Chapter 40

31 8 0
                                    

Chapter 40: Pain

Yuna's Point of View

"I. Am. In love."

Napangisi ako at napailing sa sinabi ni Chloe na nakaupo sa harapan ko. Kumakain kami ng dinner at itong isang ito, hindi na magalaw ang kinakain dahil sa kakalandi kay Ash sa isip n'ya.

"Hay nako. Kumain ka na nga muna patapos na ako oh."

"I can't get him out of my brain. I'm deeply in love with him, seriously. Pero hindi ko pa rin sure till now kung may pag-asa ba ako sa kanya o wala." Sabay halumbaba sa lamesa.

"Gaga."

Ibang klase talaga ang babaeng ito. Ang lakas ng tama kay Ash. Jusko baka mamaya makita ko nalang ang dalawang ito na nagce-celebrate na ng monthsary.

Matapos kong kumain, itong kasama ko ay kakaunti lang ang nakain kasi mas pinairal ang kalandian. Nasayang tuloy ang pagkain. Busog na ako kaya hindi ko na kayang kainin pa ang tira n'ya kahit nanghihinayang ako.

"Kumusta kayo ng boyfriend mo? Are you two still okay?" Tanong n'ya habang binubuksan ko ang pinto ng hotel room.

"Yep." I closed the door after we entered. "I'm actually gonna meet him tonight."

Dumiretso ako sa harap ng salamin para ayusin ang sarili ko habang si Chloe naman ay sa kama umupo.

"Buti ka pa. Masaya sa love life."

Natawa ako at humarap sa kanya sakto namang humiga ito sa kama. "Hindi ka pa ba masaya niyan na maya't maya kang ngumingiti mag-isa?"

Tumingin siya sa akin. "Yes. I'm happy. Pero iba pa rin ang feeling kapag mahal n'ya rin ako."

Natawa akong muli at pabiro s'yang tinarayan. "Yeah you're right. Sige na dito ka na muna pupuntahan ko lang si Auxcel."

"Fine. Take care." Tumalikod siya sa akin at humarap sa kabilang side ng kama.

"Chloe..." Pagtawag ko sa kanyang pangalan.

Alam ko ang galawang ito ni Chloe. Galawang nagtatampo.

"Okay lang talaga. Go na pauwi na tayo sa isang araw." Wika nito habang nakatalikod pa rin sa akin.

I sighed. "Mmm. Matulog ka na. Goodnight."

"Night." She simply responded.

Alam ko namang nagtatampo siya kasi iniwan ko siya noong pumunta kami ni Auxcel sa isla tapos iiwan ko nanaman s'ya ngayon. Wala eh. I want to spend more time with him kasi medyo matagal bago ulit kami magkita.

Tumalikod na ako at umalis na. At dahil ako lang ang nagbalak na makipagkita sa aming dalawa, hindi ko alam kung nasaan s'ya. Malamig ang simoy ng hangin kaya niyakap ko ang sarili ko at humakbang na patungo sa kahit saan. I can't call him because I have a drained phone battery. I have no other choice but to search for him alone.

Una, binalak ko siyang puntahan sa kanila since maaga pa naman pero hindi natuloy dahil namataan ko si Ash na naglalakad kaya sa kanya ko nalang naisipang itanong ang kanyang kaibigan.

He went straight to the small shop. Habang papalapit ako, napapansin ko na para siyang may hinahanap dahil palinga-linga s'ya sa paligid.

"Ash." Tawag ko.

Agad naman itong lumingon at ngumiti nang makita ako. "Ikaw pala Yuna. Ano'ng ginagawa mo dito? Gabi na ah?"

"Wala. Nagpapahangin lang nang makita kita." Dahilan ko kasi syempre ayokong magpahalata masyado.

"Mmm. Okay. Where's your friend?"

After he asked about Chloe, nang-aasar na tumingin ako sa kanya dahil may alam ako tungkol sa kanilang dalawa.

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now