Chapter 3

28 9 0
                                    

Chapter 3: Party

Yuna's Point of View

Ang maiwan dito sa bahay kasama ang asungot ay isang napakalalang bangungot kahit dilat pa ang mga mata ko.

Okay lang 'yan Yuna. Aalis ka na naman bukas. Ilang araw mong hindi s'ya makikita kaya dapat happy ka okay?

Tulad nalang ngayon. Itong si Andrew ayaw ibigay ang painting na bigay nung fan ko sa akin.

"Akin na sabi Andrew!" Pilit ko iyong inaabot sa kanya pero masyado s'yang matangkad para maabot ko iyon.

Kanina pa kami dito sa kwarto ko. Pa'no, bigla-bigla nalang s'yang pumasok dito para hiramin ang gitara ko dahil nasira daw ang string ng kanya tapos nang makita ang painting ko bigla nalang kinuha.

"You should throw this trash."

"Trash your face. Ibigay mo na 'yan sa akin at lumayas ka na!"

Tumuntong ako sa kama para maabot iyon pero ang siraulo nilipat naman sa kabila n'yang kamay.

"Andrew please. Give it back."

"Ayoko."

Pabagsak akong umupo sa kama. "Fine. Bahala ka na sa buhay mo."

Nakakapagod makipagtalo sa kanya ako lang din naman ang natatalo sa huli.

"Okay. I'm gonna throw this for you."

Nagulat ako sa paghakbang niya paalis. Talagang seryoso s'ya sa pagtapon niyon.

"Andrew, wait!"

Mabilis akong tumayo at hinabol s'ya. Before he could go out the door, I pulled him back and to make sure na mahuhuli ko na siya, isang paraan ang pumasok sa isip ko.

Hinila ko si Andrew ng malakas pabalik at basta nalang itinulak pahiga sa kama ko. Bago pa siya makatayo ay mabilis akong pumwesto sa ibabaw n'ya at mabilis na kinuha ang painting sa kanyang kamay.

"And what do you think you're doing?"

Tumingin ako sa kanya. "Doing the way to stop your stupidity."

I saw his meaningful smirk. "Okay fine. Hindi ko na itatapon so let me go."

"Why would I believe you?"

"Are you planning to lock me here hanggang sa maniwala ka?" Hindi ako umimik. "Yuna, you should let me go now. Huwag mong intayin na ipalit kita sa posisyon ko dahil hindi ka makakaasang pakakawalan kita."

Sa sinabi n'ya, doon ako nagdesisyong umalis sa kanyang ibabaw. Natatawa naman itong umupo.

"Gago ka. Lumayas ka na sa kwarto ko at huwag na huwag ka na ulit papasok dahil hindi ka na makakalabas ng buhay."

Tumayo na siya at inayos ang damit. "Okay. See you later."

Ngumiti pa ito bago tuluyang nilisan ang kwarto ko. Naiwan naman akong nakaawang ang bibig at hindi makapaniwala sa inasta n'ya.

I wanna bury him alive damn it.

Ibinalik ko na ulit ang painting sa tabi ng kama ko at tinawagan si Syme.

"[Hello Yuna! Napatawag ka?]"

"Gusto mo bang hindi kita ibili ng kape? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin bago umalis ha?" inis kong bungad sa kanya.

"[Haha! Sorry na. Ang sarap kasi ng tulog mo kanina ayaw ka naming istorbohin.]"

"Eh nasaan na ba kayo?"

"[Pasakay pa lang ng eroplano.]"

"S'ya sige na. Mag-iingat kayo."

[Okie! Papasalubungan kita.]

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now