Chapter 26

32 9 0
                                    

Chapter 26: Yueina

Yuna's Point of View

At ano naman ang ginagawa ng babaeng ito dito? Gusto nanaman yata ng away.

"What a sweet fake couple." Sabi pa nito.

"Ano nanaman ba ang kailangan mo?"

"Well..." Nilagay nito ang mga kamay sa bewang tsaka nakangiting tumingin sa amin. "Nandito lang naman ako para sabihin sa inyo na alam ko na ang sekreto nyong dalawa."

Agad na nagsalubong ang kilay ko. "Nababaliw ka nanaman."

"Ikaw ang baliw. Nagpanggap ka pa talagang girlfriend ni Auxcel para tigilan ko s'ya huh? Nice napabilib mo ako."

Agad akong nagulat. "P-Paano mo..."

"Nalaman? Hindi na mahalaga. Akala nyo maiisahan nyo ako? Ikaw Yueina." Tumingin siya sa akin. "Akala mo maiisahan mo ako sa walang kwenta mong plano? Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo maaagaw sa akin si Auxcel kaya huwag ka nang magpanggap pa na girlfriend n'ya dahil hindi na ako maniniwala."

"You can't take me away from her because from the very beginning, you know you can't have me." Sumingit na si Auxcel.

Teka. Paano n'ya ba nalaman? Wala naman akong pinagsabihang iba kundi ang mga kaibigan ko lang---teka. Hindi kaya...hindi kaya isa sa kanila ang nagsabi kay Keziah? Sana naman wala. Alam kong mapagkakatiwalaan sila.

"Kaya nga ginagawa ko ang lahat para mapunta ka sa akin pero mas lalo kang lumalayo dahil sa bwisit na babaeng 'yan." Dinuro n'ya ako.

Agad naman akong hinila ni Auxcel patungo sa kanyang likod. "Kung ayaw mo akong tigilan, wala na akong pakialam. Pero ang huwag na huwag mong gagawin ay ang saktan si Yueina dahil may kalalagyan ka agad."

Hindi agad nakaimik si Keziah habang parang nagpipigil ng galit. Ngunit parang nakitaan ko rin siya ng takot na pilit niyang hindi ipinapakita.

I don't know but she laughed obviously in a forced way. "Still pretending to be a couple huh? Tama na. Itigil nyo na ito dahil masyado nang bulok ang strategy nyo para mapaniwala nyo pa ako."

Tss. Oo nalaman n'ya ang totoo pero syempre hindi ako papayag na hanggang doon nalang 'yon kaya muli akong nakaisip ng paraan.

Lumakad ako papunta sa tabi ni Auxcel at sinalubong ang kanyang mataray na tingin. "Nakita at narinig mo naman siguro kami kanina hindi ba? Hindi namin alam na nasa malapit ka pala kaya doon palang alam mo nang hindi kami nagpapanggap dahil kami lang namang dalawa ang nandito. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"

"Huwag mo na akong paikutin. Kahit anong gawin at sabihin mo, alam ko na ang totoo kaya wala ka nang magagawa." Tumingin ito kay Auxcel. "Mapapasakin ka rin. Pinapangako ko 'yan." Sabay ngisi kaya nakaramdam ako ng matinding galit.

"You fucking bitch---" Aktong susugod ako sa kanya nang hilahin ako pabalik ni Auxcel.

"Yueina." He reprimanded with authority.

"Ipapakita ko sa kanya kung ano ang dapat gawin sa kanya para tumigil na s'ya sa kalandian. Hoy Keziah." Umuna ako ng kaunti kay Auxcel para harapin s'yang muli. "Eto ang tatandaan mo. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko s'ya ibibigay sa 'yo."

"At bakit? Ano'ng magagawa mo eh aalis ka rin naman?"

Doon ako natigilan. I almost forgot! Aalis nga pala ako. Maiiwan ko si Auxcel at kapag nangyari 'yon, hindi na ako makakagawa pa ng paraan para mapigilan ang babaeng ito. Pero hindi naman mangyayari ang kinatatakutan ko kung...

"Kahit umalis si Yueina dito, hihintayin ko s'ya kahit gaano pa katagal."

Napatingin ako kay Auxcel sa sinabi n'ya. Seryoso itong nakatingin kay Keziah at talagang hindi mo s'ya makikitaan ng pagbibiro. Dahil sa sinabi n'yang iyon, parang nadudurog ang puso ko.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now