Chapter 23

41 10 0
                                    

Chapter 23: Rain

Yuna's Point of View

"Auxcel!"

Patuloy ko s'yang hinanap. Hindi ako aalis dito sa tubig hangga't hindi ko s'ya nakikita. Kasalanan ko 'to. Dapat hindi ko na pinakielaman pa 'yung isda.

Sobra na akong nag-aalala. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya lalo na at ako pa ang may kasalanan. Kanina pa akong naghahanap ni anino n'ya wala. Nakaabot na nga ako sa kailaliman kanina hindi ko pa rin s'ya makita.

"Huhu. Nasaan ka na ba kinakabahan na ako."

Humarap ako sa likod ko pero agad din napasigaw sa gulat dahil sa sumunod na nangyari.

"AAAAH!"

May biglang pumulupot na bagay sa katawan ko at kasabay nito ang pag-angat ng isang tao sa harapan ko na si Auxcel pala.

Agad ko s'yang hinampas dahil sa panggugulat n'ya sa akin. "Bwisit ka! Akala ko pating na!"

Tumawa siya. I thought you didn't know how to swim but when I saw you exploring and enjoying yourself, I let you."

Muli ko s'yang hinampas. "Gago ka ba ha? Alam mo bang alalang-alala ako sa 'yo? Akala ko nalunod ka na o kinain ng kung ano mang hayop d'yan sa ilalim tapos ang lakas pa ng loob mong gulatin ako. Nakakainis ka."

"Are you afraid I'll die?"

Inis akong tumingin sa kanya. "Malamang! Umayos ka nga hindi ka nakakatuwa."

"Okay, okay. My bad. I'm sorry. "

Tumawa muna siya ng kaunti bago tumigil at tumingin na sa akin ng diretso. Ngangayon ko lang napagtanto na nakayakap pala s'ya sa akin at dahil nasa tubig kami, naging mas magkadikit ang katawan naming dalawa.

"Kung hindi ako ang pipiliin mo ngayon, sisiguraduhin kong ako ang pipiliin mo sa huli. At ikaw lang din ang taong pipiliin ko sa kahit na anong bagay."

Hindi ako nakapagsalita. I know he isn't joking but I still didn't believe it. I smiled and lifted my right hand to cover up his mouth.

"Huwag mo akong sabihan ng mga ganyan dahil baka ngayon palang, ikaw na ang piliin ko."

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nasasabi ko ang mga bagay na ito sa kanya. Kusa nalang silang lumalabas sa bibig ko ng hindi ko naman intensyon na sabihin. Mukang kailangan ko nang magpractice na kontrolin ang bibig ko.

"Tara na. Nilalamig na ako." Aya ko na.

Bumalik na nga kami sa bangka at nagdesisyon na umuwi na. Niyakap ko ang sarili ko dahil nilalamig ako. Ang lamig kasi ng simoy ng hangin tapos basa pa ako kaya lalo na.

Nakita kong tumayo si Auxcel at lumapit sa akin tsaka umupo sa tabi ko. Akala ko gusto n'ya lang tumabi sa akin hindi pala. Dahil hinila n'ya ako ng bahagya palapit sa kanya at ipinalibot sa akin ang mga braso.

"Ano nanaman 'to ha Auxcel?

"Nilalamig ka."

Hindi ko na s'ya pinansin kasi nilalamig nga ako at nakakatulong s'ya upang mabawasan iyon.

Pagkarating namin sa coast, sinalubong kami ng isang matandang lalaki. Naunang bumaba si Auxcel at tinulungan akong makababa sa pamamagitan ng paghawak sa bewang ko at pagbuhat sa akin pababa.

"Kayo na ho ang bahala sa mga isda." Sambit niya sa matanda.

"Oo ijo. Maraming salamat sa 'yo."

Nang makatungtong kami sa tuyong buhangin ay humarap s'ya sa akin. "Mag-asikaso ka muna ng sarili sa hotel bago kita ilibot."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now