Chapter 6

54 9 0
                                    

Chapter 6: Key

Yuna's Point of View

"Aaah!"

Napatili ako sa gulat dahil sa boses na bigla nalang sumulpot sa likuran ko at dahil doon, aksidente kong nadagil 'yung aquarium kung nasaan si Angel kaya mas lalo akong napatili dahil ng nabasag na tunog.

"Oh my gosh Angel! I'm sorry! I'm sorry!"

Dali-dali kong kinuha si Angel na hindi makahinga sa sahig kaya naman nataranta ako. Hindi ko s'ya makuha agad dahil ang dulas ng katawan n'ya pero bago pa naman ito mamatay ay nakuha ko na s'ya at dali-daling inilagay sa isa pang aquarium na may kapareho n'yang uri.

"Whoo! That was close."

Ngunit muli akong nataranta nang makitang nag-aaway 'yung dalawang isda.

"Hala! Hala bakit?! Stop it, you're both fish, don't fight!"

Talagang ayaw pa rin nila tumigil. Baka mamatay si Angel huhu mas malakas 'yung isa.

Lumapit na ako sa lalaking dahilan ng lahat at hinila s'ya.

"Gawan mo ng paraan dali baka mamatay si Angel! Ang ganda-ganda n'ya ayoko s'yang mamatay!" Patuloy kong hinihila ang kanyang braso.

"Tsk."

Kumuha ito ng isang fishnet at lumapit sa aquarium kung nasaan ang puting betta at maingat iyong kinuha tsaka inilagay sa isa pang aquarium na betta fish din ang nakalagay pero hindi na s'ya inaaway.

I felt relief again. "Bakit ka naman kasi nanggugulat?"

Humarap ako sa isang lalaki na nagsalita kanina kaya ako nagulat pero tiningnan n'ya ako ng nakakunot ang noo.

"What are you doing here?" Seryoso nitong tanong.

Hala. S'ya yata ang may-ari nito. Patay.

"I-Ikaw ba ang may-ari nito?"

He didn't answer. His grumpy face just remained fixed on me.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang pumasok. Nacurious lang ako kaya...ayun. P-Pasensya na rin kung nabasag ko iyong isa. Promise hindi na ako papasok dito natuwa lang ako sa mga isda mo kaya hindi ako nakaalis agad---"

"Leave."

Natigilan ako sa utos n'ya. Natakot tuloy ako. Feeling ko kayang-kaya n'ya akong sapakin ngayon mismo.

Tumikhim ako at yumuko. "Okay. Pasensya na ulit."

Humakbang ako ng paunti-unti habang lumalampas sa kanya dahil medyo magkalapit kami baka masapak n'ya ako. S'ya naman ay ganun pa rin ang expresyon habang nakatingin sa akin. Parang mas lumala pa nga.

After passing, I said goodbye before running out. Syempre lumayo talaga ako ng todo bago tumigil at hinihingal na napahawak sa tuhod.

Grabe. Muntik na. Baka makasuhan ako ng trespassing mahirap na. Sana naman kahit ganoon kasuplado ang lalaking iyon may awa pa rin s'ya sa akin ayokong makulong. Ayokong masira ang masaya kong bakasyon.

"Yuna!"

Napalingon ako sa tumawag. Si Bianca na tumatakbo palapit sa akin.

"Mabuti naman nakita kita. Ano? Kumusta ang unang araw mo ngayon dito?"

"Uh..."

Okay sana kaso nasira lang dahil sa hut scene.

"Okay naman."

"Good to hear. Nga pala, naikwento kita sa mga kaibigan ko. Gusto ka raw nilang makilala. Tara?"

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now