Chapter 9

45 10 0
                                    

Chapter 9: Ice Cream

Yuna's Point of View

Lumapit na ito sa amin pero hindi s'ya tumitingin sa akin. His eyes were only on his friend until he got close to us.

"Why are you late?"

Napahawak si Ash sa batok. "I'm sorry. Hindi ko agad napansin ang oras akala ko aabot pa kami hindi na pala. Hayaan mo na abot naman kami bago i-announce ang nanalo. Congrats."

"Okay. I understand." Inilahad nito ang kamay. "Where's my gift?"

"Nakalimutan kong bumili. Next time nalang."

"What? Alam mo namang awarding ngayon tapos hindi mo manlang ako bibigyan ng regalo? Iniisip mo ba na hindi kami mananalo kaya hindi ka bumili?"

"Pfft." Hindi ko napigilang hindi matawa.

Ang cute n'ya. Parang hindi s'ya 'yung grumpy na nakilala ko dahil para s'yang bata. He is not aware that he's cute at this point. Ang nakakatuwa pa, seryoso pa rin ang muka niya haha! 

Napatingin siya sa akin kaya natigil ako sa pagtawa at tumikhim.

"And who is she?"

Ah. So hindi n'ya pala ako kilala. Akala ko makikilala n'ya ako kahit takip ang muka ko.

"My girlfriend."

"What?" Gulat na tanong ng kaibigan n'ya at maging ako ay nagulat. "Why didn't you introduce her sooner?"

Natawa naman si Ash tsaka umiling. "I'm just kidding. Si Yuna 'yan sinama ko. Hindi mo kilala?"

Tumingin ulit siya sa akin. Ako naman ay kumaway pero mabilis din nitong ibinalik ang tingin sa kaibigan.

"I'm no longer your friend you traitor."

"Tsk sorry na nga. Ihahabol ko nalang. Promise."

Para talaga s'yang bata. Jusko kung ganyan ka lang lagi baka magustuhan pa kita.

"Oo na. Umuwi na tayo. Gusto ko na umuwi." Nauna siyang umalis.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Abnormal ba s'ya?"

"Sinapian lang s'ya ng isang two-year-old child. Shh." Bulong niya para hindi kami marinig ni Auxcel tapos sabay kaming natawa--pero agad ding natigil sa pagharap ni Auxcel sa amin kaya nagpanggap kaming hindi nag-uusap.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa parking lot. Hinayaan ko silang mag-usap dalawa. Nakahalukipkip lang ako sa tabi ni Ash para mas maitago ko ang itsura ko. Sana naman walang makakilala sa akin dito sa school.

"Sige bro. Nandoon ang sasakyan ko sa labas ng gate mauna na kami sa 'yo." Paalam nito sa kaibigan. "Tara na Yuna." Aya n'ya naman sa akin.

Sumunod ako pero natigil din dahil sa isang kamay na humawak sa aking kanang braso.

"Sa akin s'ya sasakay."

Nagulat ako habang si Ash naman ay natawa. "Okay. Ingat kayo."

"Ikaw na rin ang magdala nito." Then he handed the guitar to him.

"Gotcha. Bye Yuna." Ngumiti muna si Ash at kumaway sa akin bago tumalikod at umalis na.

"Wait--" Binalak ko sanang sumunod sa kanya pero hindi ko nagawa dahil mas hinigpitan ni Auxcel ang kamay n'ya sa braso ko.

"Stay."

Wala na. Nakaalis na si Ash. Naiwan na ako sa kanya. Mag commute nalang kaya ako? Kaso baka maligaw lang ako.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now