Chapter 18

31 10 0
                                    

Chapter 18: About her

Ash's Point of View

Matapos ng nangyaring paghalik ni Yuna kay Auxcel, nakatulog nalang ito bigla kaya naiuwi na s'ya nito. But he reminded us to never tell Yuna about what happened in case she doesn't remember anything. I asked him why pero ang sagot n'ya sa akin ay hindi na raw mahalaga pero sa isip-isip namin, may dahilan talaga kung bakit at hindi nanaman kami nangulit pa kaya ayun, nagsinungaling kami kay Yuna kanina.

Naglalakad ako pauwi na sana nang aksidenteng mahagip ng mga mata ko ang isang taong hirap na naglalakad sa hindi kalayuan sa akin. Nagdesisyon akong mas lumapit sa kanya para makita ko kung anong nangyayari pero agad akong nagulat nang makita ang tagiliran nitong dumudugo. Pero hindi lang iyon ang labis kong ikinagulat. Dahil nang makita ko kung sino siya, agad akong natigilan.

"Yueina?"

Napatingin siya sa akin at kahit nahihirapan ay nagawa pa rin niyang ngumiti.

"T-Thank God. You're here."

"Anong nangyari sa 'yo---holy shit."

Mabilis akong lumapit sa kanya nang makitang matutumba s'ya at mabuti nalang at nasalo ko ito bago pa tuluyang bumagsak.

Hinawakan ko ang kanyang muka. "Yuna!"

Sinubukan ko siyang gisingin ngunit wala na itong malay. Para malunasan, agad ko siyang binuhat upang dalhin sa bahay. Alam kong sobrang mag-aalala si Auxcel kapag nakita n'ya ang kalagayan nito pero wala akong ibang choice kundi ang dalhin ito sa kanya dahil alam n'ya naman kung paano gumamot.

I rang the doorbell when I got home because I couldn't open the gate now that I was carrying Yuna. It didn't take long for him to come out.

"Auxcel bilis! Si Yuna!"

After he opened the gate, kay Yuna agad dumapo ang kanyang tingin. "Yueina? What happened to her?"

"Hindi ko alam. Nakita ko nalang s'ya sa ganitong sitwasyon."

"Dalhin mo s'ya sa kwarto."

I went in and took her straight to the guest's room and laid her on the white bed. Auxcel followed me with a kit.

"Mukang nasaksak s'ya."

"I'll take care of her."

"Sige. Balitaan mo nalang ako sa kalagayan n'ya."

Umalis na ako ng kwarto at iniwan sila sa loob. Dumiretso ako sa sofa at umupo. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang tao sa security area.

"[Yes, Good evening Sir.]"

"Good evening. Itatanong ko lang sana kung may napansin ba kayong kakaibang tao ngayong gabi?"

"[I'll check sir what a second.]"

Sumandal ako at naghintay ng kanyang tugon.

"[Meron lamang pong isang tao ang naglalakad. Kaso hindi ko makita kung sino dahil balot na balot ang kanyang muka at katawan.]"

Tumango-tango ako. "Okay. Thank you."

Binaba ko na ang tawag at bumuntong hininga.

Malamang ang taong iyon ang gumawa nito kay Yuna. Hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Sino siya? Hindi naman ito nangyari sa kanya ng aksidente lang. Malakas ang kutob kong sinadya ito. Pero ano namang dahilan? Why did he do that? Couldn't that person have a grudge against her?

Ngangayon may nangyaring insedenteng ganito at kay Yuna pa talaga kaya naman talagang nakakabahala. Ngayon, sigurado akong hindi titigil si Auxcel hangga't hindi nakikilala ang taong gumawa nito.

Tale of Coast (Season 1) On viuen les histories. Descobreix ara