Chapter 29

44 10 0
                                    

Chapter 29: Honey

Yuna's Point of View

Nandito ako ngayon sa kusina nina Auxcel at nakasandal sa pintuan habang pinapanood silang dalawa na nag-aaway agang-aga. Si Auxcel hindi makapagluto ng ayos dahil ayaw tantanan si Ash ganun din naman 'yung isa sa kanya.

"Hindi ko nga kasi sinasadya! Sorry na nga!"

"Lumayas ka na dito doon ka nalang sa hotel!"

"Aba bakit ako? Bakit hindi kayong dalawa?"

Nagising nalang ako ganito na ang nadatnan ko sa kusina. Dahil busy sila sa pag-aaway, hindi nila alam na nandito na ako at pinapanood sila.

"Lumayas ka."

"Ganyan ka na? Porque nagkagirlfriend ka tinataboy mo na ako matapos kong tiisin 'yang kasamaan ng ugali mo?" pagdadrama ni Ash.

"Sew your fucking mouth! Just find a girlfriend and stop messing with us!"

"Paano ako maghahanap eh wala naman akong magustuhan?"

"Bahala ka sa buhay mo problema mo na 'yan."

Naghikab ako.

Kailan kaya sila matatapos?

"Napakapangit pa rin talaga ng ugali mo sa akin. Sasabihin ko kay Yueina na hiwalayan ka dahil hindi ka n'ya deserve---aray!" Daing nito nang batuhin s'ya ni Auxcel ng sandok.

"Gusto mo bang ilublob ko ang muka mo dito sa niluluto ko ha?"

Dahil naririndi na ako, nagsalita na ako. "Guys. Huwag nyo ngang gawing almusal ang pag-aaway."

Natahimik sila at sabay na tumingin sa akin.

"Yuna. Pagsabihan mo nga itong si AJ. S'ya naman ang nauna hindi ko naman inaano." Parang batang sumbong ni Ash sa akin habang nakaturo pa kay Auxcel na badtrip lang ang muka sa harap n'ya.

Naglakad ako palapit kay Auxcel at tsaka piningot ang kanyang tenga.

"Aray. Yueina." Hawak nito ang tengang tumingin sa akin habang ako ay nakapamewang na tumingin sa kanya.

"Magluto ka na hindi 'yong agang-aga nakikipag-away ka sa kaibigan mo."

"Bakit ako?"

"Haha! Deserve!" Asar ng kaibigan n'ya sa kanya habang tumatawa kaya lumapit din ako sa kanya at piningot din ang tenga. "Ah! Aray!"

"Isa ka pa."

Binitawan ko ang tenga n'ya at s'ya naman ay nakasimangot na humawak doon.

"Isa pang makita kong nag-aaway kayo, kayong dalawa ang palalayasin ko dito."

Jusko. Nagmuka na akong nanay na umaawat ng nag-aaway na dalawang anak. Kung hindi pa yata ako umawat baka patay na ang isa sa dalawang ito.

"Sige na Auxcel. Magluto ka na baka masunog pa 'yan. At ikaw naman Ash, lumabas ka na baka magsabong nanaman kayong dalawa."

Sumunod naman ito pero nakasimangot pa ring naglakad palabas.

Tumingin ako kay Auxcel. "D'yan ka na."

Tumalikod na rin ako at iniwan s'ya. Nakita ko si Ash na naglalakad papunta sa dining room kaya sumunod ako sa kanya. Pagpasok ko, nadatnan ko s'yang naglalagay ng mga gagamitin sa pagkain.

"Psst. Ash." Tawag ko.

Tumingin naman ito. "Why?"

"I'm sorry. Napasobra ba 'yung pingot ko?"

Tale of Coast (Season 1) Where stories live. Discover now