Chapter 27

29 10 0
                                    

Chapter 27: Kidnapped

Ash's Point of View

Kasama ko si Auxcel ngayon. Kakauwi ko lang kanina at nadatnan ko s'yang balisa. Tinanong ko pero ang sabi sa akin ay nawawala daw si Yuna kaya pati ako kinabahan. Nakapunta na s'ya kanina sa hotel room n'ya at kina Mylze pero wala s'ya doon at hindi naman daw s'ya nakikita nina Bianca. Ngayon, ang huling pinuntahan namin ay ang kanyang kubo. Nadatnan namin iyong bukas kaya inakala naming nasa loob si Yuna pero hindi. Dahil ang nadatnan namin ay ang bagay na labis na nakapagpakaba at alala sa akin. Lalung-lalo na kay Auxcel.

May patak ng dugo sa sahig at kaunting talsik sa isa sa mga aquarium na nandito. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Malakas ang kutob ko na kay Yuna ito dahil s'ya lang naman ang maaaring makapasok dito. Hindi lang iyon dahil napansin ko rin ang isang susi sa lupa. Kinuha ko ito at tiningnan. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito 'yung susi na ibinigay ni Auxcel sa kanya.

"Auxcel." Humarap ako sa kanya. "Ito ang susi na ibinigay mo kay Yuna---"

Nagulat ako sa mabilis niyang paghablot sa kwelyo ko. "I told you to keep your eyes on her. Now, where the hell is she?"

I immediately felt his anger. "I-I'm sorry. Nagpaalam ako sa kanya kanina na aalis ako. Alam mo naman na hindi pwedeng hindi ako aalis 'di ba? Sinabi n'yang uuwi s'ya at hihintayin ka kaya nakampante ako."

"Sana inihatid mo manlang s'ya sa hotel." Kalmado s'yang magsalita pero nababakas ko talaga ang itinatago n'yang galit sa akin.

Shit. Dapat nga hinatid ko manlang s'ya. Kasalanan ko nga. Bwisit.

"I'm sorry Auxcel. Hindi ko sinasadyang pabayaan si Yuna."

Galit n'yang binitawan ang kwelyo ko at kinuha ang susi sa aking kamay. "Go check the footage. I'll find her."

Sobra akong naguguilty. Base palang sa mga dugong nakita namin, alam na agad na may masamang nangyari sa kanya. Pati ako nag-aalala ng sobra. I want to find her. My conscience won't handle it if something bad happens to her.

Umalis na ako at pumunta sa security room para tingnan ang footage gaya ng sinabi ni Auxcel. S'ya naman ay naiwan dahil balak n'yang hanapin si Yuna kahit na hindi n'ya alam kung saan. Noong nasaksak nga lang s'ya sobra na itong nag-alala ngayon kayang mukang mas malala pa? Tanga-tanga ko kasi. Hindi ko inaayos ang pagbabantay.

Nang makarating ako, pinaalis ko ang taong nagbabantay para ako ang tumingin sa nangyari. Simula ng nangyari kay Yueina, nadagdagan ang security ng resort kaya malalaman at malalaman namin kung ano ang nangyari.

"Leave." Simpleng utos ko na agad nitong sinunod.

Ako ang nag-asikaso nito at tiningnan lahat ng screen. Mga bandang ala una ng hapon, nakita ko si Yuna na naglalakad na pauwi. Sa kabila naman, nakita ko s'yang papunta sa kubo. Tiningnan ko iyong maigi hanggang sa pumasok si Yuna sa loob pero agad akong nagulat nang biglang nag-iba ang pwesto ng camera. Iniskip ko iyon at nakitang ayos na ulit. Nasa kubo na ulit at wala nang lumabas pang tao mula doon. Ibig sabihin, may tao ngang nasa likod ng lahat ng ito dahil halatang pinagplanuhan.

Inis na nahampas ko ang table. "I'm doomed. Fuck this shit."

Napaupo ako at napahilamos ng muka. Mas matindi itong nangyari ngayon kesa nung una dahil ngayon, wala kaming ideya kung nasaan s'ya, kung ano na ang nangyari sa kanya at kung sino ang kumuha sa kanya. Maaaring ang kumuha sa kanya ay ang taong sumaksak sa kanya pero mahirap pa rin dahil hindi namin ito kilala.

"The hell am I gonna do?"

Yuna's Point of View

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now