh bakit?"

Inilahad nito ang kamay. "Give me the keys. I'll go home."

"Sigurado ka? Baka maligaw ka?"

"Wala akong pakielam. I am worried about her. Alam mo naman na hindi s'ya pwedeng mag-isa hindi ba?"

I twisted my lips. "Dude. Ang dami mo nang kinuhang bodyguards at sandamakmak na security na ang inilagay mo saan mang sulok ng lugar mo tapos wagas ka pa ring mag-alala. Ayos lang 'yon ano ka ba?"

"Gusto ko rin siyang makita at hindi ko iyon magagawa kung tatambay lang ako dito sa opesina mo kaya akin na ang susi. Uuwi na ako."

Kinamot ko ang sentido at bumuntong hininga bago hinagis sa kanya ang susi. "Siguraduhin mo lang na hindi ka maliligaw."

"Yeah. See you later." Tumalikod na ito at umalis habang ako ay naiwang umiiling.

Mabuti pa siya masaya sa love life. Ako kaya kailan ulit? Kung magkakaroon man ako ulit, 'yung panghabang-buhay na sana para hindi na ako papalit-palit.

Tale of Coast (Season 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon