Chapter 32

42 9 0
                                    

Chapter 32: Mylze's Birthday

Yuna's Point of View

Tinayo ko si Mylze na natumba dahil sa sobrang kaantukan. Malala pala ito kapag napupuyat buti hindi ako ganito.

Matapos naming mag-ayos ng kwarto at ng sarili, lumabas na kami at pumunta sa kusina dahil magluluto pa kami. Handa na doon ang mga lulutuin kaya pagluluto nalang ang aming po-problemahin.

Tumutulong-tulong ako minsan pero s'ya ang pinaka nag-aasikaso. Wow ah. Pasok na s'ya sa pagiging ideal girl. Maganda na, mabait na, marunong pang magluto.

"Mmm. Masarap. Ang galing mo." Sambit ko matapos tikman ang niluluto n'yang ginataan.

Marami s'yang niluto. May boiled, ginataan, sinigang na hipon, 'yung may butter at kung anu-ano pa. Nang matapos kami ay niyaya na n'ya akong magbihis ng panligo. Huwag na daw kaming maligo dahil liligo naman daw kami mamaya. Natapos kasi kami ay 10 am na ito namang kasama ko gusto nang magpalit kasi gusto magcelebrate ng maaga para magtagal kami sa beach.

"Happy birthday sweetie." Hinalikan s'ya ng kanyang ina sa pisngi at maging ng kanyang ama.

"Thank you po. Maiwan na po namin kayo."

"Okay. Mag-iingat kayo." Paalala ng Daddy n'ya.

Nakaitim na kimono ako for swimming na mahaba tapos tinali ko para matakpan ang damit kong panloob mamaya ko nalang aalisin.

He hired people to prepare food and things on the beach. Pagkarating namin, nadatnan namin sila. Nakakimono rin si Mylze kasi mamaya pa naman kami liligo. Balak pa namin s'yang kantahan ng Happy Birthday.

"Happy Birthday Mylze!" Bati sa kanya ni Tiffany at agad s'yang niyakap.

"Nasaan sina Ash?" Tanong n'ya at sakto namang may tumawag sa kanya.

"Mylze! Happy Birthday!"

Sabay-sabay kaming tumingin kay Ash na naglalakad palapit sa amin pero hindi n'ya kasama si Auxcel. Nasaan kaya 'yun?

"Yow! Akala ko hindi ka pupunta." Nagyakap sila.

"Pwede ba 'yon?"

"Si Auxcel? Bakit hindi mo kasama?"

"May inaasikaso lang saglit. Kasama ko sina Avril kanina kaso nagpapalit pa si Avril at may dinaanan pa si Lui."

Ah...kasama pala sina Avril at Lui. Ayos para mas marami, mas masaya.

"Si kuya Jack nasaan?" Tanong ko naman nang mapansing wala s'ya.

"Susunod nalang daw nasa trabaho pa kasi." Tugon ni Trisha.

"Okay--ay oo nga pala. Wait lang Mylze babalik lang ako sa hotel kukunin ko ang regalo ko sa 'yo." Paalam ko sa kanya.

"Eh? May regalo ka?"

"Syempre naman."

"Tara. Sasamahan na kita." Presinta ni Ash.

Sabay kaming nagpunta sa hotel. Kukunin ko rin ang mga gagamitin ko doon like sunglasses, towel or bathrobe, sunblock etcetera.

"Hintayin mo nalang ako dito." Sabi ko sa kanya tsaka s'ya iniwan sa labas ng hotel.

Pagkarating ko, inilagay ko sa isang paper bag ang mga kailangan ko bago kinuha ang paper bag na maliit dahil nandoon ang regalo ko kay Mylze na isang bracelet. Lumabas ako at bumaba na. Nadatnan ko naman si Ash na nandito pa rin kaya paglapit ko sa kanya, niyaya ko na s'yang bumalik.

"Tara na."

Lumakad kami pabalik na sana kaso aksidente akong napatingin sa isang tao na nakatayo at nakatalikod sa may gilid ng swimming pool.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now