Chapter 14

31 10 0
                                    

Chapter 14: Performance

Ash's Point of View

"Dude tara na! Nagsisimula na baka mahuli tayo."

Pilit kong pinapapunta si Auxcel sa event. Kanina ko pa itong pinipilit pero talagang ayaw pumunta. Masisira 'yung plano ni Yuna sa kanya kapag hindi ko ito napapayag.

"Ayoko."

Napakamot na ako ng sentido. Gusto n'yang pumasok sa gate ng bahay pero pilit ko s'yang hinihila pabalik.

Gabi na. Kanina pang nagsisimula ang event. Nakapagsayaw at nakakanta na rin 'yung mga taga ibang lugar. Baka mamaya sina Yuna na ang sunod. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na kasali s'ya sa event kasi surprise nga daw.

"Sige na naman Auxcel, please."

"You can watch alone. I want to rest."

"Naiintindihan kong pagod ka pero pagbigyan mo na ako. Gusto kita kasamang manood."

Ang idinahilan ko kasi sa kanya kung bakit nawala si Yuna ay dahil may pinuntahan s'ya tapos gumawa pa ako ng dahilan na... "Aalis daw muna s'ya saglit pero hindi ko alam kung kailan ang balik" kahit wala namang pinasasabing ganun si Yuna. Wala eh iyon lang ang paraan ko para maniwala s'ya.

"Ayoko. At ako ang masusunod."

Inis na napakamot ako ng ulo. "Hindi pwede. Ako ang masusunod ngayon."

Hinawakan ko na ang braso n'ya at mabilis s'yang hinila.

"Ashiro! Bitawan mo ako ayoko nga sabi!"

"Manonood lang tayo ng isang performance ng representative natin tapos pwede ka nang umalis."

"Hindi ako interesado."

"Magiging interesado ka kapag napanood mo."

Wala na s'yang nagawa. Pwede ko naman palang sapilitang isama hindi ko agad ginawa.

"Guys!" Tawag ko kina Mylze na nakaupo habang nanonood. Agad naman silang tumayo at sinalubong kami.

"Buti naman pumunta kayo." Salubong ni Bianca.

"Oo. Hagya ko na nga itong madala dito. By the way, tapos na bang magperform ang representative natin?"

Umiling sila. "Hindi pa. Pagkatapos ng nasa unahan sila na ang kasunod. Ay oo nga pala. Happy Birthday Auxcel." Bati ni Mylze.

Bumati rin ang iba. Alam kong bagot na bagot ito ngayong birthday n'ya dahil hindi n'ya alam na may surpresang naghihintay sa kanya.

"What a wonderful performance! Nanalo na sila last year pero mukang ganoon ulit ang mangyayari ngayon. Well...hindi natin muna pwedeng sabihin na sila na ang panalo dahil mayroon pa tayong natitirang kalahok. At sila ay nagmula mismo dito sa golden coast. Ready na ba kayo?!"

Nagsigawan ang lahat sa tinanong ng host. Ang daming tao. Hindi nagkasya ang mga upuan sa dami nila kaya marami ang mga tumayo nalang.

"I'm leaving."

"What? Hoy!" Agad kong hinila si Auxcel na nagbabalak umalis.

"I'd rather rest than watch this stupid event."

"Nako Auxcel. Hintayin mo lang okay? Balita ko maganda ang performance nung atin kumpara noong mga nakaraang taon." Pati si Bianca ay tinulungan akong pigilan si AJ.

"I don't want to waste my time on this shit. Maaga pa ang klase ko bukas."

Inakbayan ko s'ya. "Sige. After ng isang sayaw ng representative natin, pwede ka nang umalis."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now