Chapter 38

57 8 0
                                    

Chapter 38: Love at first sight

Chloe's Point of View

Inabot na ako ng hapon sa pakikipag chikahan dito sa mga kaibigan ni Yuna. Napasarap 'yung kwentuhan namin kaya hindi ko na namalayan ang oras.

"Sige na guys mukang hindi na babalik dito si Yuna. Mauna na ako." Tumayo na ako.

"Okay! Nice to meet you again. Balik kayo dito ni Yuna ah?"

Ngumiti ako at tumango kay Bianca.

No wonder kung bakit sila naging kaibigan ni Amor. Mabait sila at palakaibigan kaya maging ako ay gumaan ang loob sa kanila.

"Oo naman. Kapag bumalik s'ya, sasama ako."

"Bye Chloe. See you next time." Paalam na rin ni Mylze.

Among them, itong si Mylze ang pinaka nagustuhan ko. Medyo hawig ko kasi s'ya ng personality at iyon talaga ang gusto ko sa isang kaibigan. 'Yung handa akong sabayan sa mga kalokohan ko. Favorite ko naman si Yuna pero iba pa rin kapag may ka-vibes kang kaibigan tsaka si Syme naman ang ka-vibes ni Yuna dahil pareho silang sira-ulo.

"Bye. See yah."

Kumaway na kami sa isa't isa and then I left.

Muli kong dinanas ang hirap ng paglalakad sa buhangin. Ayoko kasing magyapak dahil natatakot ako sa kung anong pwedeng mayapakan dito. Dapat pala nagdala ako ng extra sapin sa paa sayang.

"Ugh. Bakit ba kasi dito ako dumadaan?"

Huli na bago ko pa marealize na meron nga palang daan sa tabi na walang buhangin. Nagpapakahirap ako dito pwede naman palang doon dumaan.

Iika-ika akong naglakad papunta doon dahil lumulubog ang takong ko sa lalim ng buhangin. As soon as I got close, I unfortunately stepped on a protruding rock kaya naman na out of balance ako at tumumba sa buhangin.

"Ouch."  Daing ko habang nakahawak sa paa na nasaktan mula sa pagkakatapilok.

Pinagpagan ko ang buhok ko na nalagyan ng buhangin pati na ang aking dibdib dahil nakasuot lang ako ng tube top. I tried to stand but shit. I can't. Masyadong masakit ang paa ko. Mukang nabalian pa yata ako.

Kinapa ko ang bulsa ng shorts ko para sana kunin ang cellphone ko at tawagan si Yuna ngunit nasapo ko ang aking noo nang mapagtantong naiwan ko pala iyon sa hotel.

"A-Aw...I can't stand up kainis."

Kahit hindi ko kaya ay pinilit ko pa rin na tumayo dahil hindi naman pwedeng dito nalang ako hanggang gumabi.

"Excuse me?"

A man's voice suddenly appeared behind me so I breathed a sigh of relief. I can finally ask for help.

"Need some help?"

"Yes please. Hindi ko lang talaga kayang tumayo."

Pumunta siya sa harapan ko at inilahad ang kamay sa akin. "Come here. I'll help you."

Ako naman ay nag-angat ng tingin sa kanya at talaga namang nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Humara s'ya sa liwanag ng sinag ng araw kaya mas nakita ko ang kanyang muka. Literal na napanganga ako dahil oh my gosh!

ANG GWAPO!

"Miss?"

Natauhan lang ako sa kanyang muling pagsasalita.

"I'm Chloe." Kusa kong pagpapakilala at inabot ang kanyang kamay hindi para magpatulong. Kundi para makipag handshake.

Nagsalubong naman ang kilay nito habang natatawa. "Glad to know."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now