Chapter 7

47 10 0
                                    

Chapter 7: Another mistake

Yuna's Point of View

Lumabas ako ng hotel room para sana bumaba at kumain ng breakfast kaso kusang huminto ang mga paa ko dahil sa isang taong nakasandal sa tabi ng pintuan.

"Hey? Anong ginagawa mo dito? At...paano mo nalaman ang room ko?"

"It doesn't matter." Umalis siya sa pagkakasandal at tsaka inabot sa akin ang cellphone n'ya. "Give me your number."

I frowned. "At bakit naman?"

"In case of emergency dahil ikaw ang may hawak ng mga isda ko."

"Kailangan pa ba?"

"Just put your damn number and stop asking." He looks so pissed na.

"Eto na nga ilalagay na."

Kinuha ko na ang cellphone sa kanya at nilagay na ang number ko. Nakakatakot talaga itong mag-utos. Mapapasunod ka talaga ng wala sa oras.

"Oh ayan na."

Kinuha n'ya iyon habang ako naman ay napansin ang kanyang suot. Ngangayon ko napansing nakaschool uniform siya. Hindi nga lang ayos ang pagkakasuot kasi bukas 'yung dalawang butones sa itaas ng pang-ilalim n'yang puting uniform tapos maluwag din ang kanyang necktie. Tapos hindi rin nakasara ang kanyang blazer at ang panloob n'yang uniform ay hindi nakatuck-in hindi ba dapat nakatuck-in 'yon para hindi masyadong mahaba?

Eh ano bang pakialam ko sa pananamit niya ha?

"Pumapasok ka pa rin pala."

Umangat ang tingin niya sa akin. "Yeah. Any problem with that?"

"Tss. Napansin ko lang."

Para s'yang si Andrew. Nawalay na nga ako sa isang iyon ito naman ang pumalit.

"Sige na pumasok ka na baka malate ka pa. Kakain na ako."

Umalis na ito habang ako ay tsaka lang sumunod noong malayo na s'ya.

Matapos kumain ay syempre doon ako pumunta sa mga isdang ipinagkatiwala n'ya sa akin. Kailangan ko lang silang pakainin ngayong umaga then babalik ako sa hapon para pakainin sila ulit. Pero titingnan-tingnan ko pa rin sila paminsan-minsan.

"Hi everyone. Hi baby Angel." Bati ko sa kanila pagpasok ko palang. "Namiss nyo ba ako? Nandito ako para pakainin kayo. Nakapagbreakfast na ako kaya dapat kayo rin."

Pumunta ako sa lalagyan ng kanilang mga pagkain. Hiwa-hiwalay iyon at may mga sulat kung para saang isda ito ipapakain.

Pfft. This is the first time I saw a fish person. 'Yung iba kasi mga aso at pusa ang kadalasang gusto pero s'ya isda. Talagang kakaiba ang taong iyon sa lahat.

"Here baby. Sorry again about last time. I almost killed you. Mabuti naman masigla ka pa rin hanggang ngayon."

Nagpatak ako ng tatlong pellets na kinain naman n'ya lahat. Ang cute. Mas lalo ko tuloy nagugustuhang angkinin s'ya.

Nakawin ko nalang kaya ito kay Auxcel?

Sa gitna ng ginagawa, nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa at tiningnan kung anong meron. Isang message galing sa isang unknown na number pero nang mabasa ko ang nilalaman ng mensahe ay nalaman ko na agad kung sino ito.

From: 09*********

'Put one talisay leaf in an aquarium without fish.'

Nagtype ako ng isasagot.

To: 09*********

'Nasaan?'

Ilang segundo bago pa ito magreply. Para hindi na ako malito, nilagyan ko na ng pangalan ang number n'ya.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now