Chapter 21

33 9 0
                                    

Chapter 21: Date

Yuna's Point of View

Bwisit na iyan. Umalis si Ash may pupuntahan daw pero handa daw s'yang magcommute kaya iniwan sa akin ang motor n'ya para sunduin si Auxcel.

Jusko naman ang lalaking iyon. Kala mo'y bata na kailangang sunduin pa ng magulang sa school. Why doesn't he just have his motor repaired or just buy a new one? Pwede rin naman na hiramin n'ya nalang itong kay Ash. Ang galing magcommute sa umaga pero pagsapit ng hapon hindi na marunong. Sarap asbaran.

Edi ayan eto ako. Naghihintay sa labas ng gate. Kanina pa ako dito ang tagal ni Auxcel lumabas kaya umub-ob muna ako. Aabutin yata ako ng gabi dito kahihintay.

"Yueina."

Napatunghay ako sa tumawag. "Mabuti naman at lumabas ka na ang tagal mo."

"Sorry marami lang ginawa. Nasaan si Ash? S'ya dapat ang pumupunta dito."

"Wala. Umalis. Oh ikaw ang magmaneho tinatamad na ako." Hinagis ko sa kanya ang susi at bumaba ng motor.

Si Ash kasi ang sumusundo sa kanya nagkataon lang talaga na kailangan n'yang umalis ngayon.

S'ya na nga ang nagbalak magdrive habang ako ay ibinigay sa kanya ang isang helmet. Dalawa ang helmet na dala ko. Ang isa ay itong kay Ash at ang isa ay sa kanya.

"Ayokong suotin 'yan." Pagtanggi nito.

"Baliw ka ba? Kailangan 'to. Kapag tayo naaksidente bahala kang mamatay."

"Ayoko nga."

"Kapag hindi mo ito sinuot iiwan kita dito--"

"Oo na. Susuotin na." Kinuha n'ya iyon at badtrip na sinuot.

Tss. Bakit ba kailangan pa s'yang takutin bago sumunod?

Sumakay na ako sa likod n'ya pero hindi ako kumapit sa kanya.

"Kumapit ka."

"Ayoko. Hindi naman ako mahuhulog."

"Okay."

Tapos bigla n'ya nalang itong pinaandar kaya napaigtad ako sa gulat at agad na napakapit sa kanya.

"Waah! Auxcel! Hayop ka talaga!" Sigaw ko sa kanya tsaka s'ya hinampas pero tinawanan ako ng siraulo.

"Ano? Kakapit ka na?"

"Oo na! Bwisit ka."

Sa balikat n'ya ako humawak pero inilipat n'ya ang mga braso ko payakap sa kanya. Inaalis ko kaso ayaw n'ya kaya hinayaan ko na.

"Huwag muna tayong umuwi." Sambit ko habang hindi pa kami umaalis.

"And why?"

"Eh kasi ayaw ko pa. Wala naman akong gagawin. Tinatamad pa ako. Dalhin mo muna ako sa ibang lugar dito."

"You sure?"

"Oo nga. Gusto kong makita ang mga lugar dito para hindi naman puro tubig sa dagat ang nakikita ko."

"Okay."

Dinala n'ya nga ako papunta sa ibang lugar. Hay. Boring din kasi kapag doon lang ako sa beach. I haven't even gone around it yet. Tinatamad pa ako.

"Bakit hindi mo ipagawa ang motor mo?" I decided to put my chin on his right shoulder.

"Ayoko."

"Then bumili ka nalang ng bago."

"Wala akong pera."

Agad na nagpakita sa muka ko ang hindi naniniwalang expresyon. "Sus. Wala daw."

Hindi na s'ya nagsalita kaya tumingin nalang ako sa paligid.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now