Chapter 16

34 9 0
                                    

Chapter 16: Drunk

Yuna's Point of View

Hindi ko inaasahan ang bigla n'yang paghila sa akin paharap at matapos noon ay isang yakap ang natanggap ko mula sa kanya. Literal na natigilan ako at bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa n'ya. Hindi ako makagalaw. Mabuti nalang at maingay ang paligid para hindi n'ya marinig ang malakas na tibok ng puso ko.

"I'm sorry." He suddenly apologized in a gentle voice. "You don't know how happy I am, Yueina. I'm just trying to hide it. Huwag mo nang isipin na nasayang ang lahat ng mga ginawa mo. Ikaw ang kauna-unahang taong gumawa ng ganito para sa akin at ang kauna-unahang taong nagpasaya sa akin ng ganito. Thank you, Yueina."

Waah! Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Kakaiba. Nakakaramdam ako ng sobra-sobrang saya na hindi ko mailabas. Nananatili lang akong nakatigil dahil hindi ko rin alam kung bakit. Palagi nalang s'ya ang dahilan ng mga kakaibang nararamdaman ko na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

What exactly are you doing to me huh Auxcel?

He pulled away and his hands on my face were the next thing I felt. "I'm sorry, okay? Huwag ka nang magtampo. I haven't seen and talked to you during your busy days kaya ngayong nandito ka na ulit, hindi ako papayag na hindi mo ako papansinin o kakausapin manlang."

"Auxcel..." Banggit ko sa pangalan n'ya habang nakatitig sa kanya. "Bakit ang gwapo mo?" Wala sa sariling tanong ko.

Natigilan ito at ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ko.

What the fuck Yuna? Anong katangahan ang nasa isip mo para itanong 'yon ha?! Nahihibang ka na ba?

Ayan. Nang ngumisi s'ya, nakaramdam ako ng hiya. Namumula na yata ang muka ko. Alam ko namang gwapo s'ya talaga pero hindi naman kailangang sabihin ko pa iyon sa kanya. Ang tanga ko lang talaga dahil hindi ko kayang kontrolin ang sarili kong bibig.

"Ang galing mo."

O___O

Alam nyo, sa lahat ng mga pumuri sa akin, itong kanya ang pinaka nakapagpasaya sa akin kahit normal na papuri lang naman iyon. Pakiramdam ko ang galing ko nga dahil sa kanya mismo nanggaling.

"Thanks. Uhm...ano, a-ayos na. Uh...tara? Sali tayo sa kanila?" Pinilit kong huwag mautal pero nauutal pa rin ako.

Kailangan ko nang umalis sa harapan n'ya. Hindi ko na kinakaya pa itong kakaibang nararamdaman ko.

Inalis na n'ya ang mga kamay sa muka ko at inihawak naman ang isa sa aking kanang kamay. "Okay."

KASAMA namin sina Avril at Lui habang nag-iinom. Nandito pa rin kami sa event na hindi pa tapos. May kumakanta sa stage habang kami ay panay ang inuman at kwentuhan. Napadami na yata ang inom ko dahil medyo naliliyo na ako.

"That's enough." Auxcel took the glass I was holding but I took it back again.

"Tsk. 'Wag mo akong pigilan. Ngayon lang namang gabi ako iinom."

"Oo nga Auxcel. Hayaan mo s'yang mag-enjoy. Kapag nalasing, ihatid mo nalang." Buti pa itong si Ash kampi sa akin.

Wala nang nagawa si Auxcel kaya nagpatuloy ako sa pag-iinom hanggang sa mas lalo akong nahilo.

"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend Yuna?"

Naliliyo akong humarap kay Lui. "Yep!" Napasinok ako. "Isa lang."

"Talaga? Bakit kayo naghiwalay?" Tanong naman ni Mylze.

"Eh kasi...manloloko s'ya. Pinagpalit ako sa pangit."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now