Chapter 28

48 10 0
                                    

Chapter 28: Love

Yuna's Point of View

Napapikit ako sa kaba. Hindi ako makalingon dahil alam ko na kung anong meron sa likod ko. Mahigpit kong hinawakan ang kutsilyong hawak ko lalung-lalo na noong dumating ang kanyang mga tauhan at pinalibutan ako.

"Akala mo matatakasan mo ako? Pinahirapan mo lang ang sarili mo. Pati kami pinahirapan mo."

Wala na akong takas. Isang maling galaw ko lang ay mamamatay ako. Hanggang dito nalang ba talaga ako? Gusto ko muna s'yang makita bago mangyari 'yon. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.

Ayoko pang mamatay pero iyon ang mangyayari sa akin ngayon kaya wala akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat. I tried my best to survive but I still failed at the end.

Why is this happening to me? Bakit sa dinami-dami, ako pa?

Wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit. Parang sinasadya ng tadhana na mangyari ang mga bagay na ito sa akin. Gusto kong umiyak pero walang luha ang bumabagsak mula sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw pero wala akong boses para gawin 'yon. Wala akong ibang kayang gawin ngayon kundi ang sumuko.

"Auxcel please...let me see you." Bulong ko sa sarili.

Kahit s'ya nalang ang makita ko ayos na ako. Alam kong imposible pero patuloy akong humihiling hangga't hindi pa dumidilim ang paningin ko.

Ikaw lang ang gusto kong makita sa mga oras na ito. Please Auxcel...let me see you.

"Sumama ka sa akin."

Sa halip na lumingon para sumama sa kanya, nagsimula akong humakbang paalis. Kung mamamatay lang din ako, ngayon na. Ayokong sumama sa kanya dahil pahihirapan n'ya lang ako.

"Talagang makulit ka ah? Sumama ka sabi sa akin."

Naramdaman kong humakbang siya palapit sa akin pero wala na akong lakas pa para tumakbo paalis kaya tumigil nalang ako at hinayaan ang lahat pero ang pangyayari ay mabilis na nagbago dahil sa isang iglap, may narinig akong putok ng baril galing sa kung saan kaya napapikit ako. Hindi iyon sa akin tumama kaya mabilis na iminulat ko ang mga mata tsaka lumingon at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita.

Ang kumidnap sa akin. Nakahiga na ngayon sa lupa habang kitang-kita pa ang ulo n'yang nabutas dahil doon tumama ang sa tingin kong bala ng narinig kong putok ng baril kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko at napaatras sa gulat.

Ano'ng nangyayari?

"Yueina!"

I was even more surprised by the voice I heard in my right direction and I really wanted to cry when I saw who it was.

Am I dreaming? Am I still alive? Bakit nandito s'ya? Imposible...p-paano?

"Umalis na tayo dito!"

Narinig ko ang sigaw ng isa sa mga kalaban na nandito at alam kong tumakbo sila palayo ngunit ang mga mata ko ay nananatili kay Auxcel na halata sa muka ang galit. Nawala lang sa kanya ang paningin ko nang muli akong nakarinig ng mga putok ng baril mula naman sa kabilang direksyon ko. At doon ko naman nakita si Ash na s'yang pumatay sa mga lalaking tatakas sana.

"Yuna!"

Kita ko ang pag-aalala sa muka n'ya matapos akong makita ngunit ibinalik ko lang ulit kay Auxcel ang tingin ko na ngayon ay lumalapit na sa akin. Hindi agad ako makapagreact sa gulat pero nang mapagtanto ko na hindi talaga ito isang panaginip, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now