Chapter 20

36 9 0
                                    

Chapter 20: Questions

Yuna's Point of View

Lumipas ang ilan pang mga araw ng wala namang nangyari sa akin na masama kaya nawala na ang kabang nararamdaman ko sa araw-araw. Nadagdagan na rin ang security dito sa hotel buhat noong nangyari sa akin para mas secured na ang lahat. Everything was just a normal day. Nagpapakain ako ng isda then hihintayin si Auxcel na makauwi then maghihintay nanaman ng gabi tapos kinabukasan ganun ulit.

Ngayon, umaga nanaman pero akala ko ganun lang ulit ang mangyayari sa buong maghapon ko. Hindi pala. Dahil umagang-umaga, may nagdoorbell sa akin at ayan. Si Auxcel ang bumungad sa akin na hindi na inayos ang pananamit lagi nalang. Hindi ba s'ya marunong magsuot ng necktie at butones?

"Ano namang ginagawa mo dito agang-aga?"

Pumasok nalang ito sa loob ng hindi hinihingi ang permiso ko. Aba at talaga nga naman.

"Hindi pa ako kumakain."

(눈‸눈). Really? Auxcel?

"Oh? Eh bakit hindi ka muna kumain bago pumasok at dito ka pa pumunta?"

"I want to eat here."

"What?"

Napunta sa likod ang tingin ko dahil sa tumikhim at iyon ay isang staff ng hotel na may dalang sa tingin ko ay pagkain.

"Excuse me? Mali po yata kayo ng room na napuntahan. Hindi po ako umoorder ng pagkain." Sambit ko sa kanya kaso biglang sumingit si Auxcel.

"Ako ang umorder. Ipasok mo na 'yan dito." Utos nito at iyon nga ang ginawa n'ya. Pumasok s'ya sa loob at idiniretso ang mga pagkain sa lamesang nasa loob.

"Hoy Auxcel. Anong trip 'to ha?"

"Dito nga ako kakain at sasabayan mo ako. Alam ko namang hindi ka pa rin kumakain."

Umalis na ang staff kaya naiwan na kaming dalawa.

"Sari-sari ka na. Kakain ka lang ng breakfast dito ka pa dadayo."

"Umupo ka na dito para makakain na ako. Ayokong malate dahil mo."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi n'ya. It will be my fault if he gets late for school when he's the one who just suddenly came here just to eat breakfast in the first place? Ibang klase.

Pumunta na ako sa upuan at umupo sa tapat n'ya na ngayon ay kumakain na. Ni hindi manlang ako hinintay. Buhos ko sa kanya itong kape eh.

"Tuwing umaga, huwag kang kakain ng umagahan hangga't wala pa ako dahil simula ngayon, dito na ako kakain kasama mo."

Napanganga nanaman ako. He said those while still eating.

"Seryoso ka ba? Bakit dito pa? Paano si Ash wala s'yang makakasabay."

"Don't worry about him. I always cook for him before I leave. Besides, we don't really eat together. That ash always wakes up at noon."

Napangiwi ako. Although okay naman sa akin kasi para may kasabay akong kumain kaso, para s'yang tanga. Dito pa talaga dadayo.

Kinuha ko nalang ang isang egg sandwich para kainin. Buti hindi pa ako kumakain para masabayan ko s'ya. Kaso ngangayon ko lang din napansin na ang dami pala nito. Jusko muka na kaming bibitayin sa dami nito grabe.

"Ang dami naman nito. Ayokong tumaba."

"Masyado kang maganda kaya patatabain kita at para wala rin akong maging kaagaw sa 'yo."

Laglag ang pangang tumingin ako sa kanya. "Bakit? Kapag ba mataba hindi na pwedeng magustuhan ng iba? Body shaming ka rin eh. At tsaka sabihin mo lang kung kailangan mo ng therapy. Nababaliw ka na yata."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now