Chapter 5

38 9 1
                                    

Chapter 5: Fish

Yuna's Point of View

Gabi na ako nagising kaya hindi na ako lumabas pa. Nandito lang ako sa kama. Nakaupo habang ka-video call si Chloe. Hindi n'ya kasama si Tracy dahil naliligo daw.

"Ang ganda nga dito. Parang ayoko nang umuwi."

"Haha! Sabi ko sa 'yo. Sayang hindi ako nakasama."

"Okay lang 'yan. Next time sabay na tayong pupunta dito."

"Sige pero matagal pa 'yun eh."

"Yaan mo na. Ikaw ba? Kumusta ka?"

Humiga s'ya. "Eto. After ng party kagabi hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Nagising nalang ako sa bathtub. Doon pala ako nakatulog sa kalasingan."

Natawa ako. I can imagine it. Sayang wala ako para picturan s'ya at i-post sa insta.

"Ayan sige lasing pa. Hindi mo sinabing kasama nyo pala sina Charles."

"Sila ang nag-aya sa amin sa party. Hindi naman namin sila kasama noong pumunta kami dito. Saktong nandito pala sila at niyaya kami noong nalaman nila na sa Australia din kami pumunta."

"I see. Tama na ang party baka mapaano ka pa kapag nasobrahan ka sa pag-iinom."

"Last na talaga 'yon. Binalak namin ni Tracy na libutin nalang itong bansang ito."

"Aba. Ang laki n'yan ah. Kaya nyo?" natatawa kong sabi.

"Of course. Kayang-kaya. Matagal naman kami dito kasyang-kasya ang bakasyon namin para libutin ito."

"Hoy. Hinay-hinay lang. Malapit na mag comeback iyang kasama mo. Baka baldado 'yan bago pa kayo bumalik."

"Edi oras-oras kaming aalis para mabilis kaming matapos."

"Hay. Sige bahala kayo sa buhay nyo." Tumingin ako sa oras ng cellphone ko. "Gabi na nga pala. Kumain ka na ba?"

"Yep. Tutulog nalang. Ikaw ba?"

"Hindi pa."

"Hala? Anong oras na? Late na kumain ka na."

"Ayoko gusto pa kitang kausap."

"Hay nako. Kumain ka na tutulog na rin ako."

Ngumuso ako. "Ayaw mo lang yata ako kausap eh."

"Baliw! Syempre gusto. Ayaw ko lang na nagugutom ka tsaka inaantok na ako."

"Tss. Oo na sige na ba-bye."

"Bye! Kumain ka na ah?"

"I will. Sleep well."

"Mmm. Bye. I love you."

She gave me a flying kiss bago tuluyang pinatay ang tawag. Almost 2 hours na pala kaming nag-uusap. Puro naman walang kabuluhan ang mga pinag-usapan namin.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now