Chapter 30

36 10 0
                                    

Chapter 30: Ube Cake

Yuna's Point of View

Umupo ako sa kama at binuksan ang laptop para tawagan si Chloe. Nagdesisyon akong makipag video call sa kanya dahil kailangan ko s'yang i-update sa mga nangyayari sa akin.

"Hi Amor! I miss you!" Agad na bati n'ya.

"Oh teka. Nasaan ka?" Tanong ko matapos mapansing parang nasa galaan s'ya.

"Nasa labas gumagala." Pinakita nito ang paligid.

"Si Tracy nasaan?"

"Umalis may bibilhin lang daw---teka...anong nangyari sa 'yo? Bakit may gasa ka sa ulo?"

Ang bilis ah? Napansin agad.

"Ano...kasi..."

Tinaasan ako nito ng isang kilay. "Huwag kang magsisinungaling sa akin ah? Magsabi ka ng totoo."

Pinalobo ko ang pisngi ko tsaka tumango. "Okay, okay. I'll tell you."

Bumuntong hininga muna ako bago kinuwento sa kanya lahat mula sa pagkausap ko sa kumidnap sa akin hanggang sa pagdating nina Auxcel. Hindi ko nga masyadong makwento kasi ang dami n'yang reaksyon. Kaibigan ko s'ya eh kaya ayokong magsikreto sa kanya. Pero hindi ko nalang sasabihin pa ang part na nasaksak ako dati. Iyon nalang ang tanging ililihim ko dahil matagal nanaman iyong tapos.

"What?! Oh my---you should report this to the police!" Nag-aalala n'yang sabi.

"Hindi na kailangan. Napatay na ni Auxcel 'yung lalaki."

"Tsk. Yueina naman. Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Pinagsabihan ka na pala nung kaibigan ni Auxcel hindi ka pa nakinig. Paano kung hindi ka nakatakas? Or paano kung hindi ka nila nakita ha? Patay ka na sana ngayon."

Ramdam ko ang pag-aalala n'ya sa akin. Hindi ko s'ya masisisi dahil sobra talagang lala ng nangyari sa akin. Kung ibang tao lang ako baka hindi na ako makatulog sa sobrang trauma. Ewan ko pero hindi naman ako natrauma ng husto. Natakot lang pero alam ko namang magiging maayos din ang lahat.

"I know Chloe. I'm sorry."

"Sobra-sobra akong nag-aalala sa 'yo. Umalis ka na hindi ka na ligtas sa lugar na 'yan. Hindi ko sasabihin sa kahit na kanino ang nangyari sa 'yo pero gusto kong umalis ka na d'yan as soon as possible! Kung kinakailangang umuwi ako at sunduin ka ay gagawin ko."

"Chloe relax--"

"Paano ako magrerelax matapos kong malaman ang nangyari sa 'yo ha? Umalis ka na d'yan Yuna please bago pa masundan ng mas malala pa."

"I can't just leave."

"Ano?! At bakit? Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang nangyari? Hindi ka pa rin ba nadadala?"

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now