Chapter 10

54 10 0
                                    

Chapter 10: Dinner

Yuna's Point of View

Hapon na kami nakauwi. Nauna akong bumaba sa motor n'ya at inalis ang helmet.

"Are you busy?" tanong n'ya habang inaayos ang parada ng motor.

"Hindi naman bakit?"

"Okay then, sumama ka muna sa akin. Sa bahay."

"Ha? At bakit naman? Ayoko nga."

"Nandoon si Ash. Magluluto ako kaya sa amin ka na maghapunan."

Hala. Parang gusto ko ngang makikain sa kanila.

"Talaga? Sige. Makikikain ako. Sarapan mo ng luto ah?"

Ngumisi lang siya at umiling.

"Auxcel?"

Sabay kaming napatingin sa babaeng dumating. Her face was full of makeup, confirmed. Si Keziah.

"What do you want?" Auxcel asked in a cold way.

"Who is she? Nakita kong angkas mo s'ya. Akala ko ba ayaw mong mag-angkas ng kahit na sino pero bakit diyan sa babaeng 'yan nagawa mo? At...you seem close to each other. Girlfriend mo ba s'ya? S'ya ba ang dahilan kaya ayaw mo sa akin?"

Napangiwi ako sa mga sinabi niya. Narinig kong bumuntong hininga si Auxcel at pagod na tumingin sa kanya.

"I just don't like you. That's all"

"Why? Because you like her?!"

"I don't like anyone--"

"Why?! Why can't you like me back huh? Ano bang mali sa akin? Lahat naman ginawa ko para mapansin mo ako." She said in a dramatic and annoying way. "Please Auxcel. I'll do anything. Please give me a chance to prove myself to you."

"Kahit ano ang gawin mo, hindi kita papatulan."

"Auxcel please..." Lumapit ito sa kanya ngunit hindi ko na hinintay pang magbigay ng aksyon si Auxcel.

Hinawakan ko ang kanyang braso at hinila s'ya palapit sa akin na alam kong ikinagulat niya pero hindi ko s'ya pinansin. Nananatiling na kay Keziah ang mga mata ko na ngayon ay gulat din.

Hindi ko hahayaang pilitin n'ya si Auxcel nang pilitin. At tsaka naalala ko ang mga sinabi sa akin ni kuya Jack. Kung gaano n'ya ito kagusto. Dapat sa kanya ito tumitingin hindi sa taong alam naman n'yang wala s'yang pag-asa.

"Alam mo namang ayaw sa 'yo nung tao pipilitin mo pa. Doon ka sa taong gusto ka kahit ano ka pa hindi 'yung pinagsisiksikan mo ang sarili dito at sinasayang ang oras para lang sa wala."

Agad siyang nainis at humakbang para sugudin ako. "Eh ano bang pakialam mo ha? Sino ka ba?"

"Keziah--"

"Stay back." Utos ko kay Auxcel at mas hinigpitan ang hawak sa kanyang braso.

Matapang kong hinarap si Keziah at natigil naman siya sa binabalak na pagsugod.

"Kung sino ka man, wala kang pakialam. Wala kang pakialam sa gusto kong gawin. How thick of a face are you to say such things to me?  Eh sampit ka lang naman dito!"

Tinawanan ko s'ya. "Why can't I interfere? I own him."

"What the hell are you saying?!"

Ngumiti ako at tumabi kay Auxcel. "Do you know why I care about this? It's because he is..." I took Auxcel's left hand and then I put my hand on it and intertwined it to his. Pinakita ko iyon sa kanya. "...mine."

Halatang hindi s'ya makapaniwala. "No. That's not true. Ang sabi n'ya ay wala s'yang gusto sa kahit na sino."

"Yes. That's true. He doesn't like anyone because he loves someone. And that's me. We met already before I went to this place. Hindi mo alam ang tungkol doon ano? Well, now you know."

Tale of Coast (Season 1) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora