Chapter 17

34 10 0
                                    

Chapter 17: Stab

Yuna's Point of View

Nakahalumbaba ako sa table kasama ang mga kaibigan ko. Nandito ulit kami sa bilihan ng juice. Nagkukwentuhan sina Bianca at Mylze maging sina Trisha at Tiffany habang si Ash ay kumakain lang.

Bumuntong hininga ako dahil walang magawa hanggang sa naisip ko na tanungin sila about sa nangyari sa event.

"Guys. Anong nangyari sa event nung isang gabi habang lasing ako?"

Biglang nasamid si Ash sa tinanong ko habang natigilan naman ang iba. Nakalimutan ko silang tanungin tungkol dito ngangayon ko lang naalala.

"Uh...wala naman. Nagpatuloy lang 'yung event." Sagot ni Mylze.

"Lasing na lasing ako that time kaya wala akong maalala. Paano ako nakauwi?"

"Ano uhm...hinatid ka namin. Oo hinatid ka namin."

Agad na nagtaka ako sa sinabi ni Tiffany. "As in lahat kayo?"

"O-Oo. Ang hirap mong iuwi eh lasing na lasing ka." Tugon n'ya ulit bago tumikhim at uminom.

"Ah, okay."

Sumandal ako at tiningnan silang lahat.

Hmm... Parang may mali sa kinikilos ng mga ito. Nagsasabi ba talaga sila ng totoo?

Tumayo ako at kinuha ang iniinom ko. "Maiwan ko na muna kayo. May gagawin lang ako."

Nagpaalam din sila sa akin bago ako umalis para pumunta sa kubo. Balak kong ilipat si Angel sa bagong tubig. Matagal na kasi kaya madumi na.

Kinuha ko ang susi sa bulsa at binuksan ang pinto nang makarating ako. Hinayaan ko nalang itong bukas dahil wala namang papasok dito. Ngunit nang lalapit na sana ako kay Angel, nagtaka ako dahil wala ito.

"Angel?"

Sinilip-silip ko s'ya sa bawat parte nitong kubo pero hindi ko talaga s'ya makita.

"Nasaan ka?"

Kinakabahan ako. Baka may kumuha sa kanya. Hindi pwede. Hindi ako papayag. Patuloy ko s'yang hinanap pero wala talaga. Saan naman nagpunta 'yon eh nakita ko pa s'ya dito kaninang umaga?

"Angel...nasaan ka ba? Nandito ka lang naman kanina bakit nawala ka na?"

Para na akong maiiyak dito but then suddenly, I heard a gentle cough behind my back. Humarap ako at nakita si Auxcel. Wala nga pala itong pasok ngayon.

"What's wrong?"

Lumapit ako sa kanya. "Si Angel kasi. Nawawala. Kanina nandito lang s'ya pinakain ko pa nga eh. Imposible naman na may kumuhang ibang tao dahil nasa akin naman ang susi."

"Ako ang kumuha."

Nagulat ako at nagtaka at the same time. "Ikaw? P-Paano?"

"May duplicate ako."

"Ah..." Tumango-tango ako. "Buti naman nasa iyo akala ko naman nawawala na. Pero teka. Bakit mo kinuha?"

Inilabas n'ya ang isang kamay na nasa kanyang likuran at doon ko nakita ang hawak n'yang isang fish bowl na may isda. At ang isda ay walang iba kundi si Angel.

"Here."

"Aww. Baby Angel." I put down the watermelon shake I was holding first before I took it from his hand. "Papalitan sana kita ng tubig pero kinuha ka pala ni Daddy Auxcel. Ano'ng ginawa n'ya sa 'yo ha? Did he plan to fry you?" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit mo nga s'ya kinuha?"

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now