Chapter 42

35 8 0
                                    

Chapter 42: End

Yuna's Point of View

Nahuli ako sa step kaya naman muli kaming pinatigil ng choreographer at muli nanaman akong nakatanggap ng sermon mula sa kanya.

"Yueina! Ano na? kanina ka pang ganyan. Maawa ka naman sa mga kasama mo kanina pa silang napapagod kauulit ng dahil sa paulit-ulit mong pagkakamali."

Hindi ako sumagot dahil wala sa ayos ang lagay ng pakiramdam ko.

"Ahh sir. Ayos lang po kami tsaka masama po talaga ang pakiramdam ni Yuna kaya hindi s'ya masyadong makapagparticipate." Pinagtanggol ako ni Chloe ngunit hindi na nito tinolerate pa ang dahilang iyon.

"Masama? Nanaman? Hindi ako naniniwalang masama nanaman ang pakiramdam niya dahil halos mag-iisang buwan na tayong nagpapractice hindi pa rin nito makuha kung ano ang mga gagawin. Huwag ka nalang kayang umattend?"

Gusto kong umiyak sa mga oras na ito kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan iyon. Mas lalo lang akong mapapahiya kapag hindi ko ito pinigilan.

"P-Pasensya na po." Tanging nasabi ko.

"Puro ka nalang pasensya hindi ka naman marunong sumunod. Sige na balik sa pwesto. Napakadali nitong gagawin hindi tayo agad matapos-tapos. At ikaw Yuna." Tumingin ako sa kanya at kita ko talaga ang galit nito sa akin. "Isang beses pang hindi ka umayos, bumalik ka na sa bakasyon mo para magpakasaya at para hindi ka na dumagdag pa sa problema."

Mas gusto kong umiyak dahil sa sinabi niyang iyon. He doesn't know anything behind this condition of mine right now. Hindi niya alam na ang bagay na tinutukoy n'ya ay ang bagay na dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"That's enough sir." Umangat ang tingin ko kay Andrew na tumayo sa harapan ko habang nakatingin sa nagtuturo. Tanging likod n'ya lang ang kita ko dahil hindi siya sa akin nakaharap. "She will join the performance no matter what. Kayang-kaya ni Yuna ang lahat ng itinuturo nyo kahit sa loob lang ng isang araw kaya huwag na kayong masyadong mag-alala."

"Oo nga sir. Mas magiging malala lang ang sitwasyon kapag pinilit natin si Yuna kung hindi talaga s'ya okay. Madali lang naman itong gagawin namin kaya kayang-kaya namin itong lahat na matapos bago dumating ang araw ng awarding." Maging si Syme ay nagsalita rin.

Sobra akong naguguilty dahil pati sila nadadamay sa sarili kong problema. Kaya para maging patas naman ako sa kanila, isasantabi ko na muna ang pinagdaraanan ko ngayon at tsaka nalang ulit iisipin kapag tapos na ang lahat.

Balak na sanang magsalita ng aming tagapagturo pero hindi iyon natuloy dahil nagsalita na ako. "I am very sorry sir for the trouble. Sa inyo rin." Tumingin ako sa mga kasama ko then binalik din agad sa kanya ang tingin. "Makikipagparticipate na po ako ng maayos."

"Sigurado ka ba dito?"

Ngumiti ako at tumango kahit na pilit lang talaga ang ngiting iyon. "Yes sir. I promise."

Bumuntong hininga muna siya bago tumango-tango. "Fine. This will be our last practice for today. Magpahinga na kayo pagkatapos."

Inutusan na kami nitong bumalik sa pwesto. Huminga muna ako ng malalim para palakasin ang loob ko dahil nanghihina talaga ako.

"Sigurado ka bang kaya mo Yuna?" Halatang nag-aalalang tanong ni Jasmine na katabi ko.

Tumango ako kahit hindi sigurado kung kakayanin ko nga. Basta gagawin ko ang lahat para matapos na at makapagpahinga na silang lahat.

After ng practice, pagod akong lumupagi sa sahig. Hindi ako mabilis mapagod pero dahil wala ako sa sarili ngayon at pinilit ko lang gawin ang lahat, parang bibigay na agad ang katawan ko.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now