Chapter 37

45 8 0
                                    

Chapter 37: Sundo

Yuna's Point of View

Syempre, kahit walang pasok, dito pa rin dumadayo si Auxcel para kumain ng umagahan. Natutuwa rin naman ako dahil luto n'ya ang nakakain ko sa umaga hindi luto ng iba.

"Gusto kong dalhin si Angel." Nakasimangot kong sabi habang nakatingin kay Angel na lumalangoy sa aquarium n'ya na nasa kabilang table.

Hindi ko na nga inaalagaan ang mga isda n'ya kasi binigay n'ya na 'yung tungkulin kay Ash. Kesyo ayaw n'ya daw na mapahamak ako ulit dahil doon ako huling napahamak.

"P'wede mo namang dalhin."

"Huwag na. Baka mapagtripan lang 'yan nung mga kasama ko doon. Iiwan ko nalang s'ya sa daddy n'ya."

Natawa ito sa sinabi ko at napailing. "Ako nalang ang isama mo."

Gulat akong tumingin sa kanya. "Sure ka? Sasama ka?"

"Biro lang."

Napasimangot ako agad. Gusto ko itong isama tapos iiwan para maligaw. Hindi kasi ito maalam magcommute kaya masarap pagtripan.

Matapos naming kumain ay binalak ko siyang paalisin dahil mag-aayos pa ako ng sarili ko.

"Mamaya ka nalang ulit bumalik. Mag-aayos lang ako."

"Huwag na. Maganda ka na."

"Tsk. Liligo pa ako. Iimisin ko pa rin itong mga gamit ko. Sige na puntahan mo nalang ulit ako dito mamaya." Tinulak-tulak ko s'ya palabas.

"Fine. Basta bilisan mo."

"Yes, yes promise." Binuksan ko na ang pinto. "Bye---"

Literal na napanganga ako at nanlaki ang mga mata ko dahil nang handa ko na sanang itulak si Auxcel palabas, hindi iyon natuloy dahil ng nakita kong tao na nakatayo sa tapat ng pintuan ng room ko.

"Chloe?!"

Nakataas pa ang kanang kamay nito para pindutin ang doorbell pero hindi n'ya iyon napindot dahil sa pagbubukas ko ng pinto.

Hindi nga?! Nandito s'ya?

Tumingin s'ya kay Auxcel tapos sa akin tapos biglang naging mataray ang muka.

"Who is he?" Tanong n'ya pero hindi pa rin ako makarecover sa gulat.

"A-Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Well..." She crossed her arm. "Nandito ako para sunduin ka. Pero bago ang lahat, sabihin mo muna sa akin kung sino s'ya."

"A-Ah..." Hindi ako magkaintindihan. "S'ya si Auxcel. Hindi mo ba namumukaan?"

Tumingin s'ya kay Auxcel at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Okay. I recognized him."

"Good morning." Bati sa kanya ni Auxcel ngunit mataray pa rin s'yang nakatingin sa kanya.

"Is he your boyfriend Yuna?"

"Ha? Hindi ah. 'Di ba alam mo naman ang tungkol dito?"

"Then bakit s'ya nandito sa hotel room mo?"

"Eh kasi dito s'ya nag-uumagahan. Sabay kami lagi."

"You sure na kumakain lang ng breakfast? Nothing else?"

"Chloe." Saway ko.

Heto nanaman s'ya. Nagiging pasmado nanaman ang bibig.

She sighed. "I'll talk to her. You may leave." Utos n'ya kay Auxcel.

Tumingin s'ya sa akin at tumango naman ako sa kanya. "Sige na. Mamaya nalang ulit."

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now