Chapter 13

37 10 0
                                    

Chapter 13: Practice

Yuna's Point of View

6 days straight kong hindi nakita si Auxcel. Pang 6 ang araw ngayon. Wala eh. Busy ako sa pagpapractice. Nakakasundo ko na nga itong mga kasamahan ko kasi araw-araw ko silang nakakasama. Sa isang building malayo sa beach kami nagpapractice at umuuwi lang ako kapag gabi. Nagpapahatid ako kay Lui. Ang isa sa kasamahan ko dito na nakaclose ko na. Hapon na kaya naman kaunting oras ay uuwi na ulit ako.

Our main practice is not just dancing. Pati ang aming i-peperform na kanta. Sayaw at kanta lang naman ang gagawin ko kasi hindi ako marunong umarte. Pero sa performance namin sa kanta, ako lang ang gitarista dahil ang kakantahin ko ay ang kanta na para kay Auxcel lang.

"Game! Final dance!" Sigaw ng choreographer namin.

Umalis na muna ako sa dance floor dahil hindi pa naman ako sasayaw. Pahuli pa ako.

"Galingan nyo ha? Last practice na ito. Ibigay nyo ang best nyo at isipin na nagpeperform na kayo. Game ready!"

He played on the speaker 'Do it again' by Pia Mia ft. Chris Brown.

Sa unang verse ay si Lui muna. Nakatayo lang ako habang pinapanood s'yang magsayaw sa harapan ng malaking salamin sa unahan. Hindi pa naman masyadong mahirap ang sayaw n'ya kasi verse 1 palang. And then sa part ni Pia, doon na pumasok sa dance floor si Avril.

"♬♬Hey, boy, when I first met you. Thought it was special. I told you that... Hey, boy, up at Two Lover's Point, when I kissed you I meant it♬♬"

Ang galing n'ya sumayaw. Ang astig ng galaw n'ya. Medyo may kahirapan itong choreography namin pero kinaya ko naman. I mean namin.

"♬♬It was nice to, nice to know ya, let's do it again. How we did it on a one night stand. Boy, I wanna be more than a friend to ya. Nice to, nice to know ya, let's do it again. How we did it on a one night stand. Boy, I wanna be more than a friend to ya. Let's do it again.♬♬"

I enjoyed watching him until he finished and Lui took over next because Chris Brown was now singing. Pinanood ko s'yang sumayaw hanggang sa matapos ang verse n'ya then sa chorus ay nagsabay na sila ni Avril kasama ang ibang backup dancers. At nang bridge part na, doon na ako umenter sa dance floor.

"♬♬I wanna go back (one more time)
Wanna go back (let's do it again)
Can we go back (can you take me, baby) Boy, can we go back...♬♬"

Sa part na ito ay gumagawa lang ako ng sarili kong step pero nang inulit 'yung bridge, ang tinuro na sa akin ng choreographer ang sinayaw ko. I felt comfortable dancing because I was wearing leggings and a long white t-shirt. Nang malapit na ang last chorus, pumasok na itong dalawa sa magkabila ko. Nasa likod sila pareho habang ako ang nasa unahan at gitna tapos kasama na rin namin ang lahat ng aming mga backup dancers.

Sabay-sabay na kaming sumayaw sa chorus. Mas nagiging confident ako kapag nakikita ko ang mga galaw namin ng maayos. It's satisfying.

"♬♬How we did it on a one night stand. Boy, I wanna be more than a friend to ya. Let's do it again.♬♬"

Sa unang part ng outro ay sumayaw kami ng sabay-sabay pero nung pahuli na ay hindi na namin itinuloy ang sayaw dahil hanggang doon nalang naman. Hinihingal akong lumupagi sa sahig maging ang iba habang ang choreographer namin ay tuwang-tuwang pumapalakpak.

"Nice! Nice! I love it! Ang ganda! Magpahinga na kayo. Kailangan nyo ng energy para bukas."

Humiga ako sa sahig dahil sa pagod sakto namang lapit ng dalawa at umupo sa magkabila ko.

"Oh tubig."

Kinuha ko ang inabot na tubig ni Lui tsaka umupo para uminom. "Salamat."

"Ang galing mo talagang sumayaw. Ikaw ang nangingibabaw sa atin."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now