Chapter 22

33 10 0
                                    

Chapter 22: Fishing

Yuna's Point of View

Dahil hindi ako makatulog sa nangyari kanina, naisipan ko nalang i-post ang picture namin ni Auxcel. He looks like the one who doesn't have an Instagram account kaya hindi ko s'ya na-tag.

Ang inilagay ko lang sa caption ay dalawang magkaholding hands na tao na emoji (👫) tapos diretso post na. At dahil nga ngangayon ako nagpost, agad na dumagsa ang napakaraming likes and comments. I read some of it one by one.

"Waah! Finally! An update!"

"We miss you :("

"Sinong kasama mo Yuna? Ang gwapo."

"So that's why you're not updating? Kasi may ka-date ka?"

Date? Agad-agad?

"Oh em G! Bagay na bagay kayo!"

"Me as an Anna shipper. 💔"

"Stop shipping guys. Maybe he's just her friend."

"Look at her emoji caption. Doon palang alam na nagdadate sila."

"Ang gwapo! Go Yueina! Don't mind the Anna stans! Mas bagay kayong dalawa!"

Tinigil ko na ang pagbabasa. Eh kasi sadya naman kaming magkaholding hands kaya ayun ang nilagay kong caption.

Pinatay ko na ang cellphone at balak na sanang ipatong sa tabi ng kama ko nang bigla itong tumunog at bumungad ang pangalan ni Chloe sa screen.

"Hello, Chloe bakit---"

"[Amor! I just saw your post on insta! Sino iyon ha? Boyfriend mo? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin? Akala ko ba magbabakasyon ka lang bakit may boyfriend ka na?! Sino s'ya? Ipakilala mo muna sa akin bago mo patulan!]"

Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses n'ya. "Kumalma ka nga. Hindi ko s'ya boyfriend okay? Kaibigan ko lang."

"[Weh?! Magsabi ka ng totoo sa akin. Bakit gano'n ang caption mo?]"

"Ano bang mali doon eh sadya naman kaming magkaholding hands--"

"[Huwaaaat?!]" Napangiwi ako sa nakakarindi n'yang boses. "[Kaibigan mo lang tapos ka-holding hands mo?!]"

"Bakit? Bawal ba?"

"[Amor! Hindi kayo magho-holding hands kung hindi kayo o wala manlang kayong nararamdaman para sa isa't isa! Umamin ka na ngayon din! Susunduin kita d'yan kapag nalaman ko na may boyfriend ka alam mo namang bawal!]"

Napakamot ako ng sentido. "Alam ko naman iyon okay? Basta hindi kami. Wala akong boyfriend."

"[Hay nako! Nai-stress ako sa 'yo. Okay lang naman sa akin kung may boyfriend ka pero kapag nakita 'yan ni Sir Jazz, malalagot ka.]

"I know, I know. Pero wala lang talaga ang post na 'yun. Naisipan ko lang i-post. Sige na magpapahinga na ako."

"[Okay! Pero ang gwapo niya ah bagay kayo.]" Tapos bigla nalang itong tumawa samantalang kanina makabasag pinggan ang boses.

"Gaga. Ba-bye na."

"[Sige. Tatawag ulit ako sa 'yo ha? I need an update baka mamaya kayo na.]"

"Aish. Ang kulit mo."

"[Goodnight!]"

Binaba ko na ang tawag at tuluyan ko na iyong naibaba sa kama. Pero hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Alam kong wala naman talagang kami at hindi pwedeng maging kami dahil bawal. Golden rule namin ay no boyfriend and girlfriend hangga't hindi pa natatapos ang kontrata namin kaya kung ayaw kong mapatalsik sa grupo, hindi ako dapat magkaroon ng boyfriend.

Tale of Coast (Season 1) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt