Chapter 25

36 10 0
                                    

Chapter 25: Makulit

Yuna's Point of View

Ugh! Napakamalas ko agang-aga! Nandito lang naman ako sa cr habang hindi makalabas kasi bigla nalang akong dinatnan at kamalas-malasang wala na akong napkin. Bwisit naman oh! Ano nang gagawin ko?

*Door Bells

Anak ng putcha. May tao pa. Nakakainis! Tumayo ako sa bowl tsaka kinuha ang towel ko at iyon ang ibinalot sa ibabang bahagi ng katawan ko bago lumabas para pagbuksan ang tao. Nagdoor bell itong muli dahil akala yata ay hindi ko naririnig.

Binuksan ko ang pinto pero hindi sobrang bukas. Kinawang ko lang iyon ng kaunti at tsaka sinilip ang nasa labas na si Auxcel pala. Mukang papasok na.

"A-Auxcel. Ikaw pala."

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "What are you doing?"

"Uh...I-I have my menstruation period and I have no pads left. Hindi ko alam ang gagawin ko Auxcel huhu tulungan mo ako."

No choice na ako kundi ang humingi ng tulong sa kanya dahil ayokong lumabas ng walang suot na ganon.

"Okay. Hintayin mo ako dito."

"Oh my gosh Salamat. Pakibilisan dinudugo na ako."

Umalis na siya habang ako ay sa banyo naghintay.

Nakalimutan ko na malapit na nga pala akong datnan hindi ko agad naisip na bumili ng napkin. Nakakainis talaga. Buti nalang dumadaan dito si Auxcel para makahingi ako ng tulong.

Naghintay pa ako ng mahabang minuto bago muling tumunog ang door bell kaya muli kong ipinalibot sa akin ang towel ko at lumabas para pagbuksan si Auxcel. Nilakihan ko na ang bukas ng pinto para makapasok s'ya and then inabot n'ya sa akin ang isang plastic na maraming napkin kaya gulat ko iyong kinuha.

"Ang dami naman nito?"

"Hindi ko alam kung ano ang ginagamit mo kaya binili ko na lahat ng brand."

Napatango-tango ako. "Sige salamat. Hintayin mo muna ako dito maglalagay lang ako nito."

Pumasok na ulit ako sa banyo para magpalit pero parang gusto kong mapasigaw sa inis dahil nalimutan kong kunin ang underwear ko sa labas. King-inang buhay 'to. Napakamalas ko.

I opened the door and peeked to see where it was and there, I saw it on top of the bed and since Auxcel was standing next to it, I called him.

"Psst Auxcel!" Tumingin naman ito sa akin. Tinuro ko ang underwear ko. "Paabot ako nung panty ko bilis nakalimutan ko lang kunin."

"What?" Tumingin s'ya doon tapos sa akin ulit. "Are you serious?"

"Tsk! Oo akin na bilis para makalabas na ako dito."

Bumuntong hininga ito at umiling bago kinuha ang aking underwear at hindi nakatingin sa akin habang inaabot.

"Here."

"Thank you!" Mabilis ko iyong kinuha sa kanya at sinara na muli ang pinto ng banyo.

Matapos ang kaunting minuto ay lumabas na ako. Nadatnan ko naman s'yang nasa harapan ng lamesa na may mga pagkain na.

"Ayos ka na?" Tanong n'ya.

"Yes. Salamat. Kung hindi dahil sa 'yo hindi ako makakalabas ng banyo. Nakalimutan ko kasing bumili---teka." Lumapit ako sa kanya nang mapansin ko ang gauze pad sa kanyang muka. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit may ganito ka?"

Hinawakan ko ang kanyang muka at inangat upang matingnan ng ayos ang sugat n'ya na mukang malaki yata kahit na natatakpan ng gasa.

"It's nothing."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now